Paalam na ba sa mga alaala?
Giniginaw, bagamat tuyo'y nababasa;
Sa ulang 'di nakikita, na waring 'di na titila.
Naghintay ka nang naghintay;
Sa loob ng kahong ika'y pinapatay;
'Di ka makahinga, sakal na sakal;
Sa yakap ng mga bestidang halos ikalakal.
Mahapdi ang pagdalaw ng mga gunita;
Kung alam mo sanang maiiwan ka;
Kung alam mo sanang ipagpapalit ka;
Ngunit panaho'y malupit, 'di man lang nagbanta.
Sa piling ng mga lumang prinsesa;
At ng tahanang noo'y laging sa mesa;
Pinipilit mong hanapin ang pag-asa;
Kahit walang napapala kung 'di sugat at pasa.
Pero 'wag kang mag-alala, kaibigan;
Oras ay mamamaalam, tatapos ang kalakasan;
At kung saan lumigaya sa kabataan;
Doon siya ngingiti bago harapin ang Kanluran.
[November 2, 2014, 12:49 a.m.]
![]() |
| Photo from weheartit.com |

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento