Sabado, Marso 9, 2013

Bahaghari ng Alaala

Iba na naman ang kulay ng mga harang sa tulay. Bakit ba sa tuwing magpapalit nalang ng alkalde ay nag-iiba rin ang kulay ng mga ito? Hindi niya alam. Saglit siyang natigilan -- lumingon sa kanyang dinaanan.

"Bagong pintura na naman 'to," sabi niya sa kanyang iniibig, pinipilit niyang baguhin ang pinag-uusapan nila.

Hindi ito umimik.

"Ang ganda ng kulay, hindi ba? Sana palagi nalang itong ganito."

"Hindi maaari," sagot nito.

"Hindi mo ba gusto ang kulay?"

"Maluluma rin iyan."

Hindi siya nakasagot.

"Lilipas din 'yan," nagpatuloy ito. "Kukupas. Kapag kumupas na iyan, mawawala rin ang pagkagusto mo."

"Parang ako?" naglakas-loob na siya.

"Hindi ikaw ang kumupas."

"Pero bakit ayaw mo na?" tanong niya.

"Pag-ibig ang kumupas."

"Pag-ibig mo lang."

"Palayain mo na ako."

"Kapag nagbago ang isang bagay, hindi lahat ay gugustuhin pa rin ito pero hindi rin lahat ay aayawan na ito. Kahit nagbago ka na, hindi pa rin kita aayawan."

"Intindihin mo ang nangyayari." Tumalikod na ito sa kanya, alam nito na hindi rin siya makikinig.

Tumalikod na ito, alam nito na hindi rin siya makikinig. Hindi na siya umimik, napaluhod lamang siya. Ang buong paligid ay tila nagtatawa. Ang papalubog na araw naman ay waring walang pakialam -- unti-unting nawawala at inaagaw ang natitirang liwanag sa buhay niya.

Tinanaw niya ang kanyang iniibig, papawala na ito sa paningin niya. Pumatak, sa sandali rin na iyon ang pinakamapait na luha mula sa kanyang mga mata. Yumuko siya. Iba't-ibang itsura ng kasuotan sa paa ang nakita niya. Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga tao. Hindi ba maaaring tumigil muna ang mundo? Hindi ba siya kayang damayan muna nito?

Lumipas ang panahon. Kumupas na ang pintura, gaya ng sabi nito, ngunit ang paghihintay niya ay hindi pa rin nagwawakas. Hanggang ngayon umaasa pa rin siya.

Sa tulay na iyon ay nakita niya muli ito. Sa kabilang bangketa, habang tinitingnan niya ang kumupas na pintura ng tulay, ay naroon ito kasama ang bago nitong iniibig. Ang parteng iyon pa lamang ang natapos pinturahan, ngunit bukas ay pipinturahan na rin ito kasabay ng pagkawala ng kupas na pinturang hindi niya kailanman hinangad na mapalitan.

Hindi huminto ang mga tao sa paglalakbay, hindi lamang ang mga may suot sa paa ngunit pati ang mga nakayapak. Hindi tumigil ang mundo kahit minsan para sa kanya o para sa kahit na sino. Kahit saglit ay hindi siya nito dinamayan at pagod na rin siyang damayan ang sarili.

Kailanman ay hindi niya hinangad na mapalitan ang pinturang iyong pero ngayon ay napilitan na siyang hangarin ito. Ang tanging hiling niya ngayon ay sumikat na ang araw upang mapinturahan na rin ito.

Iba na naman ang kulay ng harang sa tulay. Bakit ba sa tuwing magpapalit nalang ng alkalde ay nag-iiba rin ang kulay ng mga ito? Hindi niya pa rin alam. Binawi niya ang paningin sa kanyang dinaanan at tiningnan ang kanyang dinadaanan. Ilang ulit ng napalitan ang pintura. Natapos na rin ang paghihintay niya sa muling magtingkad ng kumupas na alaala. Naisip niya, kailangang hayaan nating pintahan tayo ng bagong simula sa tuwing pakukupasin tayo ng panahon at ng mga dumaraan sa buhay natin -- pintahan ng iba, hindi katulad ng dating kulay.

[March 2013]

Siya'y Nakihati




Habang nakatanaw sa labas ng bintana ay nakita ko na naman siya--mag-isa, malungkot at tila walang nais gawin sa buhay. Malalim na naman ang iniisip niya. Marahil, maging ang mga tala ay nais siyang tanungin kung ano ba talaga ang problema. Ano nga ba talaga?

Walang anu-ano ay biglang may lumapit sa kanya. Isang binata na tila kilalang-kilala siya. Sa kanyang mga mata ay pansin ko ang pagpapahalaga. Hindi man sabihin ay isinisigaw ng mga ito ang lahat ng damdaming ikinukubli niya.

"Gamitin mo ito," sabi niya habang iniaabot sa dalaga ang piraso ng puting papel na hindi pa nababahiran ng anumang uri ng tinta o mantsa. "Isulat mo rito ang lahat kapag hindi mo na kayang sarilihin pa."

Umalis ito. Tiningnan lamang niya ang papel -- isang sulyap na mabilis pa sa kisapmata. Itinupi niya ito at inilagay sa kanyang bulsa.

Sa kabilang bulsa ay kinuha niya ang pitaka. Sa pinakatagong sulok nito ay mayroong isang nakatuping papel. Tinitigan niya ito -- matagal, matagal na matagal.

Kinuha niya ang papel na kabibigay lang sa kanya, pinagtabi niya ang mga iyon na para bang pinagkukumpara. May lungkot pa rin sa kanyang mga mata.

Lumabas ako ng silid at iniwan ang bintanang naghihiwalay sa aming dalawa. Pinuntahan ko siya, kinausap.

Nalaman ko na ang papel na kinuha niya kanina sa kanyang pitaka ay mula sa lalaking dahilan ng kanyang kalungkutan. Tinanong ko siya kung bakit hindi niya sundin ang sabi sa kanya ng kausap kanina. Umiling lamang siya, hindi raw iyon ang papel na nais niya.

Inilapag niya ang malinis na papel sa bakanteng parte ng inuupuan niya. Nagpaalam na siya. Pumasok na rin ako.

Lumipas ang mga gabi. Dumating ang umaga. Nakita ko siyang palapit sa lugar kung saan siya madalas noon. Matagal din siyang hindi nagawi rito. Agad akong lumabas.

Paglapit ko sa kanya, nakita kong binubuklat niya ang papel na iniwan niya roon. Hindi na ito kulay puti, marumi na ito. Sira-sira na rin. Kung sa bagay, matagal itong napabayaan. Iiling-iling siya. Habang binubklat ay lalo lamang itong napupunit at nasisira. Huli na para gamitin niya, hindi na niya ito masusulatan pa.

Kinuha niya ang papel na matagal nanahan sa kanyang pitaka at iniabot sa akin. Ipinalit niya ang papel na minsan niyang pinabayaan sa dating kinalalagyan ng ibinigay niya sa akin. Batid kong hangad niyang itabi ang kahuli-hulihang piraso ng alaala sa kanya ng noon ay napakalinis na papel.

"Matagal ng may sulat iyan," ayon sa kanya. "Akala ko kasi mabubura ko. Pero, mabura ko man ay hindi rin iyan ang kailangan ko."

Umalis na siya. Binuklat ko ang papel. May nakasulat nga, isang pangalan ngunit hindi sa kanya. Ang papel na iyon ay matagal na palang nakapangalan sa iba -- nagbubulag-bulagan lamang siya.

Minsan, pinipilit natin itago ang bagay na gusto natin kahit na alam pa natin na hindi naman talaga ito sa atin. Hindi natin namamalayan na napapabayaan na pala natin ang mga bagay na ibinibigay sa atin at ang mga talagang pag-aari natin.

[March 2013]

You Filled the Paper




I wrote a poem last night,
Trying to put the tears in rhyme,
But it didn't sound right,
Realizing he's no longer mine.

Yesterday, he walked away,
I ran after but found no way,
So many words I want to say,
But night replaced the day.

I resented what I once loved,
I am nil without him around,
Writing when I'm far from his side,
Is a sad rollercoaster ride.

My dreams have gone so fleet,
A streak of lighting that went swift,
And my soul is sure of it,
For, I lost myself when he left.

Today, the night finally ceased,
Words are sated being unsaid,
Here's the way but I stayed,
Love has already perished.

I loved what I once resented,
The photograph's still faded,
The flowers remained withered,
But I'm writing without hatred.

My dreams found their way back,
It's time now, said the clock,
And my soul is sure of it,
Myself's here -- the one he took when he left.

I wrote a poem afresh,
And saw the rhyme in your face,
Now, I fathom as I gaze,
My pen lived again 'cause of your rays.

[March 2013]

Martes, Marso 5, 2013

LRT


Sumakay ako sa tren,
Sumakay ka rin,
Tila magtatagal ang lakbayin,
Salamat at ika'y kapiling.

Tayo'y sakay ng tren na 'di mahulaan,
May mga istasyon na tinitigilan,
Na dapat palampasin at lagpasan,
Kung hangad marating ang paroroonan.

Mabagal man yaring pag-usad,
Tayong dalawa pa ri'y mapalad,
Dahan-dahan ma't 'di kaagad,
Alam natin kung sa'n mapapadpad.

Atin munang tanawin ang mga ulap,
Ngayong mas malapit tayo sa alapaap,
Sa dinaraana'y magpakasayang ganap,
Sa mga biyayang noo'y isang pangarap.

Malayo pa ba? Ilang istasyon pa?
Hindi ko alam, wala akong ideya,
'Di ko na rin bibilangin pa,
Sa 'yong tabi'y 'di dama ang distansya.

Nang walang anu-ano'y huminto sa alanganin,
Sa kisapmata'y tila pinigil ng hangin,
Sa ingay ng pasahero'y sumabay ka na rin,
Para bang hangad mo na itong lisanin.

Nakakatakot -- ako'y nangangamba,
Ngunit 'di sa paghinto tinamaan ng kaba,
Sa susunod na istasyo'y waring bababa ka na,

Lilimutin na ba ang bawat salita?

Sa dami ng nagsiksika't nag-unahan,
Mapalad lahat ng narito't lulan,
Ngunit hawak mo ang iyong isipan,
At pusong mag-uutos na ako'y iwanan.

Katulad ng iba, ika'y may karapatan,
Kung aalis ka na'y mauunawaan,
Maiwan man akong mag-isa't luhaan,
Pagka't 'di ka sumama sa dulo ng daan.

Tren ng pag-ibig ay humihinto pala,
'Di dahil may sasakay o may bababa,
'Di dahil may estasyon o wala,
At kadalasan, ika'y mabibigla.

Hindi man handa'y susubukang gumawa,
Ng paraan para tuluyan kang mapalaya,
Kung aalis ka'y hindi na aalma,
Paalam mahal ko, paalam na.

Limutin mo ma'y hindi tatalikdan,
Itong tren na minsan tayong nilulan,
Ang pighati't kabiguang ito'y lilipas sa kalaunan,
Ngunit 'di ang 'yong bakas sa riles ng aking kasaysayan.
[March 2013]

Dear September

"I've been spending the last eight months thinking all love ever does is break and burn and end. But, on a Wednesday, in a cafe, I watched it begin again." -Taylor Swift, Begin Again
Love is the nearest thing to heaven but loving someone who does not know how to love can pull you down to the lowest place in hell even if you do not deserve to be there.
She, who was once imprisoned by the evils, can still feel the heat that burned her illusions of having a fairytale-like life. The demons were roaring and laughing at her hopelessness. Her sweat was falling, from time to time, with her tears.
It was hot in hell, yes.
Good thing, that was a long time ago. The angels went down and took her to a paradise without a lover but with the presence of love. The sun brightened up; letting her discern the truth that his erstwhile partner is not the world but only a portion. The rainbow showed up and colored the black and white town of her dreams. God, most of all, pulled the tattered edges of her soul together again.
However, though the parcels of chagrin, rues and loneliness are only in her mind right now, far away from any corner of her heart, she believes that she must not give her trust to a man afresh. It should lie peacefully in her locked drawer -- be sheltered from all those blokes who have no other intention but to receive love without knowing how to appreciate the sender, be kept away from the lads who do not deserve the loving touch of a lass.
But, he is different.
He was, he is, and will always be different, she believes.
He is better than all the other men that she has met. He knows how to love without being aware of such capability. He has a heart of gold even if he perceives it as something which is made of the hardest type of stone. It is amazing how he manage to show the people around him his care while believing that he cannot do anything good.
Days passes, she continues to heed to his tales of long ago. It did not take her long to fathom that not all blokes are alike for the man beside her is utterly different.
He was, he is, and will always be different, she believes.
He is someone who does not deserve poison from the pangs of pain. He is not the one who should be embraced by the cruelty of selfish love -- as he deserves the altruistic kind. He is a true person and ropes of sand are not for him to keep.
Yes, she believes, he was, he is, and will always be different.
Now, she understands that not all the glitters coming from the stars are false scintillas. He is not one of those dead stars; the ones that are glittering in front of us when it does not even exist by the time when its light reaches our eyes.
He is a true, wonderful creature. He is more than ordinary -- even more than special. Perhaps, there are lads around her that are too innocent to be perceived as miscreants in the kingdom of affection.
Love is the nearest thing from heaven, she realized, but it will never pull you down to the lowest place in hell. Love is never cruel, some people are. Those folks who do not understand the meaning of love are.
He was, he is, and will always be different, she believes.
She looks at him. She is in love once more.
She is in love with him.
From a distant place, somehow, the angels sing.
"For the first time, what's past is past."
***
2013
Inspired by Taylor Swift's Begin Again
Photo credit: rebloggy.com and keki-chan702.deviantart.com