Sabado, Enero 18, 2014

Dalawang Araw Bago ang Mahabang Gabi

(Hango sa isang tunay na kwento ng hindi totoong pag ibig.
Para sa 'yo, totoong Serenity...)


Bakit tumataya ang tao sa sugal ng pag-ibig kung habang lumalaki ang ipinupusta nila rito ay lalong hindi ito nagiging sapat para sila ay manalo?

I. Pangarap

Lumipas na ang mga panahon ng pagtatampisawsa malinaw na batis ng kanyang kabataan. Ngayon ay handa na siyang harapin angmundong malayo sa kaparangan na nag-ugoy sa duyan ng kanyang kamusmusan.Maya-maya lamang ay lilisanin na niya ang pook na ito -- magpapaalam sa mgatutubi at paru-parong noon ay kala-kalaro niya at saglit na iiwan ang mgaalitaptap at kuliglig na pinupuno ang kanyang gabi ng sigla. Nakakalungkotisiping saglit na lilisan ang prinsesa ng paraisong ito. Tiyak na mababawasanang kagandahan ng bawat piraso nitong napalapit sa kanya. Mahal ng lahat siSerenity -- isang anghel na mas karapat-dapat sa daigdig para bigyang-kulayito.

Serenity. Napakagandang pangalan, hindi ba?Sabi sa diksyunaryo, serenity is thestate of being serene or calm. Madalas ay napapaisip tuloy ako. Alam nakaya noon pa man ng mga magulang niya ang magiging buhay niya pagdating ngpanahon? Sa pangalan pa lamang niya ay masasalamin na ang kanyang pagkatao atang kanyang mundo.

Pero, tiyak na hindi nila ito nahulaan.Sino nga ba ang makakapagsabi ng magiging takbo ng panahon? Wala kung hindi angDakilang Lumikha. Siya lamang din ang may alam kung ano ang mangyayari kaySerenity sa kanyang pakikipagsapalaran sa Maynila. Sa totoo lang, ayoko sana namag aral siya sa labas ng pook na ito subalit wala akong magagawa kung hindihayaan siya at sundin ang kalooban ng langit. Siguro nga ay may magandangdahilan kung bakit kailangan niyang lumayo pansamantala sa lugar na ito. Sanatalaga ay maging maayos ang lahat. Sana ay maging mabuti sa kanya ang lungsodna pansamantalang kukupkop sa kanya.

Bakit nga ba ganito na lamang angpagpapahalaga ko sa kanya? Siguro dahil sa nasubaybayan ko siya mula sapagkabata. At, isa pa, may parte sa akin na para bang naging parte na niya.

Mabuting tao si Serenity -- mapagmahal naanak, mabuting kaibigan at responsable sa lahat. Maganda rin siya katulad ngmga iginuguhit ng kanyang kamay na pinagpala ng sining. Sa kabila ng malabotniyang pagkatao ay matatagpuan din ang katapangan at katatagan. Wala siyanghindi kayang lagpasan. Bawat hamon ay kaya niyang harapin at kailanman ay hindiniya nakilala ang salitang 'pagsuko' -- ngunit marunong siyang tumanggap ngpagkatalo sa mga pagkakataong hindi siya nananaig. Tiyak na napakaswerte nglalaking kanyang iibigin.

Pag ibig. Sumagi na ba sa isip niya ang pagibig? Sa isip, oo. Ngunit, sa puso? Kailanman ay hindi pa.

Napag isipan na niya noon pa ang tungkol sapag ibig. Batid niya, simula palang ng magkaroon siya ng pakialam sa buhay, namabilis kung lumipas ang oras kaya dapat bago pa siya dumating sa mismong tagpoay napaghandaan niya na ito.  Wala namansiyang ibang hangad kung hindi ang lumakad sa patungo sa altar kung saannaghihintay ang kaisa-isang lalaking pagbibigyan niya ng kanyang matamis na oo. Isa lamang ang nais niyang ibiginsa buong buhay niya kaya naman hindi siya nagmamadali at talagang naglalaan ngpanahon sa bawat mangangahas pumasok sa kanyang puso. Ang nais niya aykilatising maigi ang mga ito upang masigurado na mapupunta siya sa isang taongiibigin siya hanggang sa huli nitong hininga dahil natitiyak niya na mamahalinniya ito hanggang sa maubos ang walang katapusan.

Saglit akong natigilan sa pag iisip atbumalik sa realidad. Nakarinig ako ng isang pamilyar na tinig.

"Anak?" Tinawag siya ng kanyangina.

"Po?" Agad siyang tumugon.

"Aalis na tayo," sabi nito."Mahirap gabihin sa daan."

Mabilis siyang lumabas sa kanyang silid atyumakap sa kanyang nakababatang kapatid. Mahal na mahal nila ang isa't isa kayahindi pa man siya umaalis ay tila nangungulila na sila.

"Mag ingat ka ro'n, Ate."Bumulong ito sa kanya. "Mag-load ka palagi. I-text mo ako kapag hindi kabusy ha?"

Tumango siya sa nag iisa niyang prinsipe."Magpakabait ka."

***

Gabi na nang dumating siya, kasama ang kanyangmga magulang, sa tutuluyan niyangboarding house. Pagpasok pa lamang niya ay tila nagustuhan na siya ngkanyang mga makakasama sa silid. Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag kung anoang mayroon sa kanya at para bang napakadali niyang kagaanan ng loob. Nagingkaibigan niya kaagad ang mga ito at naging palagay siya sa bago niyang tahanan.

Sa unibersidad na kanyang pinasukan aynaging maayos din ang lahat. Wala pang isang linggo ay nakatagpo na siya ng mgamabubuting kaibigan na tiyak na makapagbibigay ng kulay sa kanyangbuhay-kolehiyo.

Marahil ay magiging masaya talaga siya salungsod na ito kaya naman binawalan ako ng langit na pigilan siyang mag aral ngmalayo sa pook na kanyang kinalakihan. Sana nga. Sana.



II. Katuparan

Kalagitnaan na ngayon ng buwan ng Agosto.Suot ang itim na bestidang bagay na bagay sa kanya ay dumalo siya sa isangpagtitipon sa paaralan. Dahil sa kagandahang tinataglay ay nabighani sa kanyaang isang lalaki na noon ay sa pangalan pa lamang siya kilala. Isa ito sakanyang mga kamag aral.

Lingid sa kaalaman niya ang lahat subalitalam ko maging ang pinakamaliit na detalye ng sumisibol na pagtangi nito kaySerenity. Sa simula pa lamang ay alam ko na ang patutunguhan ng mga sulyap nitomula sa hindi kalayuan noong gabing iyon at mayroon akong kutob na hindimaganda sa mga matang pinagmumulan ng mga tingin na patungo sa kanya.

Lumipas ang mga araw at lumalim angpagtingin nito sa kanya. Sa pamamagitan ng cellphoneay nagkalapit ang dalawa. Humingi muna ang lalaking ito ng palatandaan salangit kung tama ba na tahakin niya ang daan patungo sa puso ni Serenity.Gagawa sana ako ng paraan upang hindi mangyari ang hinihingi nito at huminto nasiya sa panunuyo sa aking prinsesa ngunit hinadllangan ako ng isang mas malakasna kapangyarihan. Natupad ang senyales na hiningi niya at dito na nagsimula angbuhay ng binibining noon pa man ay sinusubaybayan ko na.

Totoo nga marahil na ang simula ng buhay ngbawat tao ay wala sa unang pagtibok ng puso nito kung hindi nasa unangpagpintig ng bahaging iyon para sa ibang tao. Sabi nga sa isang nobela ngmanunulat na si Agatha Christie, the onewho never really loved has never really lived. Hindi ko sinasabi na angnasasaklaw lamang ng pag ibig ay ang pagmamahalan ng magkasintahan o nagiibigan. May mga taong nabubuhay rin ng hindi nakaranas ng ganoong pag ibigsubalit matagal ng nagsimula ang buhay, katulad ng mga pari at madre na angPanginoon ang inibig, ng mga batang bayani na maagang yumao dahil sa pagmamahalnila sa bayan o sa kapwa -- at iba pang mukha ng ganitong kaso. Ngunit, sakwento ng buhay niya, ang magmahal sa kauna-unahang pagkakataon ang siyangnaging simula ng lahat.

Sa kabila nito ay hindi pa rin siya kaagadpumayag na maginng kasintahan nito. Kasabay nito, mas nagsikap ang binata paramakita niya ang kadalisayan ng kanyang pagsinta.

Ang lalaking ito ay si William. Bukod sakapangalan na niya ang isang prinsipe ay kaparehas niya rin ng pangalan angtanyag na manunulat na si William Shakespeare. Katulad ng madalas kong itanongsa sarili ko tungkol sa pangalan ni Serenity, alam kaya ng magulang nito angmagiging pagkatao niya? Alam ko naman na walang kinalaman ang pangalan sa buhayng isang nilalang. Nadadala lamang siguro ako ng mga pagkakataong gaya nito.Bagay na bagay sa binata ang ngalang ibinigay sa kanya dahil sa husay nitonggumawa ng mga tula na kahit sinong pag alayan ay tila mapapaibig niya.

Minsan ay narinig ko si Raine, katabi niWilliam sa upuan sa ilang klase, na bumulong sa kanyang sarili na sana ay hindinagbago ang kasintahan niya sa kanya na noon ay ginagawan din siya ng mga tula.Masyado na raw kasi itong naging abala para gawin pa ang mga ganoong bagay parasa kanya.

Araw-araw ay sumusulat ng kung anu-ano parakay Serenity si William at si Raine ang unang nakakabasa nito. Inaagaw niya angmga ito minsan at binibigay sa dalaga. Ang ilan naman ay naisulat nito sa mgapapel na sinusulatan din niya ng kung anu-ano kaya may mga naitago siya rito.Isa rin si Raine sa mga unang nakaalam na itinatangi na ni William si Serenity.Naisip pa niya noon na kaya pala madalas nito banggitin ang pangalang 'Seree'at kung bakit kabisado nito ang tatlong cellphone numbers niya.

Naging maayos ang lahat sa dalawa. Pumayagna rin ang mga magulang ni Serenity na suyuin siya ng mangingibig. Ilang buwanpa ang lumipas at ibinigay na niya rito ang matamis niyang 'oo'. Hindi komakakalimutan ang petsang iyon. Sa pahina ng buwan ng Enero sa kanyangkalendaryo ay ikinulong ng dalaga ang numerong '30' sa puso sa halip na biluganito. Enero 30, 2011 -- hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito sapagkatkailanman ay hindi ko pa nakita sa kanya ang ngiting napagmasdan ko nangpumayag siyang maging kasintahan nito.

At dahil masaya si Serenity sa mganangyayari,  naging masaya na lamang akopara sa kanya. Siguro nga ay nagkamali lamang ako ng kutob noon.

***

"Ano ba 'yan, William?"  Narinig kong napabulalas si Raine.

"Kasi naman e," sabi ni William.

"Bigyan mo nalang ng bulaklak atgumawa ka ng tula. It's the thought that counts."

"'Wag ka nga maingay," mahinangsaway nito sa kanya.

"Mahina ko lang naman sinabi a. Anglayo kaya ni Seree. Ano ba kasi? Wala ka naman maisip na gagawin e."

"May naisip na ako." Nakita kongngumiti ang binata, isang napakagandang ngiti.


Dumating na ang araw na pinaghandaan niWilliam, ang Araw ng mga Puso. Isa-isa niyang binigyan ng maliliit na papel angmga kasali sa sorpresa niya para sa dalaga. Bago mag uwian, isa-isa nilangbinasahan ng mga bahagi ng komposisyon ng binata si Serenity. Ang huling bahaginito ay binasa ng mismong gumawa at pagkatapos ay sinamahan ang kanyangbinibini sa buong maghapon.

Luha ng kaligayahan ang nakita ko noon samga mata ng sinorpresa -- bakas na naging matagumpay ang mahigit isang linggongpagpaplano para sa araw na iyon. Tunay na humahanga na ako sa binata --pursigido at malalim kung umibig. Sa kabila nito ay hindi ko maunawaan kungbakit parang may hindi maganda sa kanya, parang may iba.

***

Hindi pala lahat ng umiibig ay nagigingmasaya. Si Angelo, ang lalaking mahal ni Raine, na noon ay nananalig ng hustona sa kabila ng kakulangan nila ng panahon sa isa't isa ay bigla na lamangsiyang iniwan.

"Move on," payo ni William kayRaine.

"Ang daya niya." Humikbi ito."Ok naman kami e. Pina-text pa niya ako sa kaklase niya na mahal na mahalniya ako noong gabi bago 'yong araw na nakipag-break siya."

Hindi umimik si William.

"Buti pa kayo ni Seree."

"Alam na niya ang nangyari,"sagot nito. "Sabi niya sa akin natatakot daw siya na baka mangyari sa'min'tong ganito."

Natawa sa kanya ang kausap na hindi panapapahid ang luha sa mga mata. "Imposible."

"Imposible talaga. Hinding-hindi kosiya sasaktan. Hindi ko siya iiwan kahit kailan."



III. Pagkawasak

Nagbabago nga siguro ang lahat ng bagay --pati ang tao, pati si William.

Hindi raw niya sasaktan si Serenity. Siguronga ay marupok masyado ang mga salita para magtagal. Kung hindi niya itosasaktan, bakit nakatulog na lamang ito sa kakaiyak ngayong gabi. Malapit naang pasko. Ito ang unang paskong malungkot siya kung sakaling hindi magigingmaayos ang lahat.

Gusto kong isipin na panaginip lamang anglahat. Gusto kong maniwala na hindi nagkamali si Serenity sa pagpili sa kanya.Maaari naman na talaga na ngayon lamang ganito ang kalagayan nila. Siguro nga,bawat samahan ay sinusubok pansamantala. Kailangang manalig sila. Kailangangmanalig sila na sa pagtila ng ulan at paghupa ng baha ay magkahawak pa rin angkanilang mga kamay.

"Whydoes it have to go from good to gone? Before the lights turn on, yeah, you'releft alone." Itoang narinig kong kinakanta ng naggigitara sa labas. Nabuntong-hininga na lamangako. Sana hindi dumating sa buhay ni Serenity ang isinasaad ng bahaging ito.Sana tuparin niya ang sinabi niya na hindi niya ito iiwan kailanman.

***

Habang nakikinig ng kanta, mula pa kanina,ay bakas sa mukha ni Serenity ang saya.Soundtrip ang tawag niya rito. Hindi ko alam kung anong mayroon sa gawaingito at ganito ka-positibo ang epekto nito sa kanya. Marahil ay dahil ito sa mgamodernong awitin na pinapatugtog niya. Nakakaindak nga naman. Pati ako ay tilanahahawaan na niya.

Masaya na sana subalit biglaang tinugtogang isang lumang awitin na noon ay narinig ko na rin na pinapakinggan niya -- Where Are You Now? ni Jimmy Harnen.

Napapikit siya. Ilang buwan na rin pala anglumipas. Sinasabi ko na nga ba at hindi pa rin niya nakakalimutan ang lahat.Hindi sapat ang mga masasayang naganap sa kanya pagkatapos ng nangyari sakanila. Hindi mapapasayaw ng mga nakakaindak na awit ang puso niyangnagluluksa.

All alone tonight, I'm calling out your name.
Somewhere deep inside, this part of you remain.
Images of love take me back in time...

Muli niyang naalala kung gaano sila kasayanoong pumayag siya na maging kasintahan nito noong ika-30 ng Enero 2011. Sabinila, maraming nangyayari sa loob isang taon. Siguro nga tama ang mga nagsasabinoon dahil ang pag ibig na nag uumapaw noong Enero 30, 2011 ay nag iwan nalamang ng isang halos bakanteng sisidlan pagkalipas ng isang taon -- isangpusong  kung mayroon pang natitirang pagibig ay tila natutuyo na rin.

Binalikan niya ang lahat ng naganap noongEnero 30, 2012...

"Akalako ba 10AM?" Ito ang tanong niya sa kasintahang pagkatagal-tagal dumating.Hindi niya akalain na ito rin ang mga katagang sisira sa araw na isa sanangmasayang selebrasyon.

Sahalip na humingi ito ng tawad ay nagbitaw pa ito ng mga masasamang salita nanapakahirap tanggapin lalo na ng isang taong ginawan ng kasalanan.

Bakitba napakahalaga ng anniversary? Hindi ba dahil sa ang petsang ipinagdiriwangang siyang susukat tagal ng samahang pinanatili at pinaunlad ng mga magdiriwangnito? Paano pa nga ba ito ipagdiriwang kung isa nalang ang nagmamahal habangang isa ay naghihintay na lamang na ang kapareha niya ay bumitaw?

"Maaayospa 'to. Gagawin ko ang lahat." Ito ang sabi niya sa sarili.

Hindipa rin siya nawalan ng pag asa sa kabila ng nangyari. Sinubukan niyang isalbaang nasirang araw. Sinubukan niyang ayusin ang mga bagay.

Nagpatuloyang oras. Lumipas. Natapos ang araw. Mabuti sana kung may nangyari. Pero, wala.Wala. Dumaan ang espesyal na araw ng walang ibang naganap kung hindi mgamumunting piraso ng trahedya.

Tiningnan ko siya ng maigi. Lumuluha siya.Nasasaktan pa rin siya. Bakit nga ba kung sino pa ang totoong umiibig, sila paang nasasaktan? Bakit ang mga hindi marunong magmahal ng tama, sila pa angminamahal?

It's keeping us apart.
Where are you now?

Nasaan na nga ba siya? Ang dating siya.Nasaan na ang lalaking umibig? Ang nangakong iibig ng walang hanggan. Nasaan naang kanyang pinili? Ang piniling una at huling mamahalin. Nasaan na angbinatang hindi siya iiwan kailanman? Ang nagturo sa kanya kung paano tunay nahuminga.

Pumikit siya. Sinariwa ang sakit. Lumingonmuli pabalik.

May jeep. May kalsada. Sa isang iglap aynakita niya, naroon na pala muli siya sa eksena...

Pilitniya itong pinigilang umalis. Hinabol niya ito hanggang sa may kalsada --hanggang sa hintayan ng jeep. Pati ang nagmamaneho ng sasakyan ay kanya ngpinigilan. Hindi niya maaaring palipasin ang gabi ng walang naaayos kahit namaliit na bahagi ng relasyon nilang malapit ng mawasak ng tuluyan. Oo,nakakahiya ito. Nakakawala ng dignidad. Alam niyang hindi ito maganda sapaningin ng iba ngunit wala siyang pakialam dahil, sa pananaw niya, mas maliang sumuko nalang lalo na kung alam mo na kaya mo pa lumaban. Para sa kanya,mas nakakahiya ang mga babaeng bumibitaw nalang basta-basta dahil babae sila atsila dapat lagi ang sinusuyo ng kapareha.

"Anoba sa tingin mo 'yang ginagawa mo?" Nagtaas na ito ng boses sa kanya.

"Magusap muna tayo." Nagmamakaawa na siya rito.

"Hindika ba nakakaintindi? Ayoko nga. Bumalik ka na sa inyo."

"Please.'Wag ka muna umuwi."

Tiningnanlamang siya nito saglit at tumingin muli sa kalsada.

Sahuli, tila nagbunga ang lahat. Pinauwi na siya nito dahil tumawag raw dito angkanyang ina at sinabi na pauwiin na siya dahil gabi na. Nangako ito sa ina niSerenity na aayusin niya ang lahat -- panahon lamang ang makakapagsabi kungsiya ay magiging tapat.

Where are you now?
Do you wonder where I am?
Are you really feeling fine?

"Masaya ba talaga siya ngayon?"Ito ang naitanong niya sa sarili. "Masaya ba talaga siya o pinaninindiganniya lamang ang desisyon niyang tapusin ang lahat?"

Napabuntong-hininga na lamang siya."Siguro nga ay masaya siya. Alam ko, alam kong hindi ako angmakapagbibigay ng kailangan niya. Bilang mga tao, may sarili tayong mga isip.Bakit natin pipiliin ang isang bagay na hindi mabibigyan ng kaganapan ang atingmga pinapangarap. Ginawa ko ang lahat, alam kong sapat ang mga ito. Pero, maymga bagay na hindi ako, hindi ang tulad kong babae ang makakapagbigay dahilkung naibigay ko ang lahat ay magiging kuntento siya. Magiging masaya sanakaming dalawa."

Bigla na lamang niyang narinig ang tinignito. Malambing. Nangangako. Umiibig. Walang anu-ano ay naroon na muli siya sa ikalawang araw ng mga puso na may minamahal na siya...

"Mahal pa rin kita. Kaya natin 'to. Maaayos pa ito basta nagmamahalan tayo. Naritolamang ako, handa kitang tulungang harapin lahat ng multong likha ng mga nagingpagkakamalin natin. Narito lang ako, tutulungan kitang kumpunihin ang lahat ngnasira. Lahat ng piraso ng nabasag nating samahan, lahat ito aypagdidikit-dikitin kong muli -- wala akong pakialam kung masugatan ako, maayoslamang ito, maayos lamang ito."

"Maiintindihan ko kung ayaw mo na subalit huwag kang umasang susukuan kita. Bumalik na ang iyong mandirigma at handa na siyang lumaban hanggang hindi pa siya tuluyang nagagapi."

Labis siyang natuwa. Naniniwala rin siya na hindi pa huli para bumangon sila sakinasadlakan.

Nabuhayang kanyang loob. Nahanap niyang muli ang nagtatago niyang sigla. Lalaban siya.Lalaban siya. At kung sinulid na lamang ang tanging makakapitan niya paakyat sakinalalagyan mo, kakapit pa rin siya kahit na bangin pa ang nakatakda niyangbabagsakan.

Sana nga ay totoo ang lahat ng sinabi niyang iyon subalit hindi. Walang nakakaalam kung nadalalamang siya sa ihip ng hanging hatid araw ng pag ibig o kung ito sana talagaang balak niya subalit hindi niya na natupad dahil may iba siyang inatupag -- angtunay na sarili niyang tila hindi niya talaga mahanap.

Ika-29 ng Pebrero 2012 noong matapos anglahat sa kanila. Kada apat na taon lamang mayroong ganitong bilang ng araw sabuwan ng mga pag ibig ngunit nataon pa na sa araw na ito nalusaw ang kanyang mgapangarap at pag asa na maibabalik pa sa kanya ang noon ay nasa kanyang mgakamay. Sa susunod na taon ay wala na ang numerong ito sa kalendaryo pero angmalungkot na alaala ay nakatala na sa kasaysayan niya. Wala naman talaganghalaga ang petsa, may mga tao lamang na labis itong pinahahalagahan. Ang ibanga, nakakalimutan na ang eksaktong dahilan kung bakit mahalaga ito. Katulad ngmga kaarawan, pasko, kapistahan at anibersaryo na kung minsan ay alam na lamangng nagdiriwang na dapat ipagdiwang subalit ang esensya nito ay wala naman sakanyang gunita.

Siguro nga, hindi na nila naipagdiwang angkanilang anibersaryo subalit ang alaala ng dahilan kung bakit naging importanteito sa kanila noon ay habambuhay na magiging matamis kahit na iniwan na ang isana puno ng pait.

Going through my life without you by my side.
You're the only thing keeps going my mind.
And, nothing that I do can take the place of you...

"Mahirap mag-move on. Halos kalahating taon din bago ko matanggap na wala ng pag asa ang lahat. At halos kalahatingtaon pa ulit bago ko masabi ulit sa sarili ko na magmamahal akong muli. Pero ngayong magdadalawang taon na mula ng iwan niya ako, bukas na ulit ang puso kosa pag-ibig -- hindi ko ito binuksang pilit, kusa itong binuksan ng langit." Ito ang sabi sa kanya ni Raine sa kanya noon. Maging ito ay hindimakapaniwala sa mga nangyari. Ayon sa kanya, si Wiliam ang huling lalakingkakilala niya na gagawin ang mga iyon. Nakakalungkot man isipin pero masahol pasa ginawa ni Angelo kay Raine ang ginawa nito kay Serenity. Si Angelo, biglaang nang-iwan. Si William, inunti-unti at nagpaasa muna bago tuluyang bumitaw.


Wala siyang magagawa. Nagbabago ang tao.Dumarating talaga sa tagpo na maging ang huling piraso ng pilikmatang taglayniya noong siya ay ibigin mo ay malalagas.

Sa ngayon, may mga panahong nalulungkot parin siya. Bakit nga ba hindi siya malulungkot? Nagmahal siya ng tapat atnagtiwala ng wagas sa pag ibig na nais niyang umabot hanggang wakas.

Paminsan-minsan, kapag niyayakap ko siya nghindi niya napapansin, ay pumapatak din ang luha ko kasabay ng pag agos ng sakanya.

***

"Nabigo po ako."

"Bakit mo nasabi?"

"Hindi ko po siya nabantayan. Nasaktanpo siya sa huli."

"Ginawa mo lamang ang nararapat."

"Po?"

"Naaalala mo ba ang mga panahonginilalayo mo siya rito?"

"Opo. Subalit, hindi po Ninyo akopinahintulutang gawin iyon."

"Dahil hindi ito karapat-dapat napigilan."

"Pero nasaktan po siya."

"Bakit siya nasaktan?"

"Dahil sumugal po siya sa pagibig."

"Hindi ba't ang pag ibig ay isangsugal?"

"Kung ganoon po, bakit kailangan pa ngmga taong magmahal kung habang lumalaki ang taya nila sa sugal na ito ay lalolamang silang nalulugmok sa halip na manalo?"

"Hindi lumalaki ang pusta ng mga taongtinutukoy mo -- lumalabis. Kaya nasasaktan sila. Anumang bagay na sumobra aynagiging kulang sa huli. "

"Mahal Niyo po ba siya? Mahal po ba Ninyo si Serenity?"

"Kaya hinayaan ko siyangmasaktan."

"Pero bakit po?"

"Malalaman mo rin."

"Iibig po ba siya muli?"

"Kung pipiliin niyang umibig muli."

"Subalit hindi pa po niya ganap nanakakalimutan ang nakaraan."

"Hindi niya kailangang kalimutan angmga nangyari -- kailangan niya lang na tanggapin ang mga ito."

"Ngunit, paano niya po itomatatanggap?"

"Iyan ang una mong misyon."

"Una? May iba pa po ba akongmisyon?"

"Mayroon pa."

"Ano pa po ang iba?"

"Matutuklasan mo ito sakalaunan."

"Bakit po wala pa rin siyangnakikitang katulad ni William?"

"Dahil wala itong katulad."

"Paano po iyan?"

"Wala siyang katulad ngunit mayroonghigit sa kanya."

"Sino po ang taong ito?"

Biglang bumalik sa mundo ang akingkamalayan. Natagpuan ko si Serenity sa isang sulok ng kanyang silid habanggumuguhit. Malungkot ang tema ng kanyang obra. Napahinga ako ng malalim. Itoang una kong misyon.

Hindi ko alam kung kailan komaisasakatuparan ang aking gagawin at kung kailan ko matutuklasan ang iba kopang dapat maging layunin. Isa lamang ang nasisiguro ko, hinding-hindi akoaalis sa tabi ni Serenity. Isinilang ako noong siya ay isilang. Inilaan niBathala ang eksistensya ko para samahan siya hanggang sa huli. Kailanman ayhindi siya naging mag isa at kailanman ay hindi siya mag iisa.

Lahat ng tao ay mayroong isang katulad ko.Ililipad sila nito sa panahong hindi na nila magawang takasan ang lungkot ng mundo -- dadalhin sa kalawakang muling bubuo sa nawasak nilang puso.

(Katulad ni Serenity, mayroon tayong anghel... at ililipad nila tayo sa panahong hindi na natin magawang takasan ang lungkot ng mundo -- dadalhin sa kalawakang muling bubuo sa nawasak nating mga puso.)

[October 2012]

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento