"Babalik ako, Cita.
Babalik ako at kukunin kita. Ilalayo kita sa maruming hangin, sa mga tirahang
tagpi-tagpi ang dingding, sa mundong malayo sa gusto natin." Ito ang aking
pangako sa una kong pag ibig. Ito rin marahil ang laman ng isipan niya ngayon
kung ako pa rin ang kanyang iniibig.
Nasaan na kaya si Cita? Masaya
na kaya siya ngayon? Sumasagi pa kaya ako sa isipan niya? Kailan ko kaya siya
muling mayayakap? May puwang pa nga ba ang pag ibig sa amin dalawa? Sana ay
narito siya. Kung mapipihit ko lamang pabalik ang oras, tiyak na hawak ko na
muli ang kanyang kamay -- siguradong sabay naming nilalakbay ngayon ang daan ng
buhay.
Nakatatak pa rin sa isip ko
ang kanyang mukha, napakaamo ngunit may bahid ng katapangan. Natatandaan ko pa rin
ang kislap ng kanyang mga mata at ang kilos niyang pino ngunit puno ng sigla.
Si Cita ang mukha ng pag ibig para akin. Ngunit, pinalaya ko siya -- hinayaan
ko siyang makalipad.
Hinabol ko naman siya,
sinubukang tawagin mula sa 'di kalayuan, subalit hindi niya ako narinig.
Nakalayo na si Cita nang mapagtanto ko na siya ang tunay kong iniibig.
Ngayong hapon, habang nakaupo
sa nakatumbang puno na aming paraiso noon, ay binalikan ko ang yugtong tuluyan
ng naglayag sa karagatan ng buhay. Kasabay ng pagtugtog ng isang pamilyar na
awitin mula sa radyo ng isang munting tahanan sa 'di kalayuan.
Magkahawak ang ating kamay at walang
kamalay-malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay...
Sana, bata na lamang kami
ulit -- masaya at kuntento sa abot-kamay na langit.
*Umpisa ng kwento ko. Haha. Pang apat na sana 'to kung natapos ko 'yong iba hahaha. Nagkatamaran e.*
*Umpisa ng kwento ko. Haha. Pang apat na sana 'to kung natapos ko 'yong iba hahaha. Nagkatamaran e.*
[September 2012]
Full story: http://www.wattpad.com/story/2159723-cynthia