Lunes, Enero 28, 2013

Walang Pamagat

Pag-ibig, pag-ibig. Ang tanong, mahal ka ba?

Masarap daw ma-in love. Lahat ng bagay sa paligid mo nagiging biyaya. Lahat ng makita mo, kahit hindi naman kaaya-aya ay makikitaan mo ng ganda. Hindi mo kilala ang kalungkutan at palagi kang lumulutang sa saya. Hindi mo mapapansin ang iyong mga paa at mapagtatanto mo nalang na nakakalipad ka pala. Kahit gutom ka na, hindi ka pa rin manghihina basta katabi mo siya. Kahit tamad kang maglakad ay kinakaya mo lang -- wala ng shortcut shortcut! Basta kayong dalawa lang, magkapaltos-paltos man ang mga paa mo e uuwi ka pa rin ng natutuwa. Kapag naman ginabi kayo, sinong may sabing matutulog ka na? Siyempre, babalikan mo muna ang mga bagong hulmang alaala -- masasabi mo pa nga minsan na 'Miss ko na siya' kahit magkasama lang kayo kanina at ka-text mo naman siya. Para bang ang tagal na mula noong huling magtama ang inyong mga mata kahit na pauuwi palang siya galing sa huli ninyong pagkikita -- natatrapik pa sa maluwag ngunit biglang sumikip na kalsada.

Sabi nila, ganito raw kapag nagmamahal. Big deal sa'yo ang oras, espasyo at distansya. Issue sa'yo kug bakit mahangin, umuulan o kung bakit kayo nasisiktan ng araw na hindi marunong makisama para sa ikagaganda ng moment ninyong dalawa. Nahahawa ka sa mood niya -- pati problema niya ay hindi ka pinapatulog hanggang mag-umaga.

Pero, sa kabila ng pagiging sensitibo mo sa mundo ay magiging sensitibo ka rin masyado para makita ang pinakamaliit na butil ng ligaya.

Ganito raw ang pag-ibig. Ganito nga. Ganito nga ngunit marami pa itong ibang mukha -- mga uri na hindi mo maisa-isa. Iba ang pag-ibig para sa'yo. Iba ang pag-ibig para sa kanya. Iba ang pag-ibig para sa kanila. Iba ang pag-ibig para sa labis na umiibig. Iba ang pag-ibig sa mga hindi marunong umibig. Iba rin ito sa mga nais makahanap ng mangingibig at iba rin sa mga ayaw maniwala sa pag-ibig.

Iba ang pag-ibig sa mga ayaw sa numero pero nakakakuha ng 100% sa mga pagsusulit sa Matematika dahil favorite subject ito ng kanlang sinisinta. Iba ang pag-ibig sa mga dating naiinip kapag History na ang klase pero naging aktibo na sa talakayan habang umaasa na ngitian ng katabi at sabihan ng "Ang galing mo naman." Iba ang pag-ibig sa mga ayaw ng Agham na sa kasalukuyan ay naikukwento na ang buhay nila Einstein, Curie at Dalton, nairerecite na ang buong Periodic Table of Elements kasama ang mga simbolo nito, at nagagawa na rin i-apply ang kung anu-anong theory at law sa mga sitwasyon at desisyon niya sa buhay -- dahil lamang sa nahihirapan sa asignaturang ito ang kanilang gusto. Iba ang pag-ibig sa mga tamad magbasa ng mga reading selections sa exam nila sa English pero nagsisimula ng mangolekta ng mga nobela para lang may maibahagi sa tinatangi niyang walang ibang interes kung hindi ang mga libro. At, higit sa lahat, iba rin ito sa mga taong nakokornihan sa mga makata pero ngayon ay ilang tula at katha na ang nagagawa para sa mga taong nagmamay-ari ng puso nila.

Oo, nagagawang baguhin ni Kupido ang bawat tao. Ngunit, hindi lahat ng napapana niya ay naiiba dahil sa kasiyahang hatid nito.

Iba ang pagmamahal para sa mga taong naghintay sa wala. Iba ang pagmamahal para sa mga niloko at iniwang mag-isa. Iba ang pagmamahal para sa mga napalampas ang tunay na pagmamahal. Iba ang pagmamahal para sa mga bumalik at wala ng dinatnan. Iba ang pagmamahal sa mga pinangakuan at naging tagapanood nalang habang tinutupad na ito ng mga nangako sa iba. Iba ang pagmamahal sa mga hindi nakatanggap nito pabalik. Iba ang pagmamahal sa mga takot ng umibig muli. At, iba rin ito para sa mga nais na muling magmahal ngunit walang gustong tumanggap ng pag-big na kaya nilang ialay.

Ang pag-ibig ay hindi kagaya ng mga nababasa natin sa mga libro. Hindi ito kawangis ng mga napapanood natin sa telebisyon at napapakinggan sa radyo. Malayo ito sa mga anghel, diwata, prinsipe at prinsesa. Maging ang isinusulat ko ngayon ay posibleng hindi magkaroon ng kaugnayan sa kasaysayan mo. Walang ganap na kahulugan ang pag-ibig -- ikaw at ang buhay mo ang magpapakahulugan dito.

Ikaw? Kaya mo na ba ilahad ang ibig sabihin nito o hinihintay mo pa rin ang taong magpapakahulugan nito sa'yo? Hinihintay? Hinihintay ba talaga dapat? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang, kung maghihintay ka ay tingnan mo muna kung nararapat ba ito at dapat ay bukas ka rin sa posibilidad ng pagsuko. Kailangang magkaroon ka ng sapat na talino at lakas para matuto habang naghihintay at dalawang malilinaw na mata para makita ang mga katotohanang nilalagpasan ng iyong mga tingin.

Iba't iba man at hindi mawari ang totoong kahulugan, anyo at dahilan ng eksistensya ng pag-ibig ay hindi nangangahulugang pasakit lang ang ibibigay nito sa tao. Pero, kung talagang napapagod ka ng masaktan sa mga sandaling ito, bitiwan mo na ang dahilan kung bakit ka nahihirapan. Ang pag-ibig ay parang laro, pero ibang klaseng laro. Hindi talunan ang lahat ng sumusuko rito -- ang iba ay sila pang totoong panalo.

Hindi lahat ng laban sa larangang ito ay nararapat na kabilangan mo. Para malaman ang kahulugan nito, para makaranas ng totoong pagmamahal, suriin mo muna ang sasalihan mo dahil hindi lahat ng paligsahan ay magbibigay ng klase ng medalyang hinahangad mong mapasa'yo.

[October 2012]

When Forever Has to End



 Sometimes, the perfect answer to a deep question lies in silence. And, somehow, those who stepped out of his life must embrace his perfect silence. It may not be an answer for them but for him, it was.

The ceiling appears to be a wonderful scenery now -- away from the dark, lonely and drastic shadow of yesterday. Relishing the beauty of solitude, he realized that the downpour was finally over. Suddenly, down the lane of his memory, he met them again.

It was a fine afternoon, sometime in the month of March. Wearing a winsome, glittering smile, he walked towards his friends and started to enjoy his life with them. Heaven is utterly kind for sending these angels to his ordinary world -- making his sojourn on Earth a glimpse of paradise. They turned the forest of this precarious life into a garden of serenity -- with their noises as hymn of bliss and their ways as the definition of priceless. They opened his eyes to see the beauty of everything. If he could bring back the berserk hands of time, then he would surely do it and experience everything over and over again. But, he has no power to do such -- nobody has and even God, whose miracles know no boundaries, would not allow him to. The only thing he can manage is the glowing faith in his soul that fate will always be generous to them, that no matter what happens tomorrow will be for the better. Though, it is hard to perceive that future especially now that they are slowly leaving the most colorful chapter of their lives as students. High school life is waving goodbye.

Time passed. God turned the page. His college days began. Excited and edgy, he entered the a classroom which is imbued with mysterious new faces -- making him more innocent about heaven's plan.

Days went by. He made new friends -- irrigated a blooming friendship without forgetting to water the old ones. Yes, no one among his college friends is special enough to take away the place that was intended for them -- the largest room in his heart. The promises they made before was enough for him to believe that everything will incessantly remain.

And, the vow stayed alive. College life, yes, has made them busy but they always have time for each other. They continued living the way they used to be. The laughters remained loud. Their bright eyes kept on shining. The friendship did not die -- it even grew.

Nothing seemed to be over until, one morning, he woke up and saw the night -- an evening of windswept feeling. The friendship that was once burning like the sun transformed into a dying star -- walking its last mile.

The old song abruptly stopped playing. The glitters in the sky ceded in the coldness of the breeze and died. The memories surrendered. The past left. Nil stayed the same except for his spirit that is valiant enough to fight for their good old days.

On the other hand, not every soldier succeeds in the battle of existence.

He closed his eyes, tight enough to bring him back into the second of reality. He opened it and not a tear was present. He smiled. The truth unfurled.

"There were nights when falling asleep takes a lot of pain and sadness." He told himself. "But that was then and this is now. Time travelling is completely impossible. I chose to live in the present in order to embrace the future. They only fit in the past, those days do not belong in my life now. They perished -- faded like an old photograph. They faced their demise last night."

He can hear them whispering their sweet-scented words of reconciliation. He can vide them doing everything to win him back. He can tell by now that they already realized his worth. Too bad, he already forgot their importance. Those who love him right now altered their erstwhile place.

For them who broke his fate, his silence is unfair. But, they must know, the silence in him when he was quietly fighting then was the same silence that killed the man they know in days of yore.