May batang babaeng akay ng kanyang ina (yata?)
sa unahan ko, naglalakad. Natisod 'yong bata, naglakad ulit pero
nakalingon pa rin do'n sa lubak. Nagtataka siguro kung ano 'yon.
Ako (sa isip): Paglaki mo at natisod ka, maglakad ka ulit, pero 'wag mong
lilingunin 'yong lubak na naging dahilan. Hindi ka lang matitisod ulit
kahit wala ng lubak sa nilalakaran mo, p'wede ka pa mabangga kung hindi
maingat o kung nakalingon din sa likod ang kasalubong mo.
[February 2013]
Mga 75% ng nilalaman ng blog na ito ay mga kuwentong kumalabit sa akin sa loob ng jeep; habang 25% ay mula sa mga tagpong kumakaway sa akin nang biglaan -- maging sa mga panahong wala akong oras magsulat. (Iba't ibang klase ang laman ng blog na ito – walang patikular na lengwahe o istilo ang maaring magamit para ilarawan ito. Wala, maliban sa "kalayaan.")
Sabado, Enero 25, 2014
Trahedya
Trahedya. Wala akong ibang naisulat noon kung hindi puro tungkol sa trahedya, buhat nang mawala siya. Trahedya ang pagbuhos ng ulan sa gitna ng tag-araw. Trahedya ang gabi na tumataboy sa liwanag. Trahedya ang tubig sa talon na sa simula ay nasa itaas ngunit kaagad din palang babagsak. Trahedya pati ang pagkalagas ng mga dahon.
At bawat masayang yugto ay mga kastiyong buhangin na sa isang kisapmata ay nawawasak ng maligalig na alon. Trahedya lamang ang alam ko, lahat ng bagay ay nauuwi rito. Nang iwanan niya ako, at ng kasunod niya, ay naisip kong walang totoong ligaya sa mundong ito. Lahat ay lumilipas, lahat ay naglalaho bigla.
Ngunit isang pirasong papel ang tinangay sa akin ng hangin -- isang papel na hindi ko kayang dungisan, na hindi dapat bahiran ng mga patak ng dugo.
Nagsimula akong magsulat. Masaya. Muli, katulad ng dati ay nagsulat ako nang malaya at hindi nakakulong sa paniniwalang ang lahat ay nagiging kalungkutan sa huli.
Sa isang iglap ay nakita ko na wala palang totoong trahedya sa mundong nilikha ko. Ang pagbuhos ng ulan sa gitna ng tag-araw ay biyayang dumidilig sa nauuhaw na daigdig. Ang gabi ay para sa mga abalang nilikha na hindi magawang makapagpahinga sa gitna ng liwanag. Hindi lahat ng pagbagsak ay kabiguan, dahil ang pagbagsak ng tubig ang nagpapaganda sa isang talon. Ang pagkalagas ng mga dahon ay nagbibigay ng daan sa pagsibol ng mas magaganda at mas nababagay sa sangang kinakapitan ng mga ito. At hindi lahat ng pundasyon ay kasing rupok ng sa kastilyong buhangin.
Hindi ko alam kung anong mayroon ka -- kung bakit ganito o bakit ganiyan. Ang alam ko lang, dahil sa iyo, ay napagtanto ko na walang tunay na trahedyang dumating sa buhay ko kung hindi ang panahon kung kailang naniwala ako na lahat ng bagay ay nauuwi lamang sa trahedya.
[January 25, 2014 08:41AM]

Happy Endings
Sabi
nila, wala raw masayang pagtatapos -- sa fairytales lang may happy
ending at walang good sa goodbyes. Pero kung may masayang katapusan man
sa totoong buhay, iyon 'yong pagpapaalam natin sa mga dahilan kung bakit
hindi tayo masaya -- sa mga rason kung bakit nasasabi natin na sa mga
kuwento lang may happy ever after.
*Sumagi lang sa isip ko habang naghihintay matapos mag-take ng PUPCET ang kapatid ko. Hehe*
[January 25, 2014 08:48 AM]

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)