Sabado, Enero 18, 2014

Naiwan ako ng tren no'ng Huwebes

Masakit makitang sumasara ang pintuan ng tren sa harap mo, 'yong ginawa mo na halos lahat ng paraan ng pagtakbo pero hindi ka pa rin umabot. Tapos maiinggit ka sa napakaraming tao na nasa loob -- na nakatingin pa ang iba sa 'yo at parang nanghihinayang -- dahil kaunti na lang ay nakaabot ka na.

Pero mayroon pang mga iba, at isa sa mga ito ang masasakyan mo kung pipiliin mong maghintay (o, kahit pa napipilitan ka lang maghintay, basta hindi ka umalis ng istasyon).

May humintong tren, maluwag, nakasakay ako at nakaupo sa isang bakanteng upuan (na hindi ko alam kung bakit hindi inupuan ng ibang nakatayo). Mabuti pala at hindi ako nakasakay sa naunang tren. Nakikipagsiksikan sana ako ngayon kung nagkataon, at hindi komportableng nakaupo.

Hindi pala lahat ng "muntik mangyari" ay kamalasan. :)


(Aaaaaww, ang ikalawang tren. ♥)

[January 2014]

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento