Sabado, Disyembre 20, 2014

Bukas

Dumaraan ang mga bestidang puti;
Gusto ko miske isa;
Ngunit kumuha'y 'di magawa;
Panahon ang magtatakda.

Dumaraan ang mga dilag;
Isinasaboy ang mga rosas;
Habang ako'y nakaposas;
Pait ay dinaranas.

Ako'y alipin ng mga taon na naglayag,
Nang mas maaga sa aking bangka;
Ako'y nagtataka, bakit nga ba?
Madaya... madaya.

Sa dalampasigan ng altar,
Ako'y naluluha;
Walang ibang hiling sa langit ng pag-asa,
Kung 'di bukas ay dumating na.
[December 20, 2014 5:52 a.m.]

Disenyo

Walang bahid ng dumi,
Ang punda ng unang iniuwi,
Walang bahid ng dumi,
Ngunit may tagpi.

Ang tagpi ay inilagay,
Kapirasong telang sa butas inalay;
Para 'di na lumaki pa ang problema,
Tinapalan kahit kulay ay 'di tugma.

Noon sa pag-ibig ay nabigo;
Ngayo'y handa laging sumuko;
Kahit hindi akma,
Kahit hindi tugma.

At nagpaalam sa laban,
Aniya'y ito ang mainam;
Saka napagtantong walang tagpi,
Wala rin butas ang pundang iniuwi.

Ang mga tagpi ay sadyang disenyo lang,
Ipininta upang maiba ang unan;
Mga problemang akala mo'y dala ang pighati,
Sinukuan mo, 'yon pala'y pampatingkad ng ngiti.
[December 16, 2014]

Alon at Blusa

Minsan, maiinip ka sa panahon;
Maiisip mong malupit ang pagkakataon;
Sumasalungat ka sa alon;
Ngunit ika'y inaanod, 'tila pa malulunod.

Pero hindi ka matitinag;
Kahit walang pag-asang maaninag;
'Di mapapagod gumawa ng paraan;
Marating lang ang dalampasigan.

Subalit katotohana'y 'di maiiba;
Kung lalabana'y ikaw ang magigiba;
Habang nagmamadali kang umahon,
Lumilipas oras, nasasayang ang mga taon.

'Di ko mababago ang daloy ng tubig;
Nakapaghihintay ang pag-ibig;
Sumasayaw man ang mga puting prinsesa;
Ako ay ako, suot ang asul na blusa.
[December 15, 2014 9:52 p.m.]

Huwebes, Disyembre 11, 2014

WWI

Sa simula pa lang,
Ay natagpuang ganap,
Ang katotohanang naiiba,
Ikaw at ako'y 'di sila;
Sa panig ng langit, walang masama,
Ngunit tayong dalawa'y lito,
'Di alam kung pupusta sa laro.

Malaya ako, malaya ka,
Ngunit tayo'y malaya nga ba?
Kapwa takot, hahakbang ba ako?
Umaatras ka, nanlalamig at hapo;
Ako man ay napapagod na,
Bakit ikaw ang nakatagpo?

Ngunit umagos ang tubig sa ilog,
Walang dapat ikatakot,
'Di na ako lilingon pa,
Mangangarap at titingala,
Narito ang mga sumasayaw na tala,
Katabi ang buwang hugis letra.

Pumanaw ang gabi —
Literal at hindi;
Sumilay ang mga ngiti,
Nang maglapat ang ating mga labi,
Kanina, sa isang aksidente,
Na 'tinakda palang mangyari.

Tumingkad ang mga ilaw sa ilog,
Nagpaalam sa kahapong 'tila 'di susulong,
Inilatag mo ang pilak na sapin,
Sa damuhang kinumutan ng hangin,
Gabi na at madilim,
Salamat sa mga bituin.

May walang hanggan sa pasyalan,
May pag-ibig sa dyip na sinasakyan,
Naghihintay ang tren sa iyong paghalik,
Sa pisngi at labi ng 'yong langit;
Yakapin mo lang ako ng paalam,
Panaho'y darating para sa walang bitawan.

Ngunit isinasaboy ang mga talulot,
Ang mga puting bestida'y sumasayaw,
Alam kong ika'y nababagot,
Kung puwede lang akong sumabay;
Pero hindi pa tapos ang pagbibilang,
Nasa apat pa lamang.

Ngayo'y muling nangangamba,
Paano kung nagkamali pala?
Ayaw kong muling magdusa,
Ngunit isipa'y 'di mag-iiba;
Ang pagmamahal ay naghihintay,
Iibigin ka kahit ika'y magtagal.

Hawak ko na ang mga rosas,
'Wag ka sanang umabante o umatras,
Hindi man ito panahon ng palasyo't mansanas,
Lungkot ay 'di mo na madadanas;
Hawakan natin ang isa't isa,
Sa sugal 'wag magsisi... mahal kita.
12/11/2014 12:13 a.m

Patawad Ay 'Di Sapat

Ayaw ko na marinig,
Ang pagsabi ng: "'Di na Uulit,"
'Wag ka na lumapit,
Ako'y 'di rin mapipilit.

Gasgas na ang paumanhin,
Pa'no kita patatawarin?
Iisipin ng iba'y lagi mong pangamba,
Ako'y pagod na talaga.

Siya, sila, sa'yo'y mahalaga,
Ako'y 'di magtitiyaga,
May iibig pa't ako'y 'di mag-iisa,
Alam kong may matatagpuan iba.

Mahal kita ngunit kayang ko, sinta,
Bibitiwan kita, pati ang gunita;
Rosas ay nalalanta sa 'di pagkalinga,
Pag-ibig ko'y mawawala kung 'di ka pa tatalima.

[November 2014]

Teddy

Iniwan ka niya--malungkot, mag-isa;
Paalam na ba sa mga alaala?
Giniginaw, bagamat tuyo'y nababasa;
Sa ulang 'di nakikita, na waring 'di na titila.

Naghintay ka nang naghintay;
Sa loob ng kahong ika'y pinapatay;
'Di ka makahinga, sakal na sakal;
Sa yakap ng mga bestidang halos ikalakal.

Mahapdi ang pagdalaw ng mga gunita;
Kung alam mo sanang maiiwan ka;
Kung alam mo sanang ipagpapalit ka;
Ngunit panaho'y malupit, 'di man lang nagbanta.

Sa piling ng mga lumang prinsesa;
At ng tahanang noo'y laging sa mesa;
Pinipilit mong hanapin ang pag-asa;
Kahit walang napapala kung 'di sugat at pasa.

Pero 'wag kang mag-alala, kaibigan;
Oras ay mamamaalam, tatapos ang kalakasan;
At kung saan lumigaya sa kabataan;
Doon siya ngingiti bago harapin ang Kanluran.
[November 2, 2014, 12:49 a.m.]

Photo from weheartit.com

Lubid at Trumpo

Paikut-ikot, patakbo-takbo,
'Di makuha sa isa, dalawa, tatlo;
Ayaw magpatalo, seryosong-seryoso;
Sa lahat ng trumpo, ikaw ang 'di humihinto.

Paikut-ikot, walang balak huminto;
Sumasayaw sa semento;
Giling dito, giling doon;
Sinasamantala ang iyong panahon.

Mahal ka ng bata;
Mahal mo rin siya;
Ako'y tagapagpaubaya;
Lagi kang pinapalaya.

Alam kong masaya ka;
Masisisi mo bang hinayaan kita?
Umiikot ang daigdig, sinasabayan mo;
At ako ang siyang instrumento.

Ngunit, dumating ang tag-ulan;
Bata'y hindi nakalabas;
Nagpalitan ang tagsibol at taglagas;
Oras ay 'di na sa 'yo nakalaan.

Kasalukuya'y naging nakaraan,
Paalam sa mga laruan,
Ika'y binalik sa pinagmulan,
Sa bisig kong madalas mong iwanan.
[October 22, 2014, 12:55 a.m.]

Miyerkules, Agosto 20, 2014

Drowning in memories of a lost daughter

(I just want to post it here-- one of the stories that I wrote using my heart. A story of tragedy and love. Published in Manilla Bulletin on August 14, 2014)

“I cannot think of words that would describe or measure how painful it is to lose a child. Yanna is a big loss. She is the one bringing joy to our home. She is our life, I can say. She was our angel when she was still with us, and she will always be.”
 These are the words of Remedios “Tutz” Salarda-Chan, mother of 10-year old Jannary “Yanna” Chan, who died recently after being turned away by a private hospital in Butuan City because she could not immediately produce P30,000 required by the hospital as a deposit.
In an exclusive interview yesterday, Remedios opened her heart to Manila Bulletin – expressing  sorrow and pain.
 Yanna, the younger of Tutz and her husband Gregory R. Chan III’s two children, was already diagnosed with congenital heart disease when she was six months old.  The condition, however, did not stop her from having a happy childhood.
 “Yanna is a happy child, so sweet, friendly, charming, thoughtful and generous to everyone,” Remedios said in describing her daughter. She added that Yanna has been brave   and strong all throughout her short-lived life.
“She’s a brave child. Brave in the sense that she can endure all medical procedures, especially when she needed to be admitted and a series of laboratory tests had to be performed., such as getting blood samples every now and then, inserting intravenous lines aside from injections of high dosages of insulin four times a day plus taking a lot of medicines.  How can a child sustain and endure all these pains and yet remain happy, smiling, witty, thoughtful, generous?” she shared.
Early this year, Yanna was also diagnosed of diabetes with renal complications. 

Hospital and sorrow
Every time she hears the hospital’s name, the first word that comes into her mind is the word “sorrow.”
“Sorrow,” Tutz said. “Because it reminds [me] of the nightmare that happened to us on the night of July 15, 2014 that is causing us so much pain and sorrow right now.” 
She recalls what happened that evening. 
They were advised to transfer Yanna from the San Francisco Doctors Hospital in Agusan del Sur where she was confined since July 13 to a better-equipped facility due to the child’s emergency situation and critical condition.
“We travelled more than an hour in an ambulance accompanied by two nurses from San Francisco Doctors Hospital with medical certificates and a referral. We arrived at the Butuan Doctors Hospital around 8 p.m., and I rushed to the admission desk where I was turned away simply because my available cash on hand was only around P8, 000 to P10, 000 and they demanded for 30,000.” Tutz recalled.
“We pleaded to be admitted because of the emergency and Yanna’s critical condition, and it was beyond banking hours,” she said, adding that they explained to the woman at the admission desk that they can produce the remaining balance in a few hours when banks open. 
The admitting clerk was far from moved and shot back at the child’s mother.
"Malayo sa 30,000 yang hawak mong cash! Wala ditong charity, private hospital kami (The amount of money you have right now is too small. There’s no charity here, we are private hospital!),”
 Bent on getting medical attention her daughter desperately needed, Tutz continued to plead, stressing that Yanna’s condition is an emergency, to no avail.
The staff, she said, responded in Filipino: “That’s not an emergency! Emergency is when someone gets hit by a vehicle etc. You came from another hospital, you should’ve called us before leaving there to know how much you need to pay. You know that there must be a deposit before the patient can be admitted. And when in ICU, we need P30, 000 deposit, that’s our policy!” 
“We had no choice but to travel again,” Tutz said.. “While on the way, we were constantly coordinating with the attending physicians of San Francisco Doctors. There was no other way but to go to a farther hospital. But before reaching the hospital in Davao City, my daughter passed away.” 

Sweet ‘til her last moments
Yanna remained sweet and caring up to her last breath, Tutz remembered. 
“Gasping for breath with an oxygen mask on, she said ‘Kain na mommy, kain na daddy! (Mommy, Daddy, let’s eat)’ She just keeps on calling me and her dad. No other words uttered, only “mommy” and “daddy.” 
It was so painful for a mother to recall the scene of her daughter in her death bed.
“It was just too painful to see her not breathing anymore,  eyes closed. When the physician confirmed that Yanna is gone, Yanna’s dad said in trembling voice “Lapitan natin si Yanna, magpaalam na tayo habang mainit pa siya.’
“Teary-eyed, we approached our dear child and gave her our last tight embrace. We felt unimaginable pain.” 
“My other child, my husband and the rest of my family feel so much loneliness as I do. We used to hear Yanna’s voice, calling all our names. We talk to her all the time since she left us. I know time will heal the pain we are feeling right now. I just don’t know until when.” 

Viral social network post
“When I wrote the letter and posted it,” Tutz disclosed, “all I wanted was to just expose Butuan Doctor’s Hospital, how they treated us and rejected my daughter in spite of her critical condition, so people in the region would be aware.” 
She said she never thought the post would be shared more than a hundred thousand times. 
“I thank my friends and their friends who shared my post [on Facebook],” she expressed.
“Even people I don’t know are trying to help sincerely in trying to seek justice for Yanna.” 
“I have no message to the hospital,” she added. “What else am I supposed to tell them? My precious daughter is already dead.” 

With visions and memories of her happy little angel in mind, Tutz  sent out this emotional message to Yanna: “Miss na miss na kita anak. Sobrang mahal ka naming lahat.(I miss you a lot my child, we all love you so much), I am looking forward to be with you again in God’s time.” 

Sabado, Agosto 16, 2014

Sayang, Sana Hindi Ko Binitiwan


Sayang.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ng tamang aklat, may nakita akong isa na ‘tila magugustuhan ko talaga. Mukhang maganda 'yong kuwento, kung ibabase sa buod nito likuran ng libro at sa mga parteng nabasa ko sa ilang buklat. Idadagdag mo pa ‘yong magandang pabalat. Talaga namang ang sarap itabi!

Kaya lang, medyo malaki at mabigat. Nagsisimula pa lang akong mag-ikot sa tindahang iyon. Kung dadalhin ko na iyon, paano kung maging sagabal ito? Paano kung mahirapan na akong makakita ng mas maganda?

Naisip kong ilapag na lang muna. Sabi ko, babalikan ko na lang bago umuwi o ano. Basta, bibilhin ko talaga iyon. Mag-iikot lamang muna ako.

Sa dami ng libro roon, 'di naman siguro 'yon makukuha. Mahirap pumili kung marami kang pagpipilian. Isa pa, ginawan ko naman ng paraan. Inihalo ko ito sa mga babasahing pambata. Wala naman sigurong bata na pipili ng ganoon kabigat na babasahin, lalo pa’t makapal ito at wala namang mga larawan sa loob.

Pero nagkamali ako.

Sayang. Sana, dinala ko na lang pala.

Naisip ko tuloy, minsan talaga ay saka ka lang nagkakaroon ng sapat na lakas dalhin ang isang bagay kapag bitbit na ito ng iba.

Kung saan ako nagkamali ng akala – sa pag-iisip man na sa dami ng libro ay hindi ito mapipili, o sa paniniwalang walang dadampot nito na paslit – ay hindi ko alam.

Basta, sayang.

Ang masaklap pa ngayon, hindi ko man lang alam kung sa tamang tao ito napunta o doon din sa kagaya ko na may pagkatamad at iresponsable.

At iniwan lang din ito kung saan.

Paano kung umalis pala ako nang hindi alam na nasa tabi-tabi lang ito? Paano kung naitapon pala, sa ikalawang pagkakataon, ang tiyansang makuha ko ang librong iyon?

Sayang.

Pero, bakit ko pa iisipin kung wala na? Kung huli na para mag-isip?

Bakit ko pa pagtutuunan ng pansin kung may iba naman akong nabili – na mas maganda pa?

Minsan talaga, gustung-gusto nating hinahanap ang malabo na nating makita. Mas gusto natin kung saan tayo nahihirapan.

May challenge, ‘ika nga.

Torture kamo.

Pagpapahirap lang sa sarili.

Sa halip na tingnan natin kung ano iyong nawala, bigyan na lang natin ng pansin kung paano ito nawala – para maiwasang magkamali muli.

Hawak ko ngayon ang isang aklat na alam kong magugustuhan ko – base sa pamantayan ko sa “unang tingin.”

Kapag nawalan ako ng ganang basahin ito dahil lang sa isa, mas malaki ang mawawala – iyon ang totoong sayang. Sayang, dahil sa ikalawang pagkakataon ay mayroon akong sinayang.

Binuklat ko ang hawak kong libro.

Magbabasa na ako.
[August 2014]

Photo from www.onislam.net

Sabado, Agosto 9, 2014

Parang Totoo


Larawan, larawan. Minsan sa buhay ko, inakala kong totoo ka, inakala kong totoo ito.

'Tila buhay ang iyong mga ngiti. Waring tunay ang pagsabay sa hangin ng buhok kong itim. Parang totoo ang sikat ng araw na tumatama sa atin.

Ang saya pala natin sa simula -- malaya, lumilipad. Ang ganda pala ng Maynila, sa wakas ay nakita ko ang lantad nitong kasaysayan. Ang sarap maligo sa ulan, bata pa ako nang huli ko itong maranasan.

Dahan-dahan ang pagsabay ng mga dahong palutang-lutang sa ilog. Inilantad ang mga ito ng buwang ngayon ay bilog na bilog. Pakiramdam ko ay natagpuan ko ang paraiso -- dito sa magulong mundo.

At nyakap mo ako. Sa wari ko ay nag-iba ako. Hindi kita tinulak palayo. Sana ay hindi na matapos ito. Sa bisig mo, naramdaman kong protektado ako.

Nakabibingi ang katahimikan, pero musika ang narinig. Walang nagsasalita kahit sino sa ating dalawa. Pinakinggan ko ang pintig ng pusi mo. Masaya, masaya, habang yakap mo ako.

Pakalat-kalat ang mga larawan, masakit sa mata.

Unang ngiti, akalain mong masusundan ito ng ilang daan pa? Sariwa pa sa alaala ko ang lahat. Ang mga mata mong 'tila may kalakip na pag-aalala. Ang mga unang impormasyong nakalap natin sa isa't isa. Ang mga bagay na maiuugnay sa tadhana.

Subalit naglaho na ang lahat. Mas maliwanag pa sa bilog na buwan ang katotohanan. Lahat ng inakala kong hiwaga ay ordinaryo lamang. Lahat ng sinabi mo noon, hindi ko na magawang paniwalaan.

Ang mga larawan. Napakaraming alaala, nakakapika!

Ngunit mas nakakainis mapagtantong wala ka pala akong hawak na larawan. Ang mga litratong hindi nakunan ng mga lente pala ang aking namataan.

Photo from searchquotes.com
Mas matindi pala ang kamera ng puso ko, walang eksenang hindi nakuhanan. Narito ang lahat -- mga larawan natin, mga bakas ng kahapon, mga alaalang nabuhay noong inakala kong lahat ay tunay.

Nagkalat ang mga gunita. Gusto kong maluha.

[August 9, 2014]

Linggo, Hunyo 22, 2014

Ang Piloto at ang Eroplanong Papel


Umihip ang hangin. Isa... Dalawa... Tatlo... Sabihin mo sa akin, bakit parang napapagod ako?

Natapos na ang isang yugto, nagsimula na ang panibago. Umihip na ang hangin, wala na akong maaaring baguhin.

Naaalala ko pa dati, madalas niyang sabihin kung gaano niya ako kayang ibigin. Oras-oras kung magsalita siya tungkol sa pagmamahal na laan niya sa akin -- at, kung hindi ako nagkakamali, walang araw na hindi niya binigyan ng kahulugan ang mga katagang iyon.

Gawa, gawa, palaging may gawa. Isa lamang ang hindi niya nagawa, isang bagay na hindi ko hinayaang maganap.

"Ililipad kita sa langit," ito ang madalas niyang sambitin.

Imposible? Hindi. Siya ay naging isang piloto -- hindi dahil sa pangarap niya ito, kung hindi dahil sa hangad kong maglakbay malapit sa paraiso.

Sabi nila, mapalad daw ako.

Mapalad nga ba?

Pinili kita, hindi ko alam kung bakit. Ikaw ang gusto kong makasama, sa dahilang walang nakakaunawa -- maging ako. Iniwan ko siya, minahal ka nang buong-buo. Naniwala ako na ang makapiling ka ang tunay na suwerte ko.

Masuwerte nga ba ako?

Kailanman ay hindi ka nangakong ilipad ako. Ang pagsasabi mong mahal mo ako ay hindi ko maaninag sa iyong pakikitungo.

Nakakapagod. Nakakalito.

Hindi ko kailanman hininging ilipad mo ako. Masaya na ako kahit isang eroplanong papel lang ang ibigay mo. Hindi ko hinihinging ilipad mo ako. Nais ko lang sabayan natin ang hangin, maging masaya tayo sa kahit isang eroplanong papel lamang ang ating mundo.

Umihip ang hangin. Isa... Dalawa... Tatlo... Sabihin mo sa akin, mapapagod na ba ako?

Lumilipad sa langit ngayon ang piloto. Habang ako, naghihintay pa rin sa eroplanong papel na mula sa 'yo.

Nakakatawang isiping may isang taong pinipilit ibigay sa 'yo ang lahat, kahit na imposible, ngunit pinipili mo pa rin ang taong maibibigay ang posible pero pilit ipinagkakait sa iyo. Ito ang pag-ibig.

Umihip ang hangin. Isa... Dalawa... Tatlo...


Sabihin mo sa akin, hihintayin ko pa ba ang eroplanong papel mo? O maghahanap na lang ako ng isang bagong piloto?

Martes, Abril 22, 2014

Real Summer


I felt the cold breeze in the midst of summer’s heat, one afternoon. I held my heart with my right hand and glanced at it. I saw my soul. For the first time, I discern how frail it is. Inside me, I fathom, is a tiny flower longing for water and soil.

"What a swizz!" I screamed in silence.

I returned it back to where it was meant to be, where it was destined to beat. But then, my chest said it has no place in its erstwhile home. There is a space, elsewhere, that has been waiting for it from the very start.

"Where?" I wondered.

Without a map, I began to wander.

The road I took was long, winding and confusing. There is no post, no sign, along its side. It has no clear beginning and its end is, somehow, still so far.

I continued walking. I met the fall, and the dry leaves. I made friends with the flowers of spring.

I relished the rain, but hated the snow. I fell in love with the stars, played hide and seek with the moon.

I rode on the clouds, then landed on a paradise.

I chased the rainbow, but failed to reach it.

I got tired, sat for a moment. Then walked again.

I shall walk again.

Years passed. The journey began to end, the end started a new journey.

I have been in mirth, I have been frightened. I have been thankful. I have been regretful. Until everything made sense.

I felt the cold breeze in the midst of summer’s heat, one afternoon. That was a long, long time ago. I held your heart with my right hand and glanced at it. The summer breeze kissed me, cold wind has no place during sunny days. I saw my soul, bearing an abyss happiness. I am no longer a tiny flower longing for water and soil, your love is enough to make me live. In your life is where I am meant to breathe.

[April 2014]

Sabado, Marso 8, 2014

Maikli... At Malungkot



Niyakap kita, isang gabi, sa ilalim ng mga tala. Hindi ko alam kung bakit, pero hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako, kahit pa nararamdaman ko naman kung gaano ako kahalaga sa iyo. Paano nga ba kung mahal mo lang ako dahil hindi na maaaring dugtungan ang nakaraan ninyo?






Tinanong kita. Sa totoo lang ay hindi ko nais marinig ang sagot mo. Sana ay piliin mo na lang na huwag sumagot.






Dumating at lumisan ang katahimikan. Naramdaman ko na lang ang pagbuhos ng ulan. Nabasa ang pula kong blusa. Sa kalangita’y ’tila nabura ang mga tala.


***






Niyakap mo ako, isang gabi, sa ilalim ng mga tala. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla kang nagtanong kung sino sa mga minahal ko ang nais kong makasama kung wala ka sa buhay ko ngayon.






Sumagot ako. Sa totoo lang, hindi ko matanaw ang isang buhay na hindi ka kasama, ngunit sumagot pa rin ako. Alam ko na ayaw na ayaw mo kapag hindi ako sumasagot sa tanong mo dahil pakiramdam mo ay may nililihim ako. Sinabi ko ang pangalan niya dahil alam ko na kung hindi ka dumating ay siya ang pinakainibig ko sa lahat — pagmamahal nahigitan nang nadoble noong nahulog ako sa iyo.






Dumating at lumisan ang katahimikan. Akala ko ay bumuhos ang ulan ngunit sa kalauna’y napagtanto ko na sarili kong luha ang bumabasa sa pulang damit mo. Maibabalik pa kaya ang mga tala sa kalangitan?


***






Maikli… Naging maikli ang kasalukuyan nang ibalik ko ang nakaraan.


***






Malungkot… Sana ay nalaman ko man lang kung bakit mo ako iniwan.





[March 2014]




Sabado, Enero 25, 2014

Lubak

May batang babaeng akay ng kanyang ina (yata?) sa unahan ko, naglalakad. Natisod 'yong bata, naglakad ulit pero nakalingon pa rin do'n sa lubak. Nagtataka siguro kung ano 'yon.

Ako (sa isip): Paglaki mo at natisod ka, maglakad ka ulit, pero 'wag mong lilingunin 'yong lubak na naging dahilan. Hindi ka lang matitisod ulit kahit wala ng lubak sa nilalakaran mo, p'wede ka pa mabangga kung hindi maingat o kung nakalingon din sa likod ang kasalubong mo.

[February 2013]

Trahedya

Trahedya. Wala akong ibang naisulat noon kung hindi puro tungkol sa trahedya, buhat nang mawala siya. Trahedya ang pagbuhos ng ulan sa gitna ng tag-araw. Trahedya ang gabi na tumataboy sa liwanag. Trahedya ang tubig sa talon na sa simula ay nasa itaas ngunit kaagad din palang babagsak. Trahedya pati ang pagkalagas ng mga dahon.

At bawat masayang yugto ay mga kastiyong buhangin na sa isang kisapmata ay nawawasak ng maligalig na alon. Trahedya lamang ang alam ko, lahat ng bagay ay nauuwi rito. Nang iwanan niya ako, at ng kasunod niya, ay naisip kong walang totoong ligaya sa mundong ito. Lahat ay lumilipas, lahat ay naglalaho bigla.

Ngunit isang pirasong papel ang tinangay sa akin ng hangin -- isang papel na hindi ko kayang dungisan, na hindi dapat bahiran ng mga patak ng dugo.

Nagsimula akong magsulat. Masaya. Muli, katulad ng dati ay nagsulat ako nang malaya at hindi nakakulong sa paniniwalang ang lahat ay nagiging kalungkutan sa huli.

Sa isang iglap ay nakita ko na wala palang totoong trahedya sa mundong nilikha ko. Ang pagbuhos ng ulan sa gitna ng tag-araw ay biyayang dumidilig sa nauuhaw na daigdig. Ang gabi ay para sa mga abalang nilikha na hindi magawang makapagpahinga sa gitna ng liwanag. Hindi lahat ng pagbagsak ay kabiguan, dahil ang pagbagsak ng tubig ang nagpapaganda sa isang talon. Ang pagkalagas ng mga dahon ay nagbibigay ng daan sa pagsibol ng mas magaganda at mas nababagay sa sangang kinakapitan ng mga ito. At hindi lahat ng pundasyon ay kasing rupok ng sa kastilyong buhangin.

Hindi ko alam kung anong mayroon ka -- kung bakit ganito o bakit ganiyan. Ang alam ko lang, dahil sa iyo, ay napagtanto ko na walang tunay na trahedyang dumating sa buhay ko kung hindi ang panahon kung kailang naniwala ako na lahat ng bagay ay nauuwi lamang sa trahedya.

[January 25, 2014 08:41AM]


Happy Endings

Sabi nila, wala raw masayang pagtatapos -- sa fairytales lang may happy ending at walang good sa goodbyes. Pero kung may masayang katapusan man sa totoong buhay, iyon 'yong pagpapaalam natin sa mga dahilan kung bakit hindi tayo masaya -- sa mga rason kung bakit nasasabi natin na sa mga kuwento lang may happy ever after.

*Sumagi lang sa isip ko habang naghihintay matapos mag-take ng PUPCET ang kapatid ko. Hehe*

[January 25, 2014 08:48 AM]

Sabado, Enero 18, 2014

Naiwan ako ng tren no'ng Huwebes

Masakit makitang sumasara ang pintuan ng tren sa harap mo, 'yong ginawa mo na halos lahat ng paraan ng pagtakbo pero hindi ka pa rin umabot. Tapos maiinggit ka sa napakaraming tao na nasa loob -- na nakatingin pa ang iba sa 'yo at parang nanghihinayang -- dahil kaunti na lang ay nakaabot ka na.

Pero mayroon pang mga iba, at isa sa mga ito ang masasakyan mo kung pipiliin mong maghintay (o, kahit pa napipilitan ka lang maghintay, basta hindi ka umalis ng istasyon).

May humintong tren, maluwag, nakasakay ako at nakaupo sa isang bakanteng upuan (na hindi ko alam kung bakit hindi inupuan ng ibang nakatayo). Mabuti pala at hindi ako nakasakay sa naunang tren. Nakikipagsiksikan sana ako ngayon kung nagkataon, at hindi komportableng nakaupo.

Hindi pala lahat ng "muntik mangyari" ay kamalasan. :)


(Aaaaaww, ang ikalawang tren. ♥)

[January 2014]

Mysterious Bloke

Green are the grasses of your little paradise,
a world inside a world,almost out of sight;
In my room, the thought of your heaven flies,
keeps me awake in the stillness of this night.
The evening's imbued with morning light,
this reverie’s still so bright;
How to wander in dreamland's bliss?
If your wonderland's out of reach?
I do envy the roses on that spot,
even the dry leaves on that ground;
Wish I was a dweller of that place,
living fain under your rays;
But I'm nil but a simple guest,
relishing a sojourn while it exists.

Conspicuous are your smiles,
they're the loveliest in my eyes;
Precious are they, dear taciturn man,
I wonder if you ever mind.
The way you move and how you talk
are so much better than any book;
Interesting to read, special enough,
more inspiring than a flying dove.
I still recall that afternoon,
the moment I discerned your existence;
That second, you took me to the moon,
In a streak of lightning, I met the pieces of universe;
But, I must say you're the most winsome of all,
for you caught the eyes of a blinded soul.

[August 2013]

Night

Violet, black and blue;
Let the stars glitter to me and you;
I open the chest, find diamonds and gems;
With heaven's mirth, crescent moon beams.

You say hello;
I see the rainbow;
To myself I wonder if they're true;
Colors existing amid violet, black and blue.

I reply, God knows I almost fly;
Angels know the reason why;
Your colors burst, glow in every view;
Aflame lively in this violet, black and blue.

[September 2013]

Ang Pag-ibig ni Tiya Olga

Habang nakaupo sa tabi ng bintana, gaya ng dati ay hinihintay ang pag-uwi ng kanyang kabiyak, ay natanaw ko si Tiya Olga na nakangiting mag-isa. Naisip kong dumaan muna sa kanila.

"Mukhang masaya ka yata,Tiya," bungad ko.

"Masaya?" gulat natanong niya.

"Napansin ko kasing nakangiti kayo habang nakadungaw sa bintana. Ano po ba ang iniisip ninyo?"

"Iyon ba? Wala naman.Ngayon kasi ang anibersaryo ng kasal namin ng Tiyo mo."

"Naku, oo nga po pala.Nawala sa isip ko. Happy anniversary po sa inyo!"

"Salamat,"nakangiting tugon niya.

"E, Tiya..."

"Ano 'yon?"

"Paano po ba kayo nagsimula ni Tiyo?"

Tumawa siya. "Gusto mo talaga malaman?"

***

Palagi na lang may kontrabida,naisip ko. Palagi na lang may nang-aagaw. Lagi na lang may nananakit. Lagi nalang tuloy may nalulungkot, may nawawasak.

"Olga!" narinig koang sigaw ni Inay.

Napatayo ako sa aking higaan.Mukhang galit siya.

"Bakit po?" tugon ko habang nagmamadaling lumabas ng aking silid.

"May bisita ka,"sabi niya, pagkakita sa akin, sabay alis.

Nakita ko si Xander na nakaupo sa isa sa aming mga upuan, iyong nakalagay malapit sa pintuan. Kaya pala galit na naman si Inay. Ayaw talaga niya sa aking dating kasintahan, mula pa sa simula, kahit noong masaya pa kaming nagsasama. Aniya, natitiyak daw niya na walang maidudulot sa aking mabuti ang pakikipagrelasyon sa lalaking ito.Madalas kaming magtalo dati dahil sa paniniwala niyang iyon. Paano ay mabuting tao naman ito, may kaya sa buhay at nakapagtapos din ng pag-aaral. Isa pa ay nasa wastong gulang na naman ako para magkaroon ng nobyo. Hindi ko talaga siya maintindihan. Naiisip ko tuloy minsan na parang ayaw niya akong pag-asawahin. Sa aming limang magkakapatid, halata naman na ako ang pinakapaborito niya.

"Olga." Tumayo si Xander. "Para sa'yo."

Iniabot niya sa akin ang isang pumpon ng puting rosas na talaga namang paborito ko. Noon, kapag nagkakasamaan kami ng loob ay agad niya akong binibigyan nito, kahit pa ako ang maykasalanan.

Tiningnan ko ang hawak kong rosas. "Ayoko nito."

Ibinalik ko ito sa kanya.

"Olga."

"Bumalik ka na kay Issa."

Si Issa ang matalik kong kaibigan, ang kaibigang nawala bigla sa piling ko noong kailangang-kailangan ko ng makakausap. Sa hindi malamang dahilan ay nawala siya bigla sa eksena matapos namin mag-away ni Xander dahil sa pagtutol ko na mangibang-bansa siya.Pagkalipas ng ilang linggo, pinatawad ko rin ang kasintahan ko. Ngunit, parang may iba sa kanya. Palagi na lamang siyang tahimik at tila may malalim na iniisip. Sa tuwing tinatanong ko siya kung may problema ba ay nagbubuntong-hininga lamang siya.

Ilang gabi kong inisip kung bakit siya nagkakaganoon gayong pinayagan ko na naman siyang umalis. Hanggang sa isang gabi ay nagpakita muli sa aking si Issa para sabihin na nagdadalang-tao siya at si Xander ang ama.

"Ikaw ang mahal ko," sagot ni Xander.

"Ikakasal na kayo bukas!" sigaw ko.

"Uurong ako!"

"Ganyan ka na ba talaga? Iresponsable? Magkakaroon na kayo ng anak. Panagutan mo siya."

Hinawakan niya ako sa aking mga braso habang nakaharap sa akin.

"P'wede ko naman bigyan ng sustento ang bata. Ayoko kay Issa. Nagkamali lang ako noon. Nangulila lang ako sa'yo noon kaya--"

Tumama sa mukha niya ang kanang palad ko.

"Umalis ka na,"matigas na wika ko.

"Olga!"

"Alis!"

***

Papasok na ako ng aking silid nang marinig kong may kumakatok.

"Olga?"

Binuksan ko ang pinto.

"Nilo? Ano na naman baang ginagawa mo rito? Umalis ka na nga!"

Isinara ko na ang pintuan bago pa siya nakasagot. Alam ko na mali ang ginawa ko pero siguro ay naghalu-halo na ang emosyon ko -- ang galit ko kay Xander, ang pagsisisi na hindi ako nakinig kay Inay noon at ang pagkainis ko sa araw-araw na pagpunta rito ni Nilo para manligaw.

Si Nilo ay may gusto na sa akin mula pa noong nasa mataas na paaralan pa kami. Sa totoo lang, siya ang unang lalaking nagustuhan ko. Kaya lamang, nahuli siya ng pagtatapat sa akin. Kasintahan ko na si Xander, na kaeskwela ko sa kolehiyo, noong umamin siya --at hindi ko lamang siya gusto, mahal ko siya. Ang una kong kasintahan ang siyang una ko rin pag-ibig.

"Kunin mo nalang ito sa labas. Aalis na ako."

Sumilip ako sa bintana, nakaalis na nga siya.

Lumabas ako. Nakita ko ang isang maliit na basket na may lamang gumamela, may pulang laso sa bitbitan nito.

"Gumamela. Basket.Pulang laso," sambit ko.

Sa ilalim nito ay may maliit na kard na nagsasabing:

Palagi ka niyang binibigyan ng rosas na kulay puti. Paborito mo kasi 'yon, 'di ba? Pero, puti man ang mga iyon ay may tinik pa rin -- katulad ng pag-ibig niya, mukhang puro ngunit nang mahawakan mo ay nasaktan ka rin. Itong gumamela, wala itong tinik. Hindi nga lang puti.

Subalit, tandaan mo...

PULA ANG KULAY NG PAG-IBIG.

***

Lumalalim na ang gabi pero iniisip ko pa rin kung ano ba ang ibig sabihin ng isang basket ng gumamela mula kay Nilo. Bakit niya ako binigyan nito?

Pinipilit kong alalahanin kung may pinagsabihan ba ako noong nasa mataas na paaralan ako na humingi akong palatandaan sa simbahan habang ikinakasal si Kuya. Mula noon, itinanim ko nasa aking isipan na hindi ako magkakaroon ng kasintahan hanggang walang nagbibigay sa akin ng isang basket ng gumamela na may lasong pula sa bitbitan.Nasabi ko iyon dahil iyon ang dala ng mga batang may dalang bulaklak noon, isang basket na puno ng talulot ng gumamela na may pulang laso sa hawakan.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit nakalimutan ko iyon nang magsimulang manuyo si Xander, hanggang kaninang narito siya kahit wala na ang lahat sa amin at ikakasal na siya kinabukasan.

***

"Sa hindi kalayuan ay nakatanaw ako sa simbahan habang papasok doon si Issa. Pinanood ko ang unti-unting paglisan ng pangarap ko na makasama si Xander hanggang sa pagtanda. Naisip ko na, may ibang plano ang Lumikha. May darating pa. May magmamahal pa sa akin.May tiwala ako sa Kanya."

"Nakakalungkot naman po," puna ko. "Pero, paano po kayo nagkatuluyan ni Tiyo?"

Saglit siyang natigilan.

"Biglang may humawak sabalikat ko, lumingon ako para malaman kung sino ito at doon ko siya nakita. Doon ko nakita ang Tiyo Nilo mo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko siya. Hindi naman sa sinasabi kong totoo ang mga senyales, walang sinuman ang makakapagpatunay sa katotohanang nasa likod ng hiwaga ng mga ito. Ngunit, sa mga sandaling iyon ay bumukas ang aking mga mata mga bagay na hindi ko nakita noon. Kung minsan pala, ikaw mismo ang kontrabida sa sarili mong istorya."

[June 2013]

For Heaven to Remain Cerulean

In the history of the endless space, it was written that there came a time when the sweetest tragedy in the sky took place.

One summer, somewhere onEarth, the rain and the cloud fell in love with each other. They startedbuilding dreams and whispering solemn promises. They believe that love is inits right spot that warm afternoon of April, when they first met. In theirsouls, it was clear that they were made to be together - that it was writtenin the stars, that it was promised by the rainbow.

Everything was perfect until,one day, the taste of love became insipid. The cloud began to see the rain as-- no, the cloud abruptly became blind enough that it can no longer vide therain. It relished the infinite path above without thinking of its lover. Andsometimes, it feels that the rain is only making its journey slower eachmoment.

The rain, though sorrowfulfor it still bears its profound affection towards the cloud, prepared to leaveone day. The thunder roared, telling it to stay. Streaks of lightning came outfrom somewhere, whispering that to go away would be its worst decision ever.But, the valiant heart knows when to fight and when to give up -- when to clingand when to let go. Its coves failed to stop it. With swizz, the sun shook itshead, told the rain to take good care of itself, and waved goodbye to the worldbelow them.

The rain finally landed, itwas painful. Looking up at its erstwhile paradise, it can see how the cloud stillcontinues living a life of bliss despite its departure. It deeply hurts but therain has to smile. At least, the cloud is wandering fain.

"Your smile is the loneliestof all," the soil said. "Why did you separate yourself from the cloud?We all know that the only way to do that is allowing yourself to fall down to theground."

"Because I love thecloud so much," the rain answered. "Realizing that it is no longer happywith me kills. It crumbles my soul knowing the only creature I love does notwant to continue floating across the sky with me. For the cloud, I am nil but aheavy load - that's why I chose to be here, to make everything lighter than itwas when I was there."

In the history of the endless space, it was writtenthat there came a time when the sweetest tragedy in the sky took place. Onceupon a time, love beleaguered the rain and the cloud. But later in their story,although it was grieving, he rain had to leave to keep the sky white and blue.

[July 2013]

In Loneliness, Dusk Cries for Miracles

If only chances could save them.If only...

The sun is about to swim deeperin the sea. The countless days are no longer infinite. The life they started isabout to face its death. The plane is waiting for him somewhere. He is here nownot because he wants to spend time with her just like the old times in thephotographs of yesterday. He is here because he is leaving anon, so soon thathe does not even have enough minutes to heed her good bye message. The secondsare running away, pulling him closer to an eternity away from her.

If only chances could save them.Tears start falling – streaming down her face.

He seems so unaffected. Perhaps,he is not even lonely at this moment. The plane that is waiting, a couple ofhours here, will take him to the sapphire sky of his long lost dream. Lookingfrom the windows of such, he will surely enjoy the paradise from his childhoodreveries. He will relish the clouds outside, definitely, without even realizingthat down the land is the girl who believes that heaven is where he is. Fromthe top, he could never notice her tears as she wonders where to find anotherheaven, a lovely spot away from him.

If only chances could save them.Her tears cease.

She needs to smile. He shouldnever feel her pain. He does not have to feel any gulit and if she continues toweep, she knows that he will carry the burden in his journey. She wants him tobe his world, at some point, but she does not like to be a world on hisshoulders. She smiles at him, a thumping wide smile that would gloss over heraching heart – and her fear to see their roads part. She really hopes that hedoes not vide her dying whole, which is being concealed by a mirthful soul. Hisdecision is final. For now she has to be blissful to discern him hold theprofound freedom that he desires.

If only chances could save them.He is about to go.

The grace of the morning light,the left over parcels of dawn, slowly says goodbye as the waves continuetickling their feet this afternoon. The summer breeze embraces them, tellingthem to wait until the rainy season perishes in time and gives way to thewarmth of April wind again. She does not know where the angels are at thismoment. They seem to derelict them. Their absences are present all over theplace. To the setting sun, she gazes without a trace of bliss. This moment isperfectly made for a painful ending, for a bitter closure to stop her fromdreaming. But, would she ever refrain?

If only chances could save them.If only. But, even the chances are all dead.

[July 2013]

Hiding Behind the Frowns

What makes you happy rightnow is the most difficult question to be answered when you are nothing butanother lonely soul -- when you are nil but a weary dreamer whose aims seem to bedistant enough for you to make giving up as an option.

As a young lady who still hasso many bridges to cross before arriving at the palace of her desires, I beginasking myself. Why do I live fain when there is pain? What makes me happy rightnow when what I earnestly want is too far from me? What gives me bliss if mydreams were out of reach? If my best was not enough? If no one notices what Iam capable of? I stop for a moment, then I come up with a realization.

I am in raptures now because Irupture in tears almost every night. I am glad today because God is giving me away by showing no way. He crumbles me to keep me whole. He gives me struggles forme to be able to collect weapons that I can use during the next few battles. Heallows me to stay a loser for me to be a winner later. He weakens me to make mestrong. He eliminates my hope for my faith to last long. He ruins the roads to successto prepare my feet that are going to pass the broken path known as failure --which leads todirectly to the place of victory. He darkens the night for me todance under the daylight tomorrow.

I know that I should refrainfrom wailing and forget about my complains. I know, despite these trials, thatI am truly blessed because I can still manage to laugh -- to relish the world withreal joy coming from my heart. I do not have to feign for the merriment is true.I do not need to close my eyes because the reason behind every chagrin is rightin front of me.

And, yes, I am happy becauseI am sad right now. I know my Lord very well, he mastered the art of wrappingthe most beautiful things using the ugliest hand-made covers of failure.

[June 2013]

If

If destiny's not mean and playful,
I'm with you already when I first saw the light,
I would hear your steps as you call,
On that very moment, that night.

If destiny's kind and caring enough,
Those flying kites would be falling hearts,
And downpour would be a product of love;
But rare are the kind ‘gray clouds’.

Destiny loves lonely turns,
Sees quirks as heavenly boons,
And if it should play with our souls,
Let's win this battle and cover the holes.

[December 2013]

Bago Lagyan ng Hangganan

Kapag ang isang pangungusap ay nilagyan na ng tuldok,ang mga katagang kasunod nito -- kahit gaano pa kalapit ang diwa na binubuo --ay wala ng halaga. Maipagpapatuloy lamang nito ang talata ngunit kailanman ayhindi ang pangungusap, maliban na lang kung buburahin ng gumawa ang tuldok atidurugtong ito.

Kumapit ako sa braso niya.Puno ako ng kaba -- sana ay hindi nila mahalata. Sa kauna-unahang pagkakataonay makikilala na ako ng buong pamilya niya. Ano kaya ang magiging reaksyonnila? Magugustuhan kaya nila ako? Matutuwa kaya sila na ako ang kasintahanniya? Ma--

"Wella?"

"Bakit?"

"May problema ba?"

"Wala." Pinilitkong ngumiti. "Wala naman."

"Kilala kita," sabiniya na tila hindi naniniwala sa sagot ko.

"'Wag nalang kaya muna?Baka hindi pa sila handa."

Tumawa siya. "Alam namanna nila na may girlfriend na ako. Isa pa, nasa tamang edad na ako."

"Baka hindi pa akohanda?"

"Wella."

"Baka magulat din sila.Hindi naman nila alam na ngayon mo na ako ipapakilala. At saka--"

"Ipapakilala kitangayon," mariin ngunit malumay na sambit niya. "Halika na."

Ngumiti nalang ako.

Kumatok siya.

Bumukas ang pintuan. Lakinggulat ko nang makita ang mukha ng lalaking nagbukas nito.

"Ruella?" gulat nawika niya. "Ikaw ba 'yan, Ruella?"

Niyakap niya ako. Labis akongnabigla. Kaya pala kinakabahan ako.

"Magkakilala kayo?"nagtatakang tanong ng kasintahan ko.

"Ex-girlfriend kosiya."

Tiningnan ako Clarence. Malalimang tingin na iyon. Tumagos sa aking kaluluwa.

"Bakit ka narito?"tanong niya kay Dan.

"Magbabakasyon ako rito!"

"Nasaan sila?"

"Umalis langsandali."

"Bakit hindi kasumama?"

"Pagod pa kasi ako sabiyahe. Teka nga, ba't ba ang dami mong tanong? Pumasok kaya muna kayo."

Pumasok kami. Pinilit kongmaging palagay sa tabi ni Clarence habang nakaupo kami sa mahabang upuan nanakaharap sa telebisyon. Hindi talaga ako kampante na narito si Dan. Hindimaayos ang huling pagkikita namin, ang araw na nakipaghiwalay siya sa akin parakay Belle. Ilang taon kong dinala sa sarili ko ang sakit na dinulot niya saakin noong ipagpalit niya ang tatlong taong relasyon namin para sa isangbabaeng bago lamang niyang nakilala. Galit pa rin ako sa ginawa niya, kahit nasa kabilang banda ay nagpapasalamat pa rin ako sa pag-iwang ginawa niya dahiliyon ang naging daan para makilala ko si Clarence.

"Maiwan ko muna kayo,"paalam ni Dan.

"Siya pala 'yonginiiyakan mo noong gabing iyon," wika ng kasintahan ko pag-alis niya.

Noong gabing nakipaghiwalaysiya sa akin sa Luneta, na medyo malapit sa unibersidad na pinapasukan ko, ay nakabanggako si Clarence habang tumatakbo paalis. Nagkatinginan kami, sa wari ko aymagagalit sana siya sa akin noon kung hindi lamang niya napansin ang luha saaking mga mata. Tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak. Tiningnan ko lamangsiya at pagkatapos ay muli akong tumakbo. Bahala na kung saan ako dadalhin ngaking mga paa. Sa isip-isip ko nga ay ayos lang kung sa susunod ay hindi na akosa tao mabangga, kung hindi sa sasakyan.

Tumango ako. "Ano mosiya?"

"Pinsan."

"Ah."

"Ngayon ko na nga langsiya ulit nakita, mga eight years old yata kami noong lumipat sila ng bahay."

Ngumiti ako.

"Kumusta ka?" tanongniya.

"Okay lang."

Tumayo siya at lumapit satelebisyon.

"Manood nalangtayo," sabi niya. "Kabibili ko lang nito."

"Horror?" Nagulatako nang magsalita si Dan na nakatayo na pala sa aking tabi. "Ang duwag-duwagnito, Rence, panonoorin mo niyan!" Tumawa siya.

Hindi umimik ang kasintahan ko.

"Bata lang angnasisindak sa mga nakakatakot na palabas," wika ko.

"Third year na tayonoong maging tayo, hanggang second year college, pero ang dali-dali mo pa rin takutin.Bata ka pa ba noon?"

Hindi ko na siya pinansin.

***

Naipakilala na ako niClarence sa kanyang mga magulang at dalawang kapatid na babae, pero hindi kayDan, bilang kanyang kasintahan. Biglang may tumawag kay Dan bago pa masabi niClarence ang tungkol sa amin.

Hindi ko alam kungnagpapakamanhid lang siya o sadyang hindi lang talaga siya marunong makiramdam.Halos apat na taon din kaming hindi nagkita kahit na nasa iisang lungsod lamangkami nakatira, pagkakataon lang ang nakakaalam kung bakit. Mahaba ang apat nataon, marami itong nabago. Tila nakalimutan ko na rin na totoong tao si Dan. Sawari ko ay isa lamang siyang panaginip at nang magising ako ay unti-unti nasiyang nawala sa aking isip -- siya, at kung sino at ano siya. Hindi ko tuloymawari ngayon kung bakit para bang hindi niya pa rin nahahalata na magkasintahankami, hindi rin siya nagtatanong.

"Hulaan ko kung ano langang kakainin mo, Ruella." Bigla siyang nagsalita habang kumakain.

"Magkakilala kayo?"tanong ng ina ni Clarence.

"Opo," inunahan kona siya. "Kamag-aral ko po siya noong high school."

Hindi na siya nagsalita.Naglagay ako ng gulay sa akin pinggan.

"Gulay iyan,Ruella!" sambit niya.

"Alam ko, Dan."Mahinahon akong sumagot.

"Pero hindi ka namankumakain ng gulay."

"Noon iyon,"nakangiting sabi ko para hindi mahalatang naiinis ako sa kanya.

"Tinuruan ko siyang kumainng gulay," sabi ni Clarence. "Masama ang puro karne."

Nakangiti siya pero alam kona tinutulungan niya lamang ako na hindi ipahalata sa pamilya niya na may ibasa mga nagaganap.

Hinaplos niya ang buhok ko,ang paraan niya para ipadama sa akin na hindi ko dapat mangamba, katulad ngmadalas niyang gawin kapag may dinaramdam o iniinda ako.

***

Lumabas ako saglit. Marahangpumapatak ang ulan na hindi naman ganoon kalakas. Habang sinasalu-salo ko itosa aking mga palad ay bigla na lamang itong huminto.

"Sabi ko noon,papayungan kita sa tuwing umuulan at wala kang magamit na panangga rito. Hindika lang kasi nababasa, nalulungkot ka pa. Pero, sinabi ko rin na kapag naabutankitang nababasa ng ulan at may dala akong payong ay itatago ko ito. Sasamahankitang mabasa dahil kapag pinayungan kita ay giginawin ka lang habang ako aytuyo at hindi nakakaramdam ng lamig." Tiniklop niya ang payong.

"Ilang daang beses bangumulan sa loob ng apat na taon? Hinayaan kitang mag-isang nalulungkot. Pero,kung alam mo lang, hindi rin ako masaya sa mga sandaling iyon. Hindi kaminagtagal. Iniwan ko rin siya kaagad. Ikaw pala talaga ang mahal ko, hindi kolang nagawang bumalik. Naduwag ako, alam ko kasi na galit ka."

"Dan," sabi ko."Hindi mo na kailangang ipaalam sa akin iyan."

"Sorry."

"Okay na, masaya na akongayon. Pinapatawad na kita."

"P'wede mo ba akongpagbigyan ulit?"

"Hindi na--"

"Pinagtagpo ulit tayo. It'sdestiny! 'Di ba?"

"Tao ang gumagawa ngtadhana niya."

"Pero, ikaw ang nagturosa akin na maniwala sa tadhana."

"Kaya ba pinili mo siBelle? Kaya ba hindi ka gumawa ng paraan para maging tayo ulit noong nakaramdamka ng pangungulila sa akin? Dahil umasa ka sa tadhana?"

Hindi siya nagsalita.

"May kakayahan tayongtanggapin o tanggihan ang kanya-kanya nating tadhana."

"Gusto kong bawiin angtadhana ko."

Umiling ako. "Tinatanggihanka ngayon ng tadhanang sinasabi mo."

"Pero--"

"Noong gabing hiniwalayanmo ako, nabangga ko si Clarence habang tumatakbo palayo sa'yo. Pagkalipas ng mahigittatlong taon, habang hinihintay ko ang mga kaibigan ko ay bigla nalang siyanglumapit sa akin. Sa parehong lugar, sa Luneta rin. Tinanong niya ako kung akoba 'yong babaeng umiiyak na nakabangga sa kanya noon. Kinumusta niya ako. Mulanoon ay naging magkaibigan kami."

"Bakit mo sinasabi saakin 'to?"

"Dahil ang tadhanangsinasabi mo ay ibinigay na ng pagkakataon sa iba. Dalawang buwan na kamingmagkasintahan ng pinsan mo."

"Tatlong taon tayongnaging magkasintahan, kayo dalawang taon palang."

"Dalawang taon PA LANG.Tatlong taon NAGING. 'Yong sa atin, tapos na 'yon. Hanggang doon na lang satatlong taon na iyon. Iyong sa amin, dalawang taon pa lang pero nagpapatuloypa. Maaaring lagpasan pa ang tatlong taon. Walang laban ang nakaraan sa kasalukuyan,Dan."

***

Tinawagan ko si Clarence bagoako matulog. Kailangan niyang malaman ang lahat. Hindi kami naglilihim sa isa'tisa at hindi ang pagbabalik lang ni Dan sa buhay ko ang sisira nito.

"Bakit gising kapa?" tanong niya.

"May kailangan... Gustoko sanang... Ano kasi..."

"Wella, sabihin mo na ngdiretso."

"Si Dan kasi. Kinausap akoni Dan kanina."

"Sa labas? Noonumuulan?"

"Alam mo?"

"Oo naman."

"Sorry kung nakipag-usappa ako. Sorry kasi--"

"Shhh. Narinig ko anglahat."

Napangiti ako.

"Mahal kita, Wella.Mahal na mahal."

"Mahal din kita,Clarence."

[June 2013]

Bakit Mo Ako Iniwan?

(Mula sa isang totoong kwento)

Araw ng pagtatapos ngayon, binati na ako ng lahat. Kung narito ka, alam kong ikaw ang mauuna. Hindi mo lang ako babatiin, tiyak na gagawin mo itong espesyal para sa akin. Pero, wala ka na. Ngayon ay hindi ko madama ang tagumpay.

Bakit mo ako iniwan?

Nakilala ko ang isang kaibigan. Mahina ako, alam mo 'yan. Pero tinulungan niya ako, tinuruang mabuhay muli at lumaban. Kaya ko naman pala kahit na wala ka. Kaya ko naman pala, nasanay lang akong kasama kita. Sinanay mo ako. Sinanay mo ako pero nawala ka lang naman.

Bakit mo ako iniwan?

Isinilang ko na siya. Ikaw sana ang may hawak sa aking kamay. Ikaw sana ang nasa tabi ko kanina. Ngunit, ibang kamay ang kinapitan. Ibang tinig ang narinig. Hindi ka umabot sa yugtong ito. Hindi tayo umabot. Pero kami, oo. Mabuti nalang at sinundo niya ako, sinundo sa gitna ng daang kumuha sa iyo.

Bakit mo ako iniwan?

Unang araw niya sa paaralan, ikaw sana ang naghatid at sumundo sa kanya. Subalit umalis ka, iniwan akong nag-iisa. Mabuti nalang at narito siya.

Bakit mo ako iniwan?

Matanda na ako. Sa tabi ng bintana, gabi-gabi, habang tumatanaw sa mga tala ay inaalala ka. 
Sa tuwina, sa pagitan ng mga luha, pinagdarasal pa rin kita. Hindi mo rin ginustong lumisan.

Sa paglipas ng mga taon, alam kong may kasalanan ako sa kanya. Magkasama kami ngunit ikaw ang inaasam. Subalit ngayon, ngayong ako ay naliwanagan na, ay alam ko ng nagkamali ako ng akala. Ang lalaking nagharap sa akin sa dambana ay tunay na iniibig ko pala. Binulag lamang ako ng pait -- ng kirot na dinulot ng mapaglarong kapalaran. Hindi ako sa iyo nahirapan umusad kung hindi sa pangyayaring para sa akin ay hindi dapat sa iyo naganap.


Umiiyak pa rin ako sa tuwing naaalala ang trahedya ng nakalipas. Napapanaginipan ko pa rin kung paano ka kinuha ng isang malagim na pangyayaring sanay isang bangungot lamang. Minumulto pa rin ako ng larawan mo noong matagpuan kang wala ng buhay, hindi na sana makikilala kung hindi dahil sa isang palatandaan.

Ngayon, habang hawak ang larawan naming mag-anak ay iniisip kita. Hindi man tayo ang nagkatuluyan ay hindi kita magagwang kalimutan. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano ang magmahal, ikaw rin ang nagturo sa akin kung paano magpalaya. Alam ko, sa piling ng mga bituin ay nakatanaw ka -- maligayang nakamasid sa akin sa mga nakalipas na taon. Alam kong nagpapasalamat ka na nagpatuloy ang pag-ikot ng aking daidig, na nagawa kong umibig muli at maging masaya.


Batid kong payapa ka na, payapa ka na.

[July 2013]

Dalawang Araw Bago ang Mahabang Gabi

(Hango sa isang tunay na kwento ng hindi totoong pag ibig.
Para sa 'yo, totoong Serenity...)


Bakit tumataya ang tao sa sugal ng pag-ibig kung habang lumalaki ang ipinupusta nila rito ay lalong hindi ito nagiging sapat para sila ay manalo?

I. Pangarap

Lumipas na ang mga panahon ng pagtatampisawsa malinaw na batis ng kanyang kabataan. Ngayon ay handa na siyang harapin angmundong malayo sa kaparangan na nag-ugoy sa duyan ng kanyang kamusmusan.Maya-maya lamang ay lilisanin na niya ang pook na ito -- magpapaalam sa mgatutubi at paru-parong noon ay kala-kalaro niya at saglit na iiwan ang mgaalitaptap at kuliglig na pinupuno ang kanyang gabi ng sigla. Nakakalungkotisiping saglit na lilisan ang prinsesa ng paraisong ito. Tiyak na mababawasanang kagandahan ng bawat piraso nitong napalapit sa kanya. Mahal ng lahat siSerenity -- isang anghel na mas karapat-dapat sa daigdig para bigyang-kulayito.

Serenity. Napakagandang pangalan, hindi ba?Sabi sa diksyunaryo, serenity is thestate of being serene or calm. Madalas ay napapaisip tuloy ako. Alam nakaya noon pa man ng mga magulang niya ang magiging buhay niya pagdating ngpanahon? Sa pangalan pa lamang niya ay masasalamin na ang kanyang pagkatao atang kanyang mundo.

Pero, tiyak na hindi nila ito nahulaan.Sino nga ba ang makakapagsabi ng magiging takbo ng panahon? Wala kung hindi angDakilang Lumikha. Siya lamang din ang may alam kung ano ang mangyayari kaySerenity sa kanyang pakikipagsapalaran sa Maynila. Sa totoo lang, ayoko sana namag aral siya sa labas ng pook na ito subalit wala akong magagawa kung hindihayaan siya at sundin ang kalooban ng langit. Siguro nga ay may magandangdahilan kung bakit kailangan niyang lumayo pansamantala sa lugar na ito. Sanatalaga ay maging maayos ang lahat. Sana ay maging mabuti sa kanya ang lungsodna pansamantalang kukupkop sa kanya.

Bakit nga ba ganito na lamang angpagpapahalaga ko sa kanya? Siguro dahil sa nasubaybayan ko siya mula sapagkabata. At, isa pa, may parte sa akin na para bang naging parte na niya.

Mabuting tao si Serenity -- mapagmahal naanak, mabuting kaibigan at responsable sa lahat. Maganda rin siya katulad ngmga iginuguhit ng kanyang kamay na pinagpala ng sining. Sa kabila ng malabotniyang pagkatao ay matatagpuan din ang katapangan at katatagan. Wala siyanghindi kayang lagpasan. Bawat hamon ay kaya niyang harapin at kailanman ay hindiniya nakilala ang salitang 'pagsuko' -- ngunit marunong siyang tumanggap ngpagkatalo sa mga pagkakataong hindi siya nananaig. Tiyak na napakaswerte nglalaking kanyang iibigin.

Pag ibig. Sumagi na ba sa isip niya ang pagibig? Sa isip, oo. Ngunit, sa puso? Kailanman ay hindi pa.

Napag isipan na niya noon pa ang tungkol sapag ibig. Batid niya, simula palang ng magkaroon siya ng pakialam sa buhay, namabilis kung lumipas ang oras kaya dapat bago pa siya dumating sa mismong tagpoay napaghandaan niya na ito.  Wala namansiyang ibang hangad kung hindi ang lumakad sa patungo sa altar kung saannaghihintay ang kaisa-isang lalaking pagbibigyan niya ng kanyang matamis na oo. Isa lamang ang nais niyang ibiginsa buong buhay niya kaya naman hindi siya nagmamadali at talagang naglalaan ngpanahon sa bawat mangangahas pumasok sa kanyang puso. Ang nais niya aykilatising maigi ang mga ito upang masigurado na mapupunta siya sa isang taongiibigin siya hanggang sa huli nitong hininga dahil natitiyak niya na mamahalinniya ito hanggang sa maubos ang walang katapusan.

Saglit akong natigilan sa pag iisip atbumalik sa realidad. Nakarinig ako ng isang pamilyar na tinig.

"Anak?" Tinawag siya ng kanyangina.

"Po?" Agad siyang tumugon.

"Aalis na tayo," sabi nito."Mahirap gabihin sa daan."

Mabilis siyang lumabas sa kanyang silid atyumakap sa kanyang nakababatang kapatid. Mahal na mahal nila ang isa't isa kayahindi pa man siya umaalis ay tila nangungulila na sila.

"Mag ingat ka ro'n, Ate."Bumulong ito sa kanya. "Mag-load ka palagi. I-text mo ako kapag hindi kabusy ha?"

Tumango siya sa nag iisa niyang prinsipe."Magpakabait ka."

***

Gabi na nang dumating siya, kasama ang kanyangmga magulang, sa tutuluyan niyangboarding house. Pagpasok pa lamang niya ay tila nagustuhan na siya ngkanyang mga makakasama sa silid. Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag kung anoang mayroon sa kanya at para bang napakadali niyang kagaanan ng loob. Nagingkaibigan niya kaagad ang mga ito at naging palagay siya sa bago niyang tahanan.

Sa unibersidad na kanyang pinasukan aynaging maayos din ang lahat. Wala pang isang linggo ay nakatagpo na siya ng mgamabubuting kaibigan na tiyak na makapagbibigay ng kulay sa kanyangbuhay-kolehiyo.

Marahil ay magiging masaya talaga siya salungsod na ito kaya naman binawalan ako ng langit na pigilan siyang mag aral ngmalayo sa pook na kanyang kinalakihan. Sana nga. Sana.



II. Katuparan

Kalagitnaan na ngayon ng buwan ng Agosto.Suot ang itim na bestidang bagay na bagay sa kanya ay dumalo siya sa isangpagtitipon sa paaralan. Dahil sa kagandahang tinataglay ay nabighani sa kanyaang isang lalaki na noon ay sa pangalan pa lamang siya kilala. Isa ito sakanyang mga kamag aral.

Lingid sa kaalaman niya ang lahat subalitalam ko maging ang pinakamaliit na detalye ng sumisibol na pagtangi nito kaySerenity. Sa simula pa lamang ay alam ko na ang patutunguhan ng mga sulyap nitomula sa hindi kalayuan noong gabing iyon at mayroon akong kutob na hindimaganda sa mga matang pinagmumulan ng mga tingin na patungo sa kanya.

Lumipas ang mga araw at lumalim angpagtingin nito sa kanya. Sa pamamagitan ng cellphoneay nagkalapit ang dalawa. Humingi muna ang lalaking ito ng palatandaan salangit kung tama ba na tahakin niya ang daan patungo sa puso ni Serenity.Gagawa sana ako ng paraan upang hindi mangyari ang hinihingi nito at huminto nasiya sa panunuyo sa aking prinsesa ngunit hinadllangan ako ng isang mas malakasna kapangyarihan. Natupad ang senyales na hiningi niya at dito na nagsimula angbuhay ng binibining noon pa man ay sinusubaybayan ko na.

Totoo nga marahil na ang simula ng buhay ngbawat tao ay wala sa unang pagtibok ng puso nito kung hindi nasa unangpagpintig ng bahaging iyon para sa ibang tao. Sabi nga sa isang nobela ngmanunulat na si Agatha Christie, the onewho never really loved has never really lived. Hindi ko sinasabi na angnasasaklaw lamang ng pag ibig ay ang pagmamahalan ng magkasintahan o nagiibigan. May mga taong nabubuhay rin ng hindi nakaranas ng ganoong pag ibigsubalit matagal ng nagsimula ang buhay, katulad ng mga pari at madre na angPanginoon ang inibig, ng mga batang bayani na maagang yumao dahil sa pagmamahalnila sa bayan o sa kapwa -- at iba pang mukha ng ganitong kaso. Ngunit, sakwento ng buhay niya, ang magmahal sa kauna-unahang pagkakataon ang siyangnaging simula ng lahat.

Sa kabila nito ay hindi pa rin siya kaagadpumayag na maginng kasintahan nito. Kasabay nito, mas nagsikap ang binata paramakita niya ang kadalisayan ng kanyang pagsinta.

Ang lalaking ito ay si William. Bukod sakapangalan na niya ang isang prinsipe ay kaparehas niya rin ng pangalan angtanyag na manunulat na si William Shakespeare. Katulad ng madalas kong itanongsa sarili ko tungkol sa pangalan ni Serenity, alam kaya ng magulang nito angmagiging pagkatao niya? Alam ko naman na walang kinalaman ang pangalan sa buhayng isang nilalang. Nadadala lamang siguro ako ng mga pagkakataong gaya nito.Bagay na bagay sa binata ang ngalang ibinigay sa kanya dahil sa husay nitonggumawa ng mga tula na kahit sinong pag alayan ay tila mapapaibig niya.

Minsan ay narinig ko si Raine, katabi niWilliam sa upuan sa ilang klase, na bumulong sa kanyang sarili na sana ay hindinagbago ang kasintahan niya sa kanya na noon ay ginagawan din siya ng mga tula.Masyado na raw kasi itong naging abala para gawin pa ang mga ganoong bagay parasa kanya.

Araw-araw ay sumusulat ng kung anu-ano parakay Serenity si William at si Raine ang unang nakakabasa nito. Inaagaw niya angmga ito minsan at binibigay sa dalaga. Ang ilan naman ay naisulat nito sa mgapapel na sinusulatan din niya ng kung anu-ano kaya may mga naitago siya rito.Isa rin si Raine sa mga unang nakaalam na itinatangi na ni William si Serenity.Naisip pa niya noon na kaya pala madalas nito banggitin ang pangalang 'Seree'at kung bakit kabisado nito ang tatlong cellphone numbers niya.

Naging maayos ang lahat sa dalawa. Pumayagna rin ang mga magulang ni Serenity na suyuin siya ng mangingibig. Ilang buwanpa ang lumipas at ibinigay na niya rito ang matamis niyang 'oo'. Hindi komakakalimutan ang petsang iyon. Sa pahina ng buwan ng Enero sa kanyangkalendaryo ay ikinulong ng dalaga ang numerong '30' sa puso sa halip na biluganito. Enero 30, 2011 -- hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito sapagkatkailanman ay hindi ko pa nakita sa kanya ang ngiting napagmasdan ko nangpumayag siyang maging kasintahan nito.

At dahil masaya si Serenity sa mganangyayari,  naging masaya na lamang akopara sa kanya. Siguro nga ay nagkamali lamang ako ng kutob noon.

***

"Ano ba 'yan, William?"  Narinig kong napabulalas si Raine.

"Kasi naman e," sabi ni William.

"Bigyan mo nalang ng bulaklak atgumawa ka ng tula. It's the thought that counts."

"'Wag ka nga maingay," mahinangsaway nito sa kanya.

"Mahina ko lang naman sinabi a. Anglayo kaya ni Seree. Ano ba kasi? Wala ka naman maisip na gagawin e."

"May naisip na ako." Nakita kongngumiti ang binata, isang napakagandang ngiti.


Dumating na ang araw na pinaghandaan niWilliam, ang Araw ng mga Puso. Isa-isa niyang binigyan ng maliliit na papel angmga kasali sa sorpresa niya para sa dalaga. Bago mag uwian, isa-isa nilangbinasahan ng mga bahagi ng komposisyon ng binata si Serenity. Ang huling bahaginito ay binasa ng mismong gumawa at pagkatapos ay sinamahan ang kanyangbinibini sa buong maghapon.

Luha ng kaligayahan ang nakita ko noon samga mata ng sinorpresa -- bakas na naging matagumpay ang mahigit isang linggongpagpaplano para sa araw na iyon. Tunay na humahanga na ako sa binata --pursigido at malalim kung umibig. Sa kabila nito ay hindi ko maunawaan kungbakit parang may hindi maganda sa kanya, parang may iba.

***

Hindi pala lahat ng umiibig ay nagigingmasaya. Si Angelo, ang lalaking mahal ni Raine, na noon ay nananalig ng hustona sa kabila ng kakulangan nila ng panahon sa isa't isa ay bigla na lamangsiyang iniwan.

"Move on," payo ni William kayRaine.

"Ang daya niya." Humikbi ito."Ok naman kami e. Pina-text pa niya ako sa kaklase niya na mahal na mahalniya ako noong gabi bago 'yong araw na nakipag-break siya."

Hindi umimik si William.

"Buti pa kayo ni Seree."

"Alam na niya ang nangyari,"sagot nito. "Sabi niya sa akin natatakot daw siya na baka mangyari sa'min'tong ganito."

Natawa sa kanya ang kausap na hindi panapapahid ang luha sa mga mata. "Imposible."

"Imposible talaga. Hinding-hindi kosiya sasaktan. Hindi ko siya iiwan kahit kailan."



III. Pagkawasak

Nagbabago nga siguro ang lahat ng bagay --pati ang tao, pati si William.

Hindi raw niya sasaktan si Serenity. Siguronga ay marupok masyado ang mga salita para magtagal. Kung hindi niya itosasaktan, bakit nakatulog na lamang ito sa kakaiyak ngayong gabi. Malapit naang pasko. Ito ang unang paskong malungkot siya kung sakaling hindi magigingmaayos ang lahat.

Gusto kong isipin na panaginip lamang anglahat. Gusto kong maniwala na hindi nagkamali si Serenity sa pagpili sa kanya.Maaari naman na talaga na ngayon lamang ganito ang kalagayan nila. Siguro nga,bawat samahan ay sinusubok pansamantala. Kailangang manalig sila. Kailangangmanalig sila na sa pagtila ng ulan at paghupa ng baha ay magkahawak pa rin angkanilang mga kamay.

"Whydoes it have to go from good to gone? Before the lights turn on, yeah, you'releft alone." Itoang narinig kong kinakanta ng naggigitara sa labas. Nabuntong-hininga na lamangako. Sana hindi dumating sa buhay ni Serenity ang isinasaad ng bahaging ito.Sana tuparin niya ang sinabi niya na hindi niya ito iiwan kailanman.

***

Habang nakikinig ng kanta, mula pa kanina,ay bakas sa mukha ni Serenity ang saya.Soundtrip ang tawag niya rito. Hindi ko alam kung anong mayroon sa gawaingito at ganito ka-positibo ang epekto nito sa kanya. Marahil ay dahil ito sa mgamodernong awitin na pinapatugtog niya. Nakakaindak nga naman. Pati ako ay tilanahahawaan na niya.

Masaya na sana subalit biglaang tinugtogang isang lumang awitin na noon ay narinig ko na rin na pinapakinggan niya -- Where Are You Now? ni Jimmy Harnen.

Napapikit siya. Ilang buwan na rin pala anglumipas. Sinasabi ko na nga ba at hindi pa rin niya nakakalimutan ang lahat.Hindi sapat ang mga masasayang naganap sa kanya pagkatapos ng nangyari sakanila. Hindi mapapasayaw ng mga nakakaindak na awit ang puso niyangnagluluksa.

All alone tonight, I'm calling out your name.
Somewhere deep inside, this part of you remain.
Images of love take me back in time...

Muli niyang naalala kung gaano sila kasayanoong pumayag siya na maging kasintahan nito noong ika-30 ng Enero 2011. Sabinila, maraming nangyayari sa loob isang taon. Siguro nga tama ang mga nagsasabinoon dahil ang pag ibig na nag uumapaw noong Enero 30, 2011 ay nag iwan nalamang ng isang halos bakanteng sisidlan pagkalipas ng isang taon -- isangpusong  kung mayroon pang natitirang pagibig ay tila natutuyo na rin.

Binalikan niya ang lahat ng naganap noongEnero 30, 2012...

"Akalako ba 10AM?" Ito ang tanong niya sa kasintahang pagkatagal-tagal dumating.Hindi niya akalain na ito rin ang mga katagang sisira sa araw na isa sanangmasayang selebrasyon.

Sahalip na humingi ito ng tawad ay nagbitaw pa ito ng mga masasamang salita nanapakahirap tanggapin lalo na ng isang taong ginawan ng kasalanan.

Bakitba napakahalaga ng anniversary? Hindi ba dahil sa ang petsang ipinagdiriwangang siyang susukat tagal ng samahang pinanatili at pinaunlad ng mga magdiriwangnito? Paano pa nga ba ito ipagdiriwang kung isa nalang ang nagmamahal habangang isa ay naghihintay na lamang na ang kapareha niya ay bumitaw?

"Maaayospa 'to. Gagawin ko ang lahat." Ito ang sabi niya sa sarili.

Hindipa rin siya nawalan ng pag asa sa kabila ng nangyari. Sinubukan niyang isalbaang nasirang araw. Sinubukan niyang ayusin ang mga bagay.

Nagpatuloyang oras. Lumipas. Natapos ang araw. Mabuti sana kung may nangyari. Pero, wala.Wala. Dumaan ang espesyal na araw ng walang ibang naganap kung hindi mgamumunting piraso ng trahedya.

Tiningnan ko siya ng maigi. Lumuluha siya.Nasasaktan pa rin siya. Bakit nga ba kung sino pa ang totoong umiibig, sila paang nasasaktan? Bakit ang mga hindi marunong magmahal ng tama, sila pa angminamahal?

It's keeping us apart.
Where are you now?

Nasaan na nga ba siya? Ang dating siya.Nasaan na ang lalaking umibig? Ang nangakong iibig ng walang hanggan. Nasaan naang kanyang pinili? Ang piniling una at huling mamahalin. Nasaan na angbinatang hindi siya iiwan kailanman? Ang nagturo sa kanya kung paano tunay nahuminga.

Pumikit siya. Sinariwa ang sakit. Lumingonmuli pabalik.

May jeep. May kalsada. Sa isang iglap aynakita niya, naroon na pala muli siya sa eksena...

Pilitniya itong pinigilang umalis. Hinabol niya ito hanggang sa may kalsada --hanggang sa hintayan ng jeep. Pati ang nagmamaneho ng sasakyan ay kanya ngpinigilan. Hindi niya maaaring palipasin ang gabi ng walang naaayos kahit namaliit na bahagi ng relasyon nilang malapit ng mawasak ng tuluyan. Oo,nakakahiya ito. Nakakawala ng dignidad. Alam niyang hindi ito maganda sapaningin ng iba ngunit wala siyang pakialam dahil, sa pananaw niya, mas maliang sumuko nalang lalo na kung alam mo na kaya mo pa lumaban. Para sa kanya,mas nakakahiya ang mga babaeng bumibitaw nalang basta-basta dahil babae sila atsila dapat lagi ang sinusuyo ng kapareha.

"Anoba sa tingin mo 'yang ginagawa mo?" Nagtaas na ito ng boses sa kanya.

"Magusap muna tayo." Nagmamakaawa na siya rito.

"Hindika ba nakakaintindi? Ayoko nga. Bumalik ka na sa inyo."

"Please.'Wag ka muna umuwi."

Tiningnanlamang siya nito saglit at tumingin muli sa kalsada.

Sahuli, tila nagbunga ang lahat. Pinauwi na siya nito dahil tumawag raw dito angkanyang ina at sinabi na pauwiin na siya dahil gabi na. Nangako ito sa ina niSerenity na aayusin niya ang lahat -- panahon lamang ang makakapagsabi kungsiya ay magiging tapat.

Where are you now?
Do you wonder where I am?
Are you really feeling fine?

"Masaya ba talaga siya ngayon?"Ito ang naitanong niya sa sarili. "Masaya ba talaga siya o pinaninindiganniya lamang ang desisyon niyang tapusin ang lahat?"

Napabuntong-hininga na lamang siya."Siguro nga ay masaya siya. Alam ko, alam kong hindi ako angmakapagbibigay ng kailangan niya. Bilang mga tao, may sarili tayong mga isip.Bakit natin pipiliin ang isang bagay na hindi mabibigyan ng kaganapan ang atingmga pinapangarap. Ginawa ko ang lahat, alam kong sapat ang mga ito. Pero, maymga bagay na hindi ako, hindi ang tulad kong babae ang makakapagbigay dahilkung naibigay ko ang lahat ay magiging kuntento siya. Magiging masaya sanakaming dalawa."

Bigla na lamang niyang narinig ang tinignito. Malambing. Nangangako. Umiibig. Walang anu-ano ay naroon na muli siya sa ikalawang araw ng mga puso na may minamahal na siya...

"Mahal pa rin kita. Kaya natin 'to. Maaayos pa ito basta nagmamahalan tayo. Naritolamang ako, handa kitang tulungang harapin lahat ng multong likha ng mga nagingpagkakamalin natin. Narito lang ako, tutulungan kitang kumpunihin ang lahat ngnasira. Lahat ng piraso ng nabasag nating samahan, lahat ito aypagdidikit-dikitin kong muli -- wala akong pakialam kung masugatan ako, maayoslamang ito, maayos lamang ito."

"Maiintindihan ko kung ayaw mo na subalit huwag kang umasang susukuan kita. Bumalik na ang iyong mandirigma at handa na siyang lumaban hanggang hindi pa siya tuluyang nagagapi."

Labis siyang natuwa. Naniniwala rin siya na hindi pa huli para bumangon sila sakinasadlakan.

Nabuhayang kanyang loob. Nahanap niyang muli ang nagtatago niyang sigla. Lalaban siya.Lalaban siya. At kung sinulid na lamang ang tanging makakapitan niya paakyat sakinalalagyan mo, kakapit pa rin siya kahit na bangin pa ang nakatakda niyangbabagsakan.

Sana nga ay totoo ang lahat ng sinabi niyang iyon subalit hindi. Walang nakakaalam kung nadalalamang siya sa ihip ng hanging hatid araw ng pag ibig o kung ito sana talagaang balak niya subalit hindi niya na natupad dahil may iba siyang inatupag -- angtunay na sarili niyang tila hindi niya talaga mahanap.

Ika-29 ng Pebrero 2012 noong matapos anglahat sa kanila. Kada apat na taon lamang mayroong ganitong bilang ng araw sabuwan ng mga pag ibig ngunit nataon pa na sa araw na ito nalusaw ang kanyang mgapangarap at pag asa na maibabalik pa sa kanya ang noon ay nasa kanyang mgakamay. Sa susunod na taon ay wala na ang numerong ito sa kalendaryo pero angmalungkot na alaala ay nakatala na sa kasaysayan niya. Wala naman talaganghalaga ang petsa, may mga tao lamang na labis itong pinahahalagahan. Ang ibanga, nakakalimutan na ang eksaktong dahilan kung bakit mahalaga ito. Katulad ngmga kaarawan, pasko, kapistahan at anibersaryo na kung minsan ay alam na lamangng nagdiriwang na dapat ipagdiwang subalit ang esensya nito ay wala naman sakanyang gunita.

Siguro nga, hindi na nila naipagdiwang angkanilang anibersaryo subalit ang alaala ng dahilan kung bakit naging importanteito sa kanila noon ay habambuhay na magiging matamis kahit na iniwan na ang isana puno ng pait.

Going through my life without you by my side.
You're the only thing keeps going my mind.
And, nothing that I do can take the place of you...

"Mahirap mag-move on. Halos kalahating taon din bago ko matanggap na wala ng pag asa ang lahat. At halos kalahatingtaon pa ulit bago ko masabi ulit sa sarili ko na magmamahal akong muli. Pero ngayong magdadalawang taon na mula ng iwan niya ako, bukas na ulit ang puso kosa pag-ibig -- hindi ko ito binuksang pilit, kusa itong binuksan ng langit." Ito ang sabi sa kanya ni Raine sa kanya noon. Maging ito ay hindimakapaniwala sa mga nangyari. Ayon sa kanya, si Wiliam ang huling lalakingkakilala niya na gagawin ang mga iyon. Nakakalungkot man isipin pero masahol pasa ginawa ni Angelo kay Raine ang ginawa nito kay Serenity. Si Angelo, biglaang nang-iwan. Si William, inunti-unti at nagpaasa muna bago tuluyang bumitaw.


Wala siyang magagawa. Nagbabago ang tao.Dumarating talaga sa tagpo na maging ang huling piraso ng pilikmatang taglayniya noong siya ay ibigin mo ay malalagas.

Sa ngayon, may mga panahong nalulungkot parin siya. Bakit nga ba hindi siya malulungkot? Nagmahal siya ng tapat atnagtiwala ng wagas sa pag ibig na nais niyang umabot hanggang wakas.

Paminsan-minsan, kapag niyayakap ko siya nghindi niya napapansin, ay pumapatak din ang luha ko kasabay ng pag agos ng sakanya.

***

"Nabigo po ako."

"Bakit mo nasabi?"

"Hindi ko po siya nabantayan. Nasaktanpo siya sa huli."

"Ginawa mo lamang ang nararapat."

"Po?"

"Naaalala mo ba ang mga panahonginilalayo mo siya rito?"

"Opo. Subalit, hindi po Ninyo akopinahintulutang gawin iyon."

"Dahil hindi ito karapat-dapat napigilan."

"Pero nasaktan po siya."

"Bakit siya nasaktan?"

"Dahil sumugal po siya sa pagibig."

"Hindi ba't ang pag ibig ay isangsugal?"

"Kung ganoon po, bakit kailangan pa ngmga taong magmahal kung habang lumalaki ang taya nila sa sugal na ito ay lalolamang silang nalulugmok sa halip na manalo?"

"Hindi lumalaki ang pusta ng mga taongtinutukoy mo -- lumalabis. Kaya nasasaktan sila. Anumang bagay na sumobra aynagiging kulang sa huli. "

"Mahal Niyo po ba siya? Mahal po ba Ninyo si Serenity?"

"Kaya hinayaan ko siyangmasaktan."

"Pero bakit po?"

"Malalaman mo rin."

"Iibig po ba siya muli?"

"Kung pipiliin niyang umibig muli."

"Subalit hindi pa po niya ganap nanakakalimutan ang nakaraan."

"Hindi niya kailangang kalimutan angmga nangyari -- kailangan niya lang na tanggapin ang mga ito."

"Ngunit, paano niya po itomatatanggap?"

"Iyan ang una mong misyon."

"Una? May iba pa po ba akongmisyon?"

"Mayroon pa."

"Ano pa po ang iba?"

"Matutuklasan mo ito sakalaunan."

"Bakit po wala pa rin siyangnakikitang katulad ni William?"

"Dahil wala itong katulad."

"Paano po iyan?"

"Wala siyang katulad ngunit mayroonghigit sa kanya."

"Sino po ang taong ito?"

Biglang bumalik sa mundo ang akingkamalayan. Natagpuan ko si Serenity sa isang sulok ng kanyang silid habanggumuguhit. Malungkot ang tema ng kanyang obra. Napahinga ako ng malalim. Itoang una kong misyon.

Hindi ko alam kung kailan komaisasakatuparan ang aking gagawin at kung kailan ko matutuklasan ang iba kopang dapat maging layunin. Isa lamang ang nasisiguro ko, hinding-hindi akoaalis sa tabi ni Serenity. Isinilang ako noong siya ay isilang. Inilaan niBathala ang eksistensya ko para samahan siya hanggang sa huli. Kailanman ayhindi siya naging mag isa at kailanman ay hindi siya mag iisa.

Lahat ng tao ay mayroong isang katulad ko.Ililipad sila nito sa panahong hindi na nila magawang takasan ang lungkot ng mundo -- dadalhin sa kalawakang muling bubuo sa nawasak nilang puso.

(Katulad ni Serenity, mayroon tayong anghel... at ililipad nila tayo sa panahong hindi na natin magawang takasan ang lungkot ng mundo -- dadalhin sa kalawakang muling bubuo sa nawasak nating mga puso.)

[October 2012]