Huwebes, Nobyembre 1, 2012

Dati

Aanhin pa natin ang mga bagay kung ang mga nagbigay nito ay wala na? Bakit pa natin itatago ang mga pangakong sinira na ng mga taong nangakong tutuparin ito? Para saan pa ang mga alaala kung hindi ka na nila napapangiti? O kung kapag nasusulyapan mo naman sila ay parang wala ka ng pakialam. Hindi ako bitter. Masaya ako. Masaya ako sa mga mga taong kasama kong bumubuo ng mga gunitang magpapangiti sa akin pagdating ng panahon. Hindi perpekto ang kasalukuyan. Pero, may perperkto bang bagay at panahon? Hindi ko masasabing hindi ako nalulungkot paminsan-minsan sa bago kong mundo pero sigurado ako na hindi pa ako naging ganito kasaya noon.

Isang sako. Totoo. Isang sako ang itinapon ko -- isang sako na ang laman ay notebooks, diaries at kung anu-ano pang hindi na dapat itago. Isang sako. Kahit ako nagulat din. Dapat pala kinuhaan ko ng picture.


Anniversary na hindi naman inabot.
Hanggang 2011 lang. Dati, nakakabitter
na ang nagsulat nito pa ang umalis.
Ngayon, wala ng impact.
Siguro dahil matagal na 'to.
Tama. Dahil matagal na ito.
EVERYTHING CHANGES.
Pati ang nararamdaman narin na
lungkot, naglalaho rin.

 



Lyrics ng theme song. Nakakakilig noon. Nasaan na ang kilig ngayon?


Hindi ko alam kung bakit naglaan ako ng espasyo para sa mga bagay na hindi karapat-dapat. Amg taguan ko ng gamit, parang puso -- napupuno. Kailangan natin magtapon para magkaroon ng puwang ang mga bago at mas magagandang bagay. Kaysa imbakan natin ang puso natin ng mga malulungkot na alaala, kumalimot nalang tayo. Alaala na lang naman 'di ba? Ibig sabihin, tapos na. Tapos na nga e, ibig sabihin ay nalagpasan mo na. 

Ilang ang mga ito sa mga bagay na hindi naman dapat itinabi pero itinago ko noon...

Balat ng lollipop.
Three days na kaming wala.
Wala pa kaing one month nito.
Ito ang ginagawa ko noong pumunta siya sa bahay.
Ibon daw 'to sabi niya habang ginagawa niya ang mga ito.

Ginawa ng classmate ko. 12 daw.
Sulat niya. First time ko malaman ang kantang ito.
ACSAT Rocks.
Draft. Gumawa ako ng story para sa third monthsary.
Messages ng taong bestfriend ko na ngayon.
Mga advice noong iniwan ako ng lahat.
Galing sa first college friend ko.
Nakakalungkot pero may magagawa pa ba ako?

Para sa first report ko sa college, lettering niya 'to.



Pati ang diary ko, tinapon ko na rin noong araw na iyon. Diary ko noong mayroon pang kami. 





Hindi dapat mabuhay sa nakaraan -- sa mga panaginip at walang saysay na pangarap. Ang kasalukuyan ay isang biyaya na dapat pahalagahan. At, mas magiging biyaya ito kung lalakad tayo pasulong sa hinaharap at tatanggalin ang ating mga  matang nakatingin sa daang kailanman ay hindi na natin matatahak pang muli.

[November 2012]


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento