Sabado, Disyembre 1, 2012

Mas Kailangan Mo Na Ang Panyo, Steven

"I am all alone without you. The days are dark without the glimpse of you."

Nawala ako sa konsentrasyon nang marinig ko sa radyo ang awiting Your Love. Walang anu-ano'y nakalimutan ko ang aking dapat isulat. May biglang pumasok sa isipan ko si Steven, isang dating kaibigan na nakasakay ko sa tren kahapon.

"Hinanap ko siya ngunit ibang tao ang aking nakita. Binalikan ko siya. Binalikan ko siya ngunit wala na siya. Wala na akong dinatnan pa." Habang nagsasalita siya ay napuna ko ang malungkot na pagkislap ng kanyang mga mata -- puno iyon ng pait at panghihinayang. Napansin ko rin na malaki ang ipinagbago niya. Wala na ang dating sigla niya. Wala na ang mga ngiting noon ay naipapamalas pa rin niya sa gitna ng kalungkutan.

Matagal na buhat noong iwanan niya si Jane. Ang sabi pa niya ay masyado pa silang bata para seryosohin ang mga bagay-bagay katulad ng pag-ibig. Hindi raw niya nais na magkaroon ng sagabal sa buhay niya pagdating niya sa kolehiyo. Sagabal -- ang salitang ito ay punyal na humiwa sa puso ni Jane at ang dugo na nagmumula sa sugat na iyon ay lumabas sa kanyang katawan sa pamamagitan ng walang hanggang luha sa kanyang mga mata. Dumaan ang mga araw, lumipas ang mga linggo, ang mga dumarating na buwan ay tumakbo ng mabilis patungo sa taon habang ang daigdig ng kaibigan kong si Jane ay nanatiling nakahinto. Sa mga panahon ng pagdurusa ay hindi ako tumigil na makinig, magpatahan at magpangiti sa kanya kahit na alam kong hindi niya kayang maging ganap na masaya. Ang unang sugat daw na likha ng pag-ibig ay matagal kung mawala. Marahil ay totoo iyon sapagkat ilang taon na ang lumipas ngunit si Jane ay nakatunghay pa rin sa pintuan ng kanilang bahay na sa araw ay nakabukas at sa gabi naman ay nakasara -- umaasang darating ang araw na bigla na lamang lilitaw si Steven sa kanyang harapan o sasapit ang isang gabi sa buhay niya kung kailan bigla nalang itong kakatok at sasabihing may pag-ibig pa ito sa kanya. Naghintay siya ng naghintay hanggang sa isang araw ay sinubukan niyang tumayo sa silyang sa wakas ay makapagpapahinga na.

Lumabas siya sa tahanang noon ay hindi niya magawang iwanan  ng walang ideya na babalik siya sa tahanang iyon dala ang lahat ng sigla ng mundo na tinangay palayo ng una niyang kasintahan. Muli niyang nakita ang silahis ng araw. Ang mga luha ay unti-unti ng pumanaw. Naubos na ang bawat piraso ng mapait na nakaraan. Maging ang walang hanggan pala ay mayroon din katapusan. Nakakatuwang isipin na kung kailan nakalimutan na niyang kaya niya palang magmahal ay may dumating para ipaalala sa kanya kung paano iyon.

Maayos na ang lahat sa buhay ni Jane. Sa totoo lang ay hindi na niya kailangan ang panyo ko ngayon. Hindi naman dahil sa may sarili na siyang panyo -- sadyang wala lang talaga siyang paggagamitan, maliban nalang kung hindi makayanan ng kanyang mga kamay na pahirin ang luha ng kaligayahan sa kanyang mga mata.

Napailing na lamang ako. Sa aking isipan ay natatanaw ko ang alaalang binuo ng aking mga kaibigan ng magkasama, walong taon pabalik -- mga gunitang winasak ng isang maikli ngunit winasak ng isang maikli ngunit makapangyarihang salita, "paalam".

Sa ngayon ay pilit kong iniisip kung bakit si Steven ang nagdurusa. Siya ang nang-iwan at ang paghihiwalay nila ay kagustuhan niyang lahat. Hindi niya tinanong si Jane kung nais ba nito ng separasyon at nagdesisyon siya ng mag-isa. Lahat ng ito ay hinangad niya -- ang kalayaan, ang distansya at ang buhay na malayo sa dati niyang prinsesa. Ngunit, bakit sa huli ay siya pa ang nasasaktan at nangungulila? Masakit ba talaga na makita ang taong minsang nagmahal sa iyo na may iniibig ng iba? Mahirap ba talagang tanggapin na may iba ng mundo ang noon ay kalawakan ang turing sa iyo? Hindi nga ba madaling harapin ang katotohanan na ang minsan mong itinapon mo sa pag-aakalang sira na ito ay napulot ng iba at nakita na hindi naman talaga ito ang may problema kung hindi ang mismong nagtapon dito? Pag-ibig nga ba ang nararamdaman niya o purong panghihinayang lang? Wala lamang ba siyang nahanap na iba kaya ngayon ay bumabalik siya o sadyang kinailangan munang mawalan siya bago siya makuntento, bago niya mapagtanto na ang lahat pala ng nais niya ay nasa kanya na bago pa man siya naghangad ng inaakala niyang kailangan niya?

Natapos na pala ang awiting tumutugtog kanina na noon ay alay ni Jane sa kanyang unang pag-ibig. Iba na ang tumutugtog ngayon -- isang mas maganda at mas may kabuluhang kanta.

Muli kong tiningnan ang papel na dapat sana ay mapupuno na ng sulat ngayon kung hindi ipinalimot ng sandali sa akin ang lahat. Napabuntong-hininga na lamang ako at ibinulong sa sarili ko ang aking napagtanto. Kung gaano ka nahirapan noon na kalimutan ang pagmamahal mo sa kanya ay ganoon din kahirap alalahanin ang pag-ibig na iyon. Mali, mas masahol pa pala. Sa nakikita ko, imposible ng maalala pa siya ng puso nitong siya lamang ang kilala kahapon.

Hindi ko na inisip pa kung ano ang dapat na isusulat ko. May mas maganda na akong dapat ilarawan gamit ang salitta. Gagawa ako ngayon ng isang katha tungkol kay Steven.

May tatlong uri lamang ng bagay sa daigdig na ito -- ang mga bagay sa para sa iyo, ang mga bagay na hindi para sa iyo at ang mga bagay na para. sana sa iyo. Ang pagtangis ko ay alay ko sa iyo, Steven. Ako na lamang ang gagamit ng panyong ito sapagkat kailanman ay hindi na muling papatak ang luha ni Jane para sa iyo.

[November 2013]

Worthless Butterfly

My wings, can you see how lovely they are? They were yours in days of yore. But, you let them fly -- fly away from your sapphire sky.

In the silence of a sad, weakening morning, I find myself inside the four corners of a lonely room, busy doing nothing. The only light I have is the one coming from the sun, no other face of hope is present. The room remains cold and dark despite it. But, I believe, I shall cherish this. The morning light is a blessing that everyone must relish.

With heaven's grace, sitting by the window, I smile as I look at the clouds wandering along the endless heaven. In spite of waking up in the bed of profound swizz and obfuscating thoughts, I will face the world without a trace of pain in my eyes the moment I go out. I should learn to feign and conceal the fact that without him, I cannot live fain.

His eyes are the most precious of all the stars. His voice is the only music I that want to hear. His smile is sweet and glittering. But when i deciphered the reason behind that smile, I got hurt.

The bitterness in me is something that is too hard to bear. I did try to save the mirth but I failed to stop it from leaving. Now, all that I have is the fact that my affection for him is surfeit. Inside his heart, I know, I do not fit.

I still remember the days when a possibility exists, when there is a hope that tomorrow could be ours. My faith was strong and real then. But, today as the last few leaves are slowly falling in front of me, all I can vide is a bleeding gash. Now, what beleaguers my life is the ilk of loneliness that nobody else but me could discern.

Crumbled in pieces, my heart is now in tiny shreds. However, though I resent this forest so much, I will still continue to wander around this place. Instead of searching for a way out of here, I would just enjoy this sojourn. Happiness often lies around the corner of the spot where you mourn.

I am frail, broken and windswept. My wings? Yes, they are lovely and they were yours in days of yore but you let them fly.
Yes, I did fly away from your sky. But, you know what? I fell.

I am nil but a creeping insect now -- and I will continue to creep until God finished fixing my wings. Someday, you will see me flying again.

[November 2012]

A Piece of Heaven


Miscreant, I am a terrible sinner. I am a criminal and I do not deserve freedom. I should be sated in the jail of bitterness. I must be imprisoned by loneliness.

You said that you do not like the idea of sending a letter to anybody but you still made one for me. You told me that I was the first and you should know that it is a great pleasure for every girl to be the first love of a man. I was flattered then. But, more than the lovely feeling of being loved, I felt a streak of disappointment in my heart. Your words wounded me and left a scar -- reminding me from time to that letting you know how much I love you was too late. I was already responsible of expressing such to someone else.

I decided to say goodbye. I left you in the middle of the a crowded street to sigh. I took the path en route to his life. I walked away without looking back. I wish I could tell you that all want is to be with the only man who made me fall in love as deep as that. I must embrace the roughness of my shattered dreams. Things were not the same as before. In your sky, I shall avoid to soar.

I watched you struggling amid the downpour of incessant tears. Believe me, the memory of your painful chagrin knows how to haunt me perfectly. There are times, somewhere in the night, when I hear you singing the hymn of your broken heart. Your voice, as seraphic as it was then, still sounds like that of an angel. However, pain has a way of blending with it and the emotions in your song became emotional now. Somehow, your ghost is something that I could never eschew. I am burdened by the fact that I ruined not just your reality but even your reveries.

Honestly, I resent every moment when I have to heed to your whine as it echoes within the empty space of my room -- bouncing from a wall to another.  It feels so bad to realize that I let your winsome face turned ashen right before my eyes. Just in case you are not aware, this kind of guilt is slowly killing the garden of mirth in me. You may not know it but I am dying to hear stories from your friends about your present life. Knowing that you are happy now will make me feel completely fine. Terrible nightmares are roads en route to one's real fairytale. It would be an honor to be one of those roads.

I am sorry. If I let you waiting for nothing, please forgive me. I am sorry. If I was too stupid to read your sign then, please understand. I am sorry. I have no senses afore. I failed to distinguish right from wrong.

On the other hand, though I am aware of my faults, I want to tell you that you also made mistakes then. I was the one who felt the pain first. You ignored me when I need your attention. You made me feel alone when I am longing for a companion. My heart got broken before yours. Now, tell me, am I the only one to be blamed?

Do not think that the tears you have cried were planned. I never dream to give you a profound kind of sadness. I abandoned you and your sacrifices in the past because it was already too late. I would be a fool to hurt the one who saved my heart from being crumbled. I know you believe that a right love at the wrong time is still wrong but you should have known that a wrong love at the right time was never right. You and me did not succeed because we kept waiting for the perfect time without realizing that a perfect weather does not exist.


From a distance, I saw you curse your destiny. But, Darling, there's no such thing as meant to be. This world has given you a lot of chances but you allowed them to slip through your fingers. Your shred of paradise was in front of you ere but you gazed at the different part of the sky.

I am done blaming myself. I am now out of the jail. This time, it is not because of a bail.

[November 2012]

Huwebes, Nobyembre 1, 2012

Sumagi lang bigla sa isip ko... #InstantQuote :P




Babalik ako sa nakaraan para muling masaktan--susugatan ang sinugatan niya ng mas malalim pa. Kung pagdating mo ang kapalit ng bawat hikbi at pagtangis, lahat ng iniluha noon ay magiging walang kasing tamis. [November 2012]

Tulay


Isa, dalawa, tatlo.
Hindi nila alam ngunit lahat ay nagsimula na rito.

A, Ba, Ka, Da.
Magtatagpo rin silang dalawa.

One plus one equals two.
Ako na ang magkukwento.

Red, yellow, blue.
Maiintindihan din ninyo ako.


Ako ang langit, isang permanenteng tanawin na mapagmamasdan mo kapag tumingala ka. Ngunit, maliit na parte ko lamang ang iyong makikita. Hindi katulad ko na kapag lumingon pababa ay kayang makita ang buong daigdig.

Mula sa aking kinalalagyan ay kaya kong makita ang lahat. Kaya ko rin makiramdamdam. Alam ko kung bakit may nagdiriwang. Alam ko rin ang dahilan kung bakit mayroong nasasaktan. Alam ko ang kwento mo at alam ko ang kwento niya -- alam ko ang kwento ng bawat isa, pati ang kwento nilang dalawa.

Sinong dalawa?

Isa, dalawa, tatlo. Nagsimula na ang kasaysayan habang natututo pa lamang silang bumilang. Sino nga ba ang mag aakala na noon pa lamang ay nagkakasalubong na sila? Wala. Pero, ang maliit na silid-aralan, kung saan sila ay inihahanda para sa elementarya, pala ay pareho nilang inuukupa sa magkaibang oras -- ang isa ay sa umaga, ang isa ay sa hapon.

A, Ba, Ka, Da. Natuto na silang bumasa. Natuto na rin silang sumulat ngunit hindi pa rin nila napansin na, katulad noon ay iisang silid na naman ang gamit nila kahit iba na ang paaralang ito -- baligtad nga lang dahil ang isa naman ang pang-umaga at ang isa naman ang panghapon.

One plus one equals two. Sa Matematika ay kapwa nahilig sila. Nagkasabay na sa pagpunta sa mga patimpalak sa asignaturang ito sa ibang mga paaralan sa Maynila. Kapwa rin sila nagwawagi kung minsan subalit hindi pa rin nila napapansin ang eksistensya ng isa't isa.

Red, yellow, blue. Sa apat na sulok ng isang kuwartong puno ng palamuti at mga obra ay muli na naman silang nagkasama pero bulag pa rin sila. Ang isa ay natandaan na ang pangalan ng isa ngunit hindi na nagkaroon ng pagkakataon para may malaman pa siyang iba tungkol dito. Mas hilig niya ang sumulat kaysa gumuhit at magpinta. Pinili niyang maging bahagi ng pahayagan sa kanilang paaralan.

Teka, sino nga ba talaga sila?

Tawagin nalang natin silang U at V -- si U ang babae at si V ang lalaki. Dumating na sila sa pinakamakulay na yugto sa buhay ng isang mag aaral -- ang buhay-hayskul. Sa kabila nito, hindi pa rin sila nagkalapit hanggang sa binuksan ng hilig nila sa pagsusulat ang pintuan ng pagkakaibigan para sa kanila.

Hindi nagtagal ay naging mas malapit pa sila. Si V ang naging panyo ni U sa mga panahong nalulungkot siya noon at kasabay ng pagpahid nito ng mga luha niya ay unti-unting naging malinaw ang mga mata niya sa katotohanang naghihintay lamang ang bahaghari na mapansin niya.

Sa bawat pagtugtog ni V ng gitara, sa mga ididikit nitong mensahe sa bulletin board at sa bawat pagkakataong pinangingiti siya nito ay napalapit ang puso ni U sa kanya. Isang gabi, sa gitna ng pagtugtog ng isang napakagandang awitin at sa ilalim ng mga nagsasayang tala, ay ibinigay na ni U kay V ang pinakamatamis sa lahat ng mga katagang sinambit niya sa buong buhay niya -- oo. Si V na marahil ang prinsipeng pinapangarap niya -- ang kwento na marahil nila ang magiging tunay na "at naging maligaya sila habambuhay".

Naging masaya sila sa kabila ng mga problema at pagtutol ng mga taong iba ang nais para kay U. Tila wala ng hangganan ang saya na nadarama nila hanggang sa dumating ang araw na bigla na lamang nagpaalam si V -- may iba pa raw na darating, isang tao na magmamahal kay U sa paraang hindi niya nagawa kailanman. Naghiwalay ang landas nila.

Pinanood ko ang bawat hakbang ni U palayo sa pangarap na kailanman ay hindi na niya maaabot pa -- ang makasama si V hanggang sa pagtanda. Sinabi niya sa sarili niya na kahit ano pang mangyari ay hindi na siya magmamahal ulit ng iba -- hihintayin lamang niyang bumalik si V at kung hindi ay mabubuhay na lamang siya kasama ang mga alaala nito.

Subalit, nagbabago ang tao -- nagigising, natututo. Muling sinariwa ni U ang mga sandaling kasama niya si V at kung gaano sila kasaya noon. Isinapuso niya ang mga huling kataga nito: "May magmamahal pa sa'yo higit sa pagmamahal na kaya kong ibigay." Kung naging masaya siya rito noon, paano pa kapag dumating na iyong taong iibigin siya higit sa pagmamahal nito sa kanya? Ito ang naging unang hakbang niya sa pag usad.

Lumipas ang panahon at muli niyang nakita ang liwanag -- hindi dahil sa ito ang nais niyang mahanap kung hindi dahil sa ito ang kusang naganap.

Sino nga ba sila?

Si V ay si V. Hanggang sa huli ay hindi siya binago ng pag ibig. Nagmahal siya ngunit hindi siya binulag nito. Nanatili siyang malaya. Nanatiling malawak ang mundong ginagalawan niya kaya hindi siya nahirapang lumipad patungo sa himpapawid na malayo kay U.

Si U ay naging W, X, Y, o baka Z. Umibig siya, umibig hanggang sa maging ibang tao na. Nawala ang pagkakakilanlan niya dahil si V ang naging buhay niya -- naglaho sa kanya ang U na siyang itinangi ni V.

Si V ang mukha ng mga umiibig na hindi kayang tumanggap ng pagbabago kaya kasabay ng pag iba ng ihip ng hangin ay nagbago rin ang kanyang damdamin.

Si U ang mukha ng mga labis kung umibig -- at ang lahat ng labis ay masama. Sa pag ibig, habang nagbibigay ka ng labis ay lalo itong nagiging kulang.

Sila sina U at V, ang salamin ng katotohanan na may mga taong pinagtatagpo ng pagkakataon ngunit hindi maaaring lumakad ng sabay sa iisang direksyon. Pinagsalubong lamang sila para turuan ang isa't isa -- para maging handa sa kanya-kanyang tadhanang pipiliin nila.

[October 2012]

Dati

Aanhin pa natin ang mga bagay kung ang mga nagbigay nito ay wala na? Bakit pa natin itatago ang mga pangakong sinira na ng mga taong nangakong tutuparin ito? Para saan pa ang mga alaala kung hindi ka na nila napapangiti? O kung kapag nasusulyapan mo naman sila ay parang wala ka ng pakialam. Hindi ako bitter. Masaya ako. Masaya ako sa mga mga taong kasama kong bumubuo ng mga gunitang magpapangiti sa akin pagdating ng panahon. Hindi perpekto ang kasalukuyan. Pero, may perperkto bang bagay at panahon? Hindi ko masasabing hindi ako nalulungkot paminsan-minsan sa bago kong mundo pero sigurado ako na hindi pa ako naging ganito kasaya noon.

Isang sako. Totoo. Isang sako ang itinapon ko -- isang sako na ang laman ay notebooks, diaries at kung anu-ano pang hindi na dapat itago. Isang sako. Kahit ako nagulat din. Dapat pala kinuhaan ko ng picture.


Anniversary na hindi naman inabot.
Hanggang 2011 lang. Dati, nakakabitter
na ang nagsulat nito pa ang umalis.
Ngayon, wala ng impact.
Siguro dahil matagal na 'to.
Tama. Dahil matagal na ito.
EVERYTHING CHANGES.
Pati ang nararamdaman narin na
lungkot, naglalaho rin.

 



Lyrics ng theme song. Nakakakilig noon. Nasaan na ang kilig ngayon?


Hindi ko alam kung bakit naglaan ako ng espasyo para sa mga bagay na hindi karapat-dapat. Amg taguan ko ng gamit, parang puso -- napupuno. Kailangan natin magtapon para magkaroon ng puwang ang mga bago at mas magagandang bagay. Kaysa imbakan natin ang puso natin ng mga malulungkot na alaala, kumalimot nalang tayo. Alaala na lang naman 'di ba? Ibig sabihin, tapos na. Tapos na nga e, ibig sabihin ay nalagpasan mo na. 

Ilang ang mga ito sa mga bagay na hindi naman dapat itinabi pero itinago ko noon...

Balat ng lollipop.
Three days na kaming wala.
Wala pa kaing one month nito.
Ito ang ginagawa ko noong pumunta siya sa bahay.
Ibon daw 'to sabi niya habang ginagawa niya ang mga ito.

Ginawa ng classmate ko. 12 daw.
Sulat niya. First time ko malaman ang kantang ito.
ACSAT Rocks.
Draft. Gumawa ako ng story para sa third monthsary.
Messages ng taong bestfriend ko na ngayon.
Mga advice noong iniwan ako ng lahat.
Galing sa first college friend ko.
Nakakalungkot pero may magagawa pa ba ako?

Para sa first report ko sa college, lettering niya 'to.



Pati ang diary ko, tinapon ko na rin noong araw na iyon. Diary ko noong mayroon pang kami. 





Hindi dapat mabuhay sa nakaraan -- sa mga panaginip at walang saysay na pangarap. Ang kasalukuyan ay isang biyaya na dapat pahalagahan. At, mas magiging biyaya ito kung lalakad tayo pasulong sa hinaharap at tatanggalin ang ating mga  matang nakatingin sa daang kailanman ay hindi na natin matatahak pang muli.

[November 2012]


Linggo, Oktubre 14, 2012

Sa Aking Nakaraan

Matamis, makulay at masaya -- ito ang aking nakaraan. Hindi matatawaran at hindi mabibili ng kahit sinong nilalang kaya naman napakahirap kalimutan. Ito ang lumipas na panahon. Ito ka, aking kahapon.

Lumiwanag ng muli ang langit. Natapos na ang bagyo, ang unos na napakalupit. Nawala na ang mga latay na likha ng iyong paghagupit. Tuluyan na akong nakalipad -- lumaya sa pagkapiit. Muli ko ng nakita ang hardin ng mapupulang rosas nang dumilat ako sa pagkakapikit. At kasabay ng pagbukas ng aking ng aking mga mata sa ganda ng daigdig ay humuni ang mga pipit -- humuni at umawit. Umawit ang mga ito ng isang himig na pamilyar man sa aking pandinig ay tila hindi na kaya pang kilalanin ng aking puso at isip.

Sino ka ba? Hindi kita kinalimutan ngunit hindi na kita maalala. Hindi kita binura sa aking isipan subalit ni ang iyong bakas ay nawala na sa puso kong minsang sa iyo ay nangulila. Sino ka nga ba? Bakit ikaw, na noon ay hindi mawala sa panaginip ko at gunita, ay naglaho nalang bigla sa isang kisapmata?

Naaalala ko pa noong sabay pa tayong nangangarap para sa tinatawag nating "habambuhay" -- dito tayo ikakasal, ito 'yong tugtog, sila ang mga abay, ganito 'yong bahay natin, pagtanda natin magkasama pa rin tayo. Natatandaan ko rin ang mga pangako mo sa akin, mga katagang hindi mo na sana sinambit para sa akin. Naiisip ko pa rin kung ano kaya ako ngayon, ano ka kaya ngayon, ano kaya tayo ngayon kung tayo pa rin ang magkasama. Ngunit, ilang beses man akong multuhin ng kahapong naging sa ating dalawa ay wala na silang saysay dahil -- hindi ko rin mawari kung bakit.

Bakit? Bakit? Bakit? Hindi ko alam kung anong nangyari. Isipin man kita, pati na ang mga alaala, ay hindi ko ka maramdaman ang dati. Wala na ang kislap -- ang bukal na pinagmumulan noon ng walang hanggang pagmamahal. Wala na ang lugar sa puso ko na noon ay iyong tinitirahan. Wala na ang lagat. Wala na. Wala.

Nakakapagtaka. Nakakapanibago. Hindi ko mawari kung anong ginawa sa akin ng panahong ibinigay mo sa akin buhat ng ipaubaya mo muli sa akin ang mundo kong minsan mo ng inangkin. Tila isang mahabang panaginip lamang ang lahat -- puno ng emosyon habang nagaganap ngunit sa paggising ko ay naglaho ang lahat, pumailanlang sa mga ulap.

Siguro nga ay napakarami ko ng naiyak. Marahil ay masyado na akong nasaktan at naghirap. Tama lang marahil ito. Tama lang marahil na maging masaya ako.

[October 2012]

Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Kahit Hindi Pa Ako Inaantok

Katapangan. Paano ba masasabing nagtataglay ka ng katapangan? Kapag tumanggap ka ng hamon, nanatiling matatag at nagwagi? Kapag lumaban ka hanggang sa huli kahit sa simula pa lamang ay alam mo ng wala kang sapat na armas para manaig? O, kapag sumuko ka na at nagparaya kahit alam mo na hindi mo kayang mawala sa iyo ang iyong ipinaglalaban?

Day after day, time pass away and I just can't get you off my mind.

Sumulyap ako sa orasang nakasabit sa pader at muling nag isip. Hanggang kailan kaya iikot ang kamay ng orasan ko para sa kanya? Hanggang kailan papatak ang bawat segundo na siya pa rin ang laman ng aking puso?

Muli kong tiningnan ang orasan. Nakaturo pa rin ang maikling kamay nito sa bilang na siyam habang ang mahabang kamay nito ay bahagya ng gumalaw palapit sa bilang na lima. Matagal-tagal din na napako ang aking mga mata sa bagay na iyon at nasaksihan ang paglipas ng panahon na noon ay hindi ko namamalayan habang iniisip siya. May isang linggo na rin na natutulog ako ng mas maaga kaysa dati na alas dos na ay gising pa rin ako -- nag iisip, nagtataka, naguguluhan. Ibig ba sabihin nito ay kumukupas na ang nararamdaman ko para sa kanya?

Mali. Hindi ito nangangahulugan ng unti-unting paglisan ng pag ibig ko para sa kanya. Hindi nasusukat ang pagmamahal sa oras na inilalaan mo para isipin ang isang tao. Hindi isip ang umiibig kung hindi ang puso.

Nobody knows.
I hide it inside.
I keep on searching but I can't find the courage to show to letting you know I never felt so much love before.

Pero, isip ang ginagamit ko ngayon kaya lahat ay sinasarili ko. May nakakaalam, oo. Ngunit hindi ko ipinapahayag ang lahat dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaunawa sa iba ang mga bagay na hindi ko rin maintindihan sa sarili ko. Sinabi ko lamang ang na mahal ko siya dahil doon lamang ako nakakasiguro. Sa kabila ng kasiguraduhang iyon ay hindi ko pa rin ipanaparamdam sa taong iyon ang lahat dahil sa ilang bagay na iniiwasan ko.

"At times of trouble, use your mind. But, when you're in doubt, follow your heart." Ito ang ipinayo sa amin, noong high school, sa isang seminar tungkol sa pagpili ng kurso. Naguguluhan ako pero paano ko susundin ang sinasabi ng puso ko kung suliranin ang maaaring idulot nito.

Kung minsan, gusto ko ng isulat ang lahat at ibigay sa kanya pero hanggang doon lamang iyon. Hindi lahat ng gusto natin ay kaya natin gawin. Una sa lahat, babae ako. Pangalawa, ayokong mawala siya.

And once again I'm thinking about taking the easy way out.

Hindi naman mahirap humanap ng solusyon sa bagay na ito. Sa totoo lang, simula pa lamang ay alam ko na kung ano -- kalimutan siya. Kaya lang, may mga bagay talaga na mahirap gawin kahit nasa harapan mo na ang sagot kung paano. Parang Math, minsan alam mo ang formula pero hindi mo magawa ng tama. Siguro dahil takot ka o dahil nakatanim na sa isip mo na hindi mo kaya. Maaaring alam mo kung paano gawin pero natatakot ka na mali pala ang formula na naiisip mo.

Siguro nga duwag ako. Kaya ayoko ng Math, kaya ayokong iparamdam sa kanya ang lahat.  Siguro nga. Siguro nga.

But if I let you go, I will never know what my life would be holding you close to me.
Will I ever see you smiling back at me?
How will I know if I let you go?

Nasaan na ba ang tapang ko? Hindi ko kayang sabihin pero hindi ko rin kayang kumalimot. Anong gagawin ko? Ganito lang? Aasa sa pwedeng mangyari? Maniniwala na rin na may tadhana at bahala na ito sa akin?

Noon, naniniwala ako na tao ang gumagawa ng kapalaran nila. At kung may tadhana man, nagbabago ito kaya wala tayong karapatan na magreklamo. Pero ngayong ayokong humakbang dahil hindi ko alam kung kanan o kaliwa ang unang hahakbang at kung saan ako pupunta, gusto ko ng umasa sa kapalaran, sa tinatawag nilang 'destiny'. Gusto kong maniwala na kung ano ang inilaan para sa iyo, katulad ng sabi nila, kahit wala kang gawin o umiwas ka man ay mapupunta ito sa iyo. Gusto ko, oo. Hindi ko lang alam kung gagawin ko nga ang gusto kong ito.

Sabi ko noon sa sarili ko, lahat ng laban hindi ko aatrasan kahit na matalo ako. Kaya nga, sinubukan kong habulin ang pag ibig na lumipad palayo sa akin noon. Aaminin ko, hindi naging maganda ang resulta -- wala akong pakpak para lumipad patungo sa kanya. Sa kabila noon ay naging panatag ako dahil sinubukan ko pa rin. Sa pananaw ko, kapag dumating na ang tao sa dapit-hapon ng kanyang buhay ay hindi na mahalaga sa kanya ang mga panalo, katanyagan at kayamanan na nakuha niya kung may pagsisisi siyang nararamdaman. Hindi na ang mga laban kung saan siya ang nagwagi ang maiisip niya kung hindi ang mga laban na maaaring pinagtagumpayan niya kung sinubukan lamang niyang lumaban o ang mga laban na alam niyang ipapanalo niya kung hindi lamang niya kinatakutan ang maliit na posibilidad na matalo siya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magamit ang paniniwalang ito ngayon. Siguro dahil alam ko na wala itong patutunguhan. May iba siyang mahal at malabo niya akong mahalin kaya kaysa masira pa ang pwedeng masira ay aagapan ko na ito.

Ngunit, paano kung maaaring magbago ang ihip ng hangin? Paano kung wala talagang imposible? Paano? Paano? Paano?

Night after night, I hear myself say:
"Why can't this feeling just fade away?"
There's no one like you.
You speak to my heart.
It's just a shame we're worlds apart.

Bakit ba hindi nalang mawala ang nararamdaman ko sa kanya? Para matapos na ang lahat. Para hindi na ako malungkot. Para hindi na ako masaktan.

Iba nga talaga siya. Nakakatawang isipin na hindi ko nakita noong una kung ano ang nakikita ko ngayon. Kahit kailan ay hindi ko naisip na mahahanap ko sa kanya ang lahat. Kaya marahil napakahirap para sa akin na kalimutan siya. Kaya siguro tuwing lalakad ako ng pasulong ay natatagpuan ko lamang ang sarili ko na tumatakbo pabalik.

I'm too shy to ask.
I'm too proud to lose.
But, sooner or later I gotta choose.

Hindi ako pwedeng manatiling ganito. Kailangan kong gumawa ng hakbang. Hindi maaaring umasa nalang ako sa panahon, pagkakataon at tadhana. Hindi maaari. Hindi. Hindi.

Ngunit paano ako gagalaw kung hindi ko pa rin matiyak kung ano ang dapat?

Ilang minuto bago ang ika-sampu ng gabi. Hindi na ako mag iisip. Kung minsan, mas mabuting hindi mo nalang pansinin ang katotohananan dahil may mga panahong katulad nito -- kung kailan bawat piraso ng realidad ay humihiwa sa iyo.

Maaga pa kumpara sa dating oras ng pagtulog ko pero matutulog na ako. Matutulog na ako kahit hindi pa ako inaantok.

Katapangan. Paano ba masasabing nagtataglay ka ng katapangan? Kapag tumanggap ka ng hamon, nanatiling matatag at nagwagi? Kapag lumaban ka hanggang sa huli kahit sa simula pa lamang ay alam mo ng wala kang sapat na armas para manaig? O, kapag sumuko ka na at nagparaya kahit alam mo na hindi mo kayang mawala sa iyo ang iyong ipinaglalaban? Hindi ko alam kung alin sa mga ito ang magpapatunay na totoong matapang ang isang nilalang. Ang alam ko lang,  minsan ang pagiging duwag ay katapangan at ang katapangan ay karuwagan. Hindi ko lamang mawari kung nasaan ako sa dalawa.

[October 2012]

Martes, Setyembre 18, 2012

Cynthia


"Babalik ako, Cita. Babalik ako at kukunin kita. Ilalayo kita sa maruming hangin, sa mga tirahang tagpi-tagpi ang dingding, sa mundong malayo sa gusto natin." Ito ang aking pangako sa una kong pag ibig. Ito rin marahil ang laman ng isipan niya ngayon kung ako pa rin ang kanyang iniibig.

Nasaan na kaya si Cita? Masaya na kaya siya ngayon? Sumasagi pa kaya ako sa isipan niya? Kailan ko kaya siya muling mayayakap? May puwang pa nga ba ang pag ibig sa amin dalawa? Sana ay narito siya. Kung mapipihit ko lamang pabalik ang oras, tiyak na hawak ko na muli ang kanyang kamay -- siguradong sabay naming nilalakbay ngayon ang daan ng buhay.

Nakatatak pa rin sa isip ko ang kanyang mukha, napakaamo ngunit may bahid ng katapangan. Natatandaan ko pa rin ang kislap ng kanyang mga mata at ang kilos niyang pino ngunit puno ng sigla. Si Cita ang mukha ng pag ibig para akin. Ngunit, pinalaya ko siya -- hinayaan ko siyang makalipad.

Hinabol ko naman siya, sinubukang tawagin mula sa 'di kalayuan, subalit hindi niya ako narinig. Nakalayo na si Cita nang mapagtanto ko na siya ang tunay kong iniibig.

Ngayong hapon, habang nakaupo sa nakatumbang puno na aming paraiso noon, ay binalikan ko ang yugtong tuluyan ng naglayag sa karagatan ng buhay. Kasabay ng pagtugtog ng isang pamilyar na awitin mula sa radyo ng isang munting tahanan sa 'di kalayuan.

Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay...

Sana, bata na lamang kami ulit -- masaya at kuntento sa abot-kamay na langit.



*Umpisa ng kwento ko. Haha. Pang apat na sana 'to kung natapos ko 'yong iba hahaha. Nagkatamaran e.*



[September 2012]

Full story: http://www.wattpad.com/story/2159723-cynthia

Sabado, Setyembre 15, 2012

Hindi Pa Ako Inaantok

Pangarap. Ano ba ang pangarap? Ito ba ang mga bagay na nais mong makuha? Ito ba ang mga bagay na kukunin mo pagdating ng araw? O, ito ba ang mga bagay na hindi mo makukuha kailanman?

Late at night when all the world is sleeping,
I stay up and think of you...

Iniisip ko na naman siya. Alas dos na pala. Mamaya lang ay umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kakalimutan ko na ba siya at tuturuan ang puso ko na umibig sa iba o hahayaan ko nalang na kusang ipalimot sa akin ng panahon ang nadarama ko sa kanya?

Minsan, itinatanggi ko sa aking sarili na mahal ko siya ngunit kadalasan natatalo ako ng aking puso na iyon ang nadarama. Bakit nga ba siya pa? Siya na malabo akong mahalin. Siya na hindi kayang makita ang aking damdamin. Siya na malapit ngunit napakalayo sa akin.

And I wish on a star, that somewhere you are thinking of me too...

Gising pa siguro ngayon 'yon. Sabi nila, kapag gusto mong matulog pero hindi mo magawa ay may nag iisip sa'yo. Alam ko na walang katotohanan 'yon ngunit kung sa pagkakataon na ito ay naging totoo iyon, alam ko na hindi niya ako iniisip. Sino nga ba ako para isipin niya?

'Cause I'm dreaming of you tonight till tomorrow I'll be holding you tight.
And there's nowhere in the world I'd rather be than here in my room, dreaming about you and me...

Kahit sa pangarap, hindi ko makita na ako ay mamahalin niya. Tila wal talagang hinaharap na naghihintay para sa aming dalawa. Maging ang managinip ng gising na kami ay masaya sa isa't isa ay napakahirap gawin. Alam ko naman na hindi niya ako kayang tingnan bilang isang iniibig. Alam ko na hanggang dito lang ako, mag isang nagmamahal at masaya kahit na wala namang bumabalik. Hindi ko alam kung bakit ganito. Sa lahat ng hindi mahal ng taong mahal nila, ako lang yata ang nakararamdam ng tuwa. Gusto ko ng palayain ang sarili ko sa kalagayang ito ngunit may pumipigil sa akin. Paano mo nga ba magagawang itapon ang isang bagay na nagbibigay sa'yo ng kaligayahan? Ang mahalin siya, kung alam lang niya, ay ang pinakamagandang emosyon sa buong mundo.

Wonder if you ever see me and I wonder if you know I'm there.
If you look in my eyes, would you see what's inside, would you even care?

Ang tanging mahirap lamang dito ay ang magpanggap na hindi ko siya mahal at sarilihin ang lahat. Ngunit dumating ang panahon na tila napakahirap ng mag isa. Tinawagan ko ang pinakamalapit kong kaibigan at ikinuwento ang aking nararamdaman sa taong ito. Sabi niya, sabihin ko raw ito sa kanya. Natawa na lamang ako at sinabi na hindi ko kaya.

Hindi ko talaga kaya. Naisip ko tuloy, napakahirap pala na maging babae. Sabihin man nila na pantay-pantay na ngayon, may mga bagay sa isang babae na ginintuan at dapat ingatan. Alam ko, hindi tama na magtapat.

I just wanna hold you close but so far all I have are dreams of you...

Mananatili nalang ba na ganito? Abot siya ng aking kamay ngunit hindi abot-kamay. Siguro nga ay ganito ang mundo at ito ang pag ibig. Hindi lahat ng nais mo ay makukuha mo at hindi lahat ng hindi mo nais ay hindi mo makukuha. Hangad ko na mahalin din niya ngunit kasing layo ito ng tala kung saan ko hinihiling na matutunan niya rin akong ibigin. Hindi ko hangad na magmahal ng isang tao na sa malayo palagi nakatingin ngunit ngayon ay kuntento na ako sa ganito.

Ano nga ba ang mayroon siya upang maging ganito kahalaga? Bakit nagawa kong itulak palayo ang isang tao na nagmamahal sa akin dahil siya lamang ang nais kong ibigin?

Ordinaryo lamang siya noon sa aking mga mata ngunit simula noong ibahagi niya unti-unti ang buhay niya sa akin ay may ilaw na biglang nagbigay ng liwanag sa aking puso -- isang bombilya na hindi pa nasisindihan para sa kanya. Nakita ko ang nakatagong katotohanan na ang taong ito ay karapat-dapat na ibigin. Namasdan ko ang mga bagay na hindi niya magawang mamalas sa kanyang sarili hanggang sa hindi ko mamalayan na sinimulan ko na siyang mahalin.

Ilang ulit na akong umibig, nasaktan at nakasakit ngunit ngayon ko lang napagtanto na hindi lahat ng pag ibig na ibinigay mo ay dapat hangarin mo na makuha pabalik. Kung minsan, mas masarap umibig ng walang hinihintay na kapalit.

Late at night when all the world is sleeping,
I stay up and think of you.
And still can't believe, that you came up to me and said I love you.
I love you too.
Now I'm dreaming with you tonight till tomorrow and for all of my life.
And there's nowhere in the world I'd rather be than here in my room, dreaming with you endlessly.

Pero kung ang buhay ay nahahawig din sa mga nobela at pelikula na may magandang kahihinatnan, kung ang pag ibig ay katulad ng mga akdang mayroong hiwaga at kung totoong makapagbibigay ng kahilingan ang mga tala, may pag asa pa marahil na sumibol ang pagmamahal sa puso niya -- pagmamahal na sa akin niya lamang iaalay. Kung magbabago pa ang ihip ng malamig na hangin, ang malungkot kislap ng mga bituin at ang ikot ng mundong ngayon ay hindi pabor sa akin, maaaring ang araw kinabukasan ay sumikat na para sa amin.

Pangarap. Ano ba ang pangarap? Ito ba ang mga bagay na nais mong makuha? Ito ba ang mga bagay na kukunin mo pagdating ng araw? O, ito ba ang mga bagay na hindi mo makukuha kailanman? Lahat ito maaaring maging depinisyon ng salitang 'pangarap'. Panahon na lamang ang magsasabi kung alin sa mga ito ang babagay na pagpapakahulugan sa tinutukoy kong pangarap. Sa ngayon, may iba pang kahulugan sa akin ang nasabing salita -- siya.

[September 2012]

Miyerkules, Hulyo 18, 2012

Sealed With Zeal (A Letter For My One True Love)


Sometimes, I get tired of believing that you will walk into my life one day. Sometimes, I want to stop waiting for the wonderful sunrise that was meant to bring you to me.

I hate being lonely. I grew up believing that life is a glimpse of heaven -- a paradise of butterflies and roses where I can find everything I want to see, where can have everything I wish to hold. I always believe that all the wrong things in my life today will be right as rain tomorrow, that nothing is permanently impossible because God is there to control even the deepest sorrow. With all heaven's grace, I bloomed into a young lady who perceives life as a never-ending fairytale where she was meant to glow in bliss.

I was contented all my life -- I belong to a happy family, I have so many friends who love me. However, I realized that something is missing in my world. At some point, I was forced by my own spirit to search for what is lacking.

It took me so long to solve the puzzle until Agatha Christie gave me a hint. She told me in her novel, Sad Cypress, that the one who never really love has never really live. I then fathomed that I need to look for you.

I began to think about you, I started wanting you so desperately. In every solemn prayer that I say, I end up most of times asking Him so earnestly to give you to me even if today can be so early. But, is it a sin to feel excited in meeting your true love?

There are days when I discern myself as a stupid lass and I believe that it is normal. Perhaps, my mind is right to believe that it is a crime to live for the future when I still have a life to live in the present. Sometimes, I want to believe that you are only a pipedream. There is no trace of your existence. There is no evidence that points out to the reality that you can be real someday.

However, as an article expresses, the future is as real as the past. Everytime I was about to cede, I hear its writer's voice whispering in my ear, "Just because you aren't there yet doesn't mean it isn't there... It was like Baghdad being real when you are in London."

Somehow, there is a need for me to find you. I really have to find you.

I think of you from time to time. I wonder where you are tonight. Are you lying wide awake or are you in the midst of a sound sleep? Are you loving someone tonight or are you hoping to fall in love soon enough? Are you being loved exactly as the way you always want or are you looking for somebody who is willing to give you her whole heart? If you are in a perfect relationship, are you sated in her arms or are you nonplussed because you feel that you belong elsewhere? If you are amid the scattered shreds of your broken heart, are you wishing for her to come back home or are you praying to meet me anon?

You know, I always think of you -- how you move, how you talk, how winsome you are. I do not know if we knew each other already. It is impossible for me to figure out if you have met me already along the way without noticing that you were made for me. But, I know how it feels to be by your side because I have been with you for several moments. I know it sounds so weird and no one can understand what I mean but i really saw you in my sweetest dreams. Although, each time I wake up, I always forget to remember your face.

I do cherish the time I am spending right now as I wait for you. But, to be honest, I often lose hope. I often cry. Sometimes, it hurts so bad that I even get mad at you.

I starkly do not know what is taking you so long. I utterly want to be with you now. I want to ask you so many things.

Why did you let me envy all the girls out there who already found someone to hold? Why did you allow me to get jealous with those women who were numbskull enough to ignore those who love them so much? Why did you permit me to get hurt?

I wish you came earlier than tomorrow, even earlier than today or than yesterday. I wish you arrived before I fell in love with the man who gave me the deepest heartbreak I ever had. I wish you took me away when I was in a senseless relationship where I used to play the role of a fool.

I wish I have loved you before I chose between two people who want my heart and before I failed to select the one who is willing to give me all the love in this world.

I wish I know even just your name so that I can shun loving the wrong ones.

I really rue these mistakes. However, it is so ironic that I love those mistakes at the same time. Yes, I lost my pride once in my life -- chase a wrong bloke as he run away. Yes, I fell in love profound with an enemy and allowed myself to love a friend. I got hurt. I had my soul melted and let it went out of my eyes as a liquid crystal. I found my heart crumbled -- senseless as a broken doll. I embraced a cactus in the past but I squelched the pain it caused. I made so many errors but its from them that I learned the most. After all, I realized that I must celebrate because God did not let me be owned by these people and reserved me for you. I know you are the perfect one because He wants you for me. Somehow, I must continue to believe that every love gone wrong is a step closer to you. I must be optimistic enough to be your lady. I will continue to be the girl who was raised by love and grew full of love to be able to shower you with incessant love.

I really hate waiting  for I do not know how to wait. But for you, I am willing to learn.

I often tell people who desperately wait that waiting without any reason to hold on is like hoping to spot a shooting star for a wish -- you have no idea if it would pass by the sky above you and if it does, you would need all the luck in this world for your wish to come true. To sum it up, waiting for something when you got no assurance to have it in the end is nil but a waste of time. But, to be with you, I will take the risk. I will not fall in love again for the sake of having a love interest. I will wait until true love comes, until you knock on the door of my heart.

Tonight, God only knows who you are. But one morning, I will wake up knowing every piece of you.

[July 2012]