Hindi ko kita
kilala at, marahil, hindi kita makikilala kailanman. Pero, totoo ka -- tunay
pati ang taglay mong kahibangan.
Elementarya pa
lamang nang makilala mo ang lalaking iniikutan ng mundo mo hanggang ngayon.
Nakakatawang isipin na sa murang edad ay nagsimula ka ng umasa. Umasa. Umasa.
At, umasa. 'Soulmates' kayo, 'destined', 'fated', 'meant to be' -- bagay na pinaniniwalaan mo
pa rin hanggang ngayong tatlumpu't limang taong gulang ka na. Kung totoo nga na
nakalaan kayo sa isa't isa, bakit parang ang bagal naman ng tadhana? Bakit iba
ang ipinapakita ng katotoohanang mas malinaw na tunay kaysa sa mga 'signs' na
pinanghahawakan mo kaya kumakapit ka pa rin sa kanya?
Sa kasalukuyan,
tatlumpu't limang taong gulang ka na. Tagumpay, maganda na ang buhay -- maayos
na ang lahat. Pero kung pag ibig ang pag-uusapan, naku, change topic nalang!
'Di ba?
Kung bakit sa
dinami-rami naman ng lalaki sa mundo ay si Kuya pa ang napili mo? Oo, mahal mo
siya pero mahal ka rin ba niya? Hindi na uso ang martir ngayon. Ang buhay ay
isang malaking digmaan -- daig pa nito ang mga World Wars. Lahat ng mga tao ay
mga sundalo na nakikipaglaban para sa kaligayahan. Well, okay lang naman na
maging martir kung para sa kabutihan. Okay lang din na magmahal ng walang
hinihintay na kapalit kung masaya ka naman. Pero, kung para lamang sa isang
sakim na katulad ni Kuya at kung miserable naman ang buhay mo e para saan pa?
Gano'n ba talaga kahirap sa kanya na humanap ng iba? One of a kind ba talaga
ang lalaking iniibig mo ng sobra pa sa sobra?
Kung sa bagay, iba
nga talaga si Kuya. Biruin mo, na-in love ka ng ganiyan. Kung saan-saan ka na nakarating,
kung anu-ano na ang nagyari ay nananatili ka pa rin sa piling niya.
Naging MU na kayong
dalawa. Ang sarap pakinggan, MUTUAL UNDERSTANDING. Kaso, hindi naman ganiyan.
MU kayo -- Magulo ang Ugnayan, Mahirap Unawain, Malabo ang Usapan. Naku naman!
Naging 'rebound' ka
na rin, 'reserba', 'kabit', pati manliligaw. Pero, hanggang ngayon ay hindi ka
pa naliligaw. Paano nga naman e hindi ka naman umaalis sa tabi niya?
Sabi ng DJ na kausap
mo ngayon sa ere, tanga ka raw. Sa totoo lang, tanga ka naman talaga. Nakakairita
rin na aware ka sa mga ginagawa niya pero nagtitiis ka pa rin sa kinalalagyan mo.
Hindi nakakatuwa na ginagamit ka lang niya, pinaghihintay para kapag wala
siyang nahanap na makakasama hanggang sa pagtanda ay hindi siya mag-iisa.
Kampana talaga ang drama mo. You know, TANGALANG-TANGALANG-TANGALANG! Ngunit,
kung hihimayin ang mga elemento ng sitwasyong ito, mas tanga pa rin si Kuya
kaysa sa'yo. Oo, mas tanga siya. Kaya, Ate, bumagon ka na bago pa mahuli ang
lahat.
Tumayo ka na --
tumayo at tumakbo palayo sa anino niya. Iyong walang lingunan ha? Baka naman
kasi kapag sinulyapan mo pa siya ay bumalik ka pa. 'Wag kang matakot na baka
dumating 'yong time na magsisi ka -- magtanong sa sarili mo na paano kung naghintay
ka. Napakatagal mo ng naghintay. Kaya sige na, layuan mo na siya. Giving up is
a way of fighting sometimes. The battle does not end the moment you cede --
simula lamang iyon ng ikalawang yugto ng laban, isang laban na hindi mo na
dapat sukuan pa.
May iba pang laban
na mas karapat-dapat sa abilidad na taglay mo. Ate, 'wag kang mangamba na baka
wala ka ng mahanap na iba. Kung one in a million si Kuya, ano ka pa? Ilan pa ba
sa daigdig ang kayang maghintay ng halos buong buhay? Mula elemetary hanggang
ngayong maiiwan ka na ng biyahe ay naghihintay ka pa rin.
Stop thinking
about fighting na. Even fighters have the right to surrender too -- lalo na
kung 'yong laban ay aksaya lamang sa oras mo.
You deserve to be
happy. Sana ay kakilala nalang kita para kaya kong yakapin ka at bulungan na
hindi para sa'yo ang espasyo na tinatayuan mo ngayon. Hindi pa huli ang lahat.
Alam kong alam mo ang nararapat na gawin pero ayaw mo lang. Hindi mo naman
talaga kailangang tumawag sa isang istasyon ng radyo para lamang makakuha ng
payo. Alam ko na kaya mo itong harapin ng mag-isa. Pinahina ka lang talaga niya
pero kaya mo pang bawiin ang lakas mo. Pero kung hindi mo pa talaga kayang
magdesisyon, sundin mo nalang ang sinabi sa'yo ng DJ na tinawagan mo.
Bumitaw ka na,
Ate. Bumitaw ka na.
[December 2012]