Sa simula pa lang,
Ay natagpuang ganap,
Ang katotohanang naiiba,
Ikaw at ako'y 'di sila;
Sa panig ng langit, walang masama,
Ngunit tayong dalawa'y lito,
'Di alam kung pupusta sa laro.
Malaya ako, malaya ka,
Ngunit tayo'y malaya nga ba?
Kapwa takot, hahakbang ba ako?
Umaatras ka, nanlalamig at hapo;
Ako man ay napapagod na,
Bakit ikaw ang nakatagpo?
Ngunit umagos ang tubig sa ilog,
Walang dapat ikatakot,
'Di na ako lilingon pa,
Mangangarap at titingala,
Narito ang mga sumasayaw na tala,
Katabi ang buwang hugis letra.
Pumanaw ang gabi —
Literal at hindi;
Sumilay ang mga ngiti,
Nang maglapat ang ating mga labi,
Kanina, sa isang aksidente,
Na 'tinakda palang mangyari.
Tumingkad ang mga ilaw sa ilog,
Nagpaalam sa kahapong 'tila 'di susulong,
Inilatag mo ang pilak na sapin,
Sa damuhang kinumutan ng hangin,
Gabi na at madilim,
Salamat sa mga bituin.
May walang hanggan sa pasyalan,
May pag-ibig sa dyip na sinasakyan,
Naghihintay ang tren sa iyong paghalik,
Sa pisngi at labi ng 'yong langit;
Yakapin mo lang ako ng paalam,
Panaho'y darating para sa walang bitawan.
Ngunit isinasaboy ang mga talulot,
Ang mga puting bestida'y sumasayaw,
Alam kong ika'y nababagot,
Kung puwede lang akong sumabay;
Pero hindi pa tapos ang pagbibilang,
Nasa apat pa lamang.
Ngayo'y muling nangangamba,
Paano kung nagkamali pala?
Ayaw kong muling magdusa,
Ngunit isipa'y 'di mag-iiba;
Ang pagmamahal ay naghihintay,
Iibigin ka kahit ika'y magtagal.
Hawak ko na ang mga rosas,
'Wag ka sanang umabante o umatras,
Hindi man ito panahon ng palasyo't mansanas,
Lungkot ay 'di mo na madadanas;
Hawakan natin ang isa't isa,
Sa sugal 'wag magsisi... mahal kita.
12/11/2014 12:13 a.m
Mga 75% ng nilalaman ng blog na ito ay mga kuwentong kumalabit sa akin sa loob ng jeep; habang 25% ay mula sa mga tagpong kumakaway sa akin nang biglaan -- maging sa mga panahong wala akong oras magsulat. (Iba't ibang klase ang laman ng blog na ito – walang patikular na lengwahe o istilo ang maaring magamit para ilarawan ito. Wala, maliban sa "kalayaan.")
Huwebes, Disyembre 11, 2014
Patawad Ay 'Di Sapat
Ayaw ko na marinig,
Ang pagsabi ng: "'Di na Uulit,"
'Wag ka na lumapit,
Ako'y 'di rin mapipilit.
Gasgas na ang paumanhin,
Pa'no kita patatawarin?
Iisipin ng iba'y lagi mong pangamba,
Ako'y pagod na talaga.
Siya, sila, sa'yo'y mahalaga,
Ako'y 'di magtitiyaga,
May iibig pa't ako'y 'di mag-iisa,
Alam kong may matatagpuan iba.
Mahal kita ngunit kayang ko, sinta,
Bibitiwan kita, pati ang gunita;
Rosas ay nalalanta sa 'di pagkalinga,
Pag-ibig ko'y mawawala kung 'di ka pa tatalima.
[November 2014]
Ang pagsabi ng: "'Di na Uulit,"
'Wag ka na lumapit,
Ako'y 'di rin mapipilit.
Gasgas na ang paumanhin,
Pa'no kita patatawarin?
Iisipin ng iba'y lagi mong pangamba,
Ako'y pagod na talaga.
Siya, sila, sa'yo'y mahalaga,
Ako'y 'di magtitiyaga,
May iibig pa't ako'y 'di mag-iisa,
Alam kong may matatagpuan iba.
Mahal kita ngunit kayang ko, sinta,
Bibitiwan kita, pati ang gunita;
Rosas ay nalalanta sa 'di pagkalinga,
Pag-ibig ko'y mawawala kung 'di ka pa tatalima.
[November 2014]
Teddy
Iniwan ka niya--malungkot, mag-isa;
Paalam na ba sa mga alaala?
Giniginaw, bagamat tuyo'y nababasa;
Sa ulang 'di nakikita, na waring 'di na titila.
Naghintay ka nang naghintay;
Sa loob ng kahong ika'y pinapatay;
'Di ka makahinga, sakal na sakal;
Sa yakap ng mga bestidang halos ikalakal.
Mahapdi ang pagdalaw ng mga gunita;
Kung alam mo sanang maiiwan ka;
Kung alam mo sanang ipagpapalit ka;
Ngunit panaho'y malupit, 'di man lang nagbanta.
Sa piling ng mga lumang prinsesa;
At ng tahanang noo'y laging sa mesa;
Pinipilit mong hanapin ang pag-asa;
Kahit walang napapala kung 'di sugat at pasa.
Pero 'wag kang mag-alala, kaibigan;
Oras ay mamamaalam, tatapos ang kalakasan;
At kung saan lumigaya sa kabataan;
Doon siya ngingiti bago harapin ang Kanluran.
[November 2, 2014, 12:49 a.m.]
Paalam na ba sa mga alaala?
Giniginaw, bagamat tuyo'y nababasa;
Sa ulang 'di nakikita, na waring 'di na titila.
Naghintay ka nang naghintay;
Sa loob ng kahong ika'y pinapatay;
'Di ka makahinga, sakal na sakal;
Sa yakap ng mga bestidang halos ikalakal.
Mahapdi ang pagdalaw ng mga gunita;
Kung alam mo sanang maiiwan ka;
Kung alam mo sanang ipagpapalit ka;
Ngunit panaho'y malupit, 'di man lang nagbanta.
Sa piling ng mga lumang prinsesa;
At ng tahanang noo'y laging sa mesa;
Pinipilit mong hanapin ang pag-asa;
Kahit walang napapala kung 'di sugat at pasa.
Pero 'wag kang mag-alala, kaibigan;
Oras ay mamamaalam, tatapos ang kalakasan;
At kung saan lumigaya sa kabataan;
Doon siya ngingiti bago harapin ang Kanluran.
[November 2, 2014, 12:49 a.m.]
![]() |
Photo from weheartit.com |
Lubid at Trumpo
Paikut-ikot, patakbo-takbo,
'Di makuha sa isa, dalawa, tatlo;
Ayaw magpatalo, seryosong-seryoso;
Sa lahat ng trumpo, ikaw ang 'di humihinto.
Paikut-ikot, walang balak huminto;
Sumasayaw sa semento;
Giling dito, giling doon;
Sinasamantala ang iyong panahon.
Mahal ka ng bata;
Mahal mo rin siya;
Ako'y tagapagpaubaya;
Lagi kang pinapalaya.
Alam kong masaya ka;
Masisisi mo bang hinayaan kita?
Umiikot ang daigdig, sinasabayan mo;
At ako ang siyang instrumento.
Ngunit, dumating ang tag-ulan;
Bata'y hindi nakalabas;
Nagpalitan ang tagsibol at taglagas;
Oras ay 'di na sa 'yo nakalaan.
Kasalukuya'y naging nakaraan,
Paalam sa mga laruan,
Ika'y binalik sa pinagmulan,
Sa bisig kong madalas mong iwanan.
[October 22, 2014, 12:55 a.m.]
'Di makuha sa isa, dalawa, tatlo;
Ayaw magpatalo, seryosong-seryoso;
Sa lahat ng trumpo, ikaw ang 'di humihinto.
Paikut-ikot, walang balak huminto;
Sumasayaw sa semento;
Giling dito, giling doon;
Sinasamantala ang iyong panahon.
Mahal ka ng bata;
Mahal mo rin siya;
Ako'y tagapagpaubaya;
Lagi kang pinapalaya.
Alam kong masaya ka;
Masisisi mo bang hinayaan kita?
Umiikot ang daigdig, sinasabayan mo;
At ako ang siyang instrumento.
Ngunit, dumating ang tag-ulan;
Bata'y hindi nakalabas;
Nagpalitan ang tagsibol at taglagas;
Oras ay 'di na sa 'yo nakalaan.
Kasalukuya'y naging nakaraan,
Paalam sa mga laruan,
Ika'y binalik sa pinagmulan,
Sa bisig kong madalas mong iwanan.
[October 22, 2014, 12:55 a.m.]
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)