Miyerkules, Hunyo 3, 2015

Hashtag Wayback Wednesday

Puwede ko ba itong gamitan ng #WaybackWednesday?

Sa isang madilim na parte, sa tabi ng Marikina River, naroon ang isang karton na pinagdidikitan ng ilang larawan. Bagamat nabubura na, makikita mo pa rin ang mga ngiti, madarama mo ang sandali.

Old school na marahil para sa nakararami ito ang magpaprint ng mga larawan, pagsama-samahin ang mga ito sa isang piraso ng karton, at lagyan ng desenyo. Ngunit nakuha nito ang puso ko. Kaya credits to the owner. Pahiram naman po ng alaala ninyo, gagamitin ko lang sa hashtag WaybackWednesday ko.

Sa halos kupas na, lumang-luma, at napakaruruming larawan ay  'tila naramdaman ko ang emosyong bumalot sa puso ng mga taong minsang puwesto sa harap ng kamera, upang idokumento ang mga pagkakataong hindi na maulit po.

Noon, mahalaga ang bawat pose, ang bawat shot. Hindi pa kasi high-tech, iilan lang ang laman ng film. O, sige, puwede kang gumastos at bumili ng marami. Pero hindi ganiyan ang pananaw ng mga tao noon. Para sa kanila, magpose ka, ngumiti, ayos na iyon. Hindi masyadong importante kung magandang-maganda ka sa picture, ang mahalaga lang ay na-capture iyong moment.

'Di tulad ngayon na memory card mo lang ang limit. Daan-daang shots? Sige, basta malaki ang storage mo. Paulit-ulit na pose hanggang masatisfy ka? Walang problem, burahin mo lang lahat ng 'di mo gusto kung mapuno ang space, at ulitin ang pagpose at pagngiti. Hindi man lang natin maiisip na lumilipas ang moments na hindi man lang natin na-enjoy dahil nauubos natin ang oras sa pagkuha ng mga larawan.

Punung-puno ng dumi, lupa, at kung anu-ano pa ang grupo ng larawan ngunit hindi mawawala ang ganda nito. Pinaghirapang idikit ang mga litrato, pinagtiyagaang lagyan ng disenyo ang piraso ng matigas na papel.

Dinala ito ng may-ari sa kung saan man siya mapadpad hanggang sa hindi na niya ito nakayanang dalhin pa, hanggang iwanan na niya ito kasama ang mga damit na ibinalot sa manipis na plastic bag.

Tayo? Bakit tayo gumagawa ng collage? Bakit natin pinagsasama-sama ang mga larawan at pinapaganda ang design ng collage ito (idagdag pa ang mga filter na ginagamit natin)? Para mai-share sa social media?

Pagkatapos natin mai-post, ano? Kapag wala ng nagcocomment, tinitingnan-tingnan pa ba natin? Dinadala kahit saan?

O binabalikan lang kapag napagtantong lumipas na ang mga panahon natin kasama ang mga nasa larawan at ang emosyong nararamdaman natin habang ginagawa ang mga ito?

Lahat ba ng mga collage natin, sa dami ng mga ito, ay nabibigyan pa natin ng impotansya? Noon kasi, tama na ang isa o dalawa iyong pinakamahahalaga lang.

Ang taong nagmamay-ari ng mga larawang ito, malamang ay walang Instagram. Hindi makapag-Wayback Wednesday o Throwback Thursday. Pero araw-araw, marahil ang Flashback Friday niya habang kumakalam ang sikmura, habang nauubos ang lahat sa kanya, habang alam niyang wala na siyang ibang kayamanan kung hindi isang supot na damit at iilang larawan.

#WaybackWednesday para sa gumawa nito! Sana maalala siyang hanapin ng mga taong narito sa lumang litrato.

Lunes, Marso 23, 2015

Lost and Found

Hinanap kita — sa parke, sa eskuwelahan, sa bahay ninyo, sa dati nating tagpuan — ngunit wala ka. Hinanap kita sa "lost and found" — siyempre, wala ka.

Nasaan ka ba? Nasaan ka na?

Iniwan mo ako sa gitna ng mga katanungang "nasaan ka ba" at "nasaan ka na."

Nasaan ka ba? Hindi ko na alam kung saan ka nagpupunta. Nasaan ka ba? Tinawag kita ngunit wala kang binigay ni isang kataga. Nasaan ka ba? Nakita na lang kita bigla, may kasamang iba, masaya.

Nasaan ka na? Kahit wala ka na ay nanatiling nag-aabang. Nasaan ka na? Napakatagal mo na yatang nawawala. Nasaan ka na? Ako ay naiinip na. Nasaan ka na? Hahayaan na ba kitang lumaya?

Naisip ko, hindi lahat ng nawala ay naibabalik sa dati nitong kinalalagyan. Wala ka sa parke, sa eskuwelahan, sa bahay ninyo, sa dati nating tagpuan.

Hindi lahat ng nawala ay maisasauli sa iyo. Wala ka sa "lost and found" — oo, hinanap kita pati riyan, ganiyan ako kahibang.

Tumigil ako saglit sa gitna ng paghahanap. Umupo. Nagpahinga. Nag-isip. Nangarap.

At habang nakatulala, sa hanging hindi ko magawang makita, dumating ang isang himala — siya.

Pumunta kami sa parke, sa eskuwelahan, sa bahay nila, sa tagpuan namin na kabubuo pa lamang.

Masaya. Masaya pa sa masaya. Masayang-masaya.

Nakalimutan kita sa huling "nasaan ka ba" at "nasaan ka na."

Nasaan ka ba? Nakilala ko tuloy siya. Nasaan ka na? Hindi na mahalaga.

Lumipas ang panahon, bumalik ka — umaasang nasa gitna pa rin ako ng mga katanungang iniwan mong walang tugon.

Ngunit wala na ang saysay ng mga sagot sa taong tumigil na sa pagtatanong.

Hinanap mo ako sa parke, sa eskuwelahan, sa bahay namin, sa dati nating tagpuan. Wala ako roon, at kung naroon man ay hindi mo rin makikita. Naroon man ako ay wala na ang ako na nagmahal sa iyo.

Hinanap mo ako sa "lost and found." Wala rin ako roon.

Una, dahil hindi lahat ng nawala sa iyo ay makikita mo sa "lost and found." Kapag napulot ito ng taong may pagpapahalaga, hindi mo na ito matatagpuan pa.

Pangalawa, hindi bagay ang puso ko para mapunta sa "lost and found" — isang katotohanang hindi mo napagtanto sa nakaraan.

Miyerkules, Marso 11, 2015

Footbridge

May mas malayo pa sa pinakamalayong distansya. 

Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang tumawid sa footbridge. Bukod sa nalulula ako habang naglalakad sa ibabaw nito, ay hindi ko talaga gusto ang mga baitang ng hagdan na kailangan kong hakbangin para lang makatawid sa kabila. Nakakapagod talaga!

Nakakapagod, parang ikaw. Nakakapagod, parang tayo.

Bakit ba ang layo-layo mo?

Isang jeep, dalawang bus, isang traysikel — ang mga ito ang kailangan nating sakyan.

Bakit ba ang layo-layo mo?

Long distance relationship– ito ang mayroon tayong dalawa. Akala ko noon, magiging madali lang ang lahat. May cellphonc na, may computer at internet pa. Pero hindi pala. Dumating ang panahon na wala akong ibang magawa kung hindi ang umasa na darating ang panahon at literal kang ilalapit ka sa akin ng tadhana.

Kaya ito, binabalikan ko na lang palagi ang simula. Dahil sa simula, noong hindi pa tayo humaharap sa mga kapintasan ng relasyon natin, parang totoo lahat ng nababasa ko sa mga akda – parang hindi talaga natatapos ang walang hanggan, parang mayroon talagang ligayang pang magpakailanman.

Sa simula ay masaya ang relasyon nating dalawa – ginagawang gasolina ang mga mensahe at salita, pinapatakbo ng paminsan-minsang pagkikita. Magkalayo man ay lumalaban, nananalig sa katotohanang nasa ilalim tayo ng parehong kalawakan.

Ngunit, nagsimula akong mapagod. Wala akong kamay na mahawakan. Walang yakap na natatanggap kapag naguguluhan. Walang nag-aabot ng panyo sa tuwing ako ay luhaan. Walang nakikihiyaw kapag ako ay nagtatagumpay.

Hindi kita maramdaman.

Dumating ang araw ng pagtatapos ko. Nahuli ka ng limang minuto – natrapik ka, ‘ka mo.

Hindi mo man lang nakita ang medalyang tinanggap ko.

Napuno na ako.

Hindi kita kinausap hanggang matapos ang palatuntunan. Binantaan kita na huwag sumunod sa aming tahanan.

Tinapos ko ang ating ugnayan. 

Ngunit, ayaw mo akong tigilan. Mayamaya ka kung mag-text. Halos oras-oras kung tumawag. Pati sa Facebook, patuloy kang nagmamakaawang muli akong makausap.

“Tama na naman, malapit na akong bumigay,” minsan kong sambit. Lahat ng mensahe mo, hindi ko na binasa. Pero, hindi ka pa rin tumigil. 

Ngunit isang araw, sumuko ka na sa wakas. Tumigil kang magparamdam.

“Tapos na,” naisip ko.

Lumipas ang isang Linggo. Muli kang nagpadala ng mensahe. Sa pagkakataong ito, babasahin ko na. Siguro, na-miss ko rin.

Pero, sana hindi ko na lang pala binasa.

Agad akong umalis ng bahay. Isang jeep, dalawang bus, isang traysikel – wala akong pakialam. Hintayin mo ako. Hintayin mo ako.

Tinahak ko ang madamong daan. Bagamat tirik na tirik ang araw ay bumubuhos sa akin ang ulan. 

Nahuli ako ng limang minuto, nailibing ka na.

Namatay ka raw sa isang aksidente, araw ng Martes. Nabangga ang sinasakyan mong jeep, lahat ng sakay nito ay sugatan – pero ikaw lang ang bumigay. Bakit ka bumitaw? Naalala ko ang nabalitaan ko noong nakaraan, ikaw pala ang hindi pa nakikilalang biktima nang sandaling iyon. 

Bakit ka bumitaw? Akala ko mahal mo ako… akala… akala.

Pag-uwi sa bahay, tiningnan ko ang cellphone ko. Ang huling mensahe mo: “Pupunta ako sa inyo ngayon.”

Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang tumawid sa footbridge. Bukod sa nalulula ako habang naglalakad sa ibabaw nito, ay hindi ko talaga gusto ang mga baitang ng hagdan nito na kailangan kong hakbangin para lang makatawid sa kabila.

Ngunit kahit ilang footbridge ay handa kong tawirin. Sabihin mo sa akin, may footbridge ba papunta riyan sa langit?


May mas malayo pa sa pinakamalayong distansya, naisip ko.

Bluetooth

Muli kong pinakinggan ang mga lumang kanta, mga kanta mula sa nakaraan. Hindi ko inasahang maririnig ko rin ang awit mula sa kahapon nating nagdaan. 

Sa apat na sulok ng silid-aralan kita nakilala. Walang kahit anong espesyal sa iyo, hindi rin ikaw iyong tipong mapapansin kaagad. Bigla mo akong kinausap. Tiningnan kita sa mata. 

Sa sandaling iyon, naisip ko na tama sila, marahil ay sa hayskul mo nga makikilala ang taong magpapatunay na nagpaalam ka na sa pagkabata — ang taong magpapaibig sa iyo bago mo pa malaman ang kahulugan ng pagmamahal. 

Naging masaya tayo, kahit walang idinedeklarang ugnayan bukod sa pagiging magkaibigan. Nang tumagal, lalo akong humanga sa iyo.

Akala ko, tahimik ka. Pero, habang kasama ka, wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumawa — at maging masaya.

Akala ko, hindi ka umiiyak. Pero, kumpara sa akin, mas kilala mo pala ang luha. Nang makita kong pumatak ang unang luha mula sa iyo, napagtanto ko na matapang ka — matapang kumpara sa mga taong itinatago ang pag-iyak upang hindi matawag na duwag. 

Mabilis na lumipas ang mga taon, dumating ang araw ng ating pagtatapos. Hinintay kong sabihin mo sa akin ang mga katagang matagal kong inasam na marinig.

Nang yayain mo ako sa gilid ng entablado, inabangan ko ang pagdating ng mga salitang iyon. Lalo pa akong nabuhayan ng loob nang yakapin mo ako. 

Ngunit, agad ka rin bumitaw. Masaya ang iyong mukha, parang hindi ka man lang nalulungkot na malapit na tayong maghiwalay. 

Nang araw din iyon, ikinuwento mo na may kasintahan ka na. Sabi mo, sa sandaling panahon lang ay umibig ka na kaagad sa kanya. 

Kasama mo ako ng apat na taon. Bakit hindi sa akin? 

Hindi pa uso ang "friendzoned," na-friendzone mo na ako.

Tuluyan na tayong nagkalayo. Pati sa aking gunita, ganap ka na rin nawala — hanggang sa muli kitang naalala, pagkalipas ng kalahating dekada.

Ang tanging naiwan na lamang sa akin mula sa iyo ay ang kantang ipinasa mo sa luma kong "cellphone" — isang awit na hindi ko alam kung kinakanta mo pa ngayon.


Lunes, Enero 12, 2015

Old Woman's Wish to Black Nazarene: A "Good Death"

( Unpublished. I'll just post it here. :) )

The wishes of Black Nazarene's devotees are almost the same – things, chances, and persons that will give them a good life. But Lola Angelita's wish was different – she is wishing for what she calls a “good death.”

Hinihiling ko sa Kanya 'yong pagpanaw ko, 'yong sana kapag namatay ako e sa magandang paraan, 'yong hindi masakit sa kanila [pamilya]. Kumbaga, hindi iyong sa disgrasya, hindi 'yong nasaksak o nabaril, 'yong hindi magiging mahirap sa kanila. Sana iyong sa sakit lang (I'm praying for my death, I wish I could die in a good way. I wish that my death will not be that painful to my family. I don't want to die because of an accident, because I was stabbed o I was gunned down),” she said.

According to her, it had been her wish after realizing that she was already old, and she knows that her wish was different from others who prays to have a longer life.

'Yong iba hinihiling na humaba ang buhay nila, ako hindi. Lahat naman kukunin Niya. Pero, 'yon, 'wag sa malagim na paraan. Ayokong maging masakit sa pamilya ko (Some would wish to have a longer life, but I don't. All of us will die. My only wish, however, is not to die in a tragic way. I don't want my family to get hurt),” she stated.

Lola Angelita expressed how she loves her family, adding that it is the very thing that made her faith to Black Nazarene stronger.

Ang isang bagay na nagpapatibay ng pananalig ko, 'yong biyaya na sama-sama kami. 'Yong kung nagkakasakit man kami e gumagaling kaagad, hindi 'yong grabe (What makes my faith stronger is being blessed of having a whole family. That when we get sick, we recover easilt),” she shared.

Another blesssing, she said, is having a shelter, though they don't have a permanent one.

Hiniling ko, pagkatapos ma-demolish iyong tinitirahan namin, na sana 'wag magtuluy-tuloy na sa bangketa kami tumira. Ngayon, palipat-lipat kami pero hindi sa bangketa. Pero, kung sa bangketa man o sa bahay, hindi ako makakalimot sa Kanya (When our house was demolished, I pray to Him to give us shelter so that we will no longer sleep on sidewalks. Now, we don't have a permanent residence, but at least we dont live on sidewalks. But whether to sleep on sidewalks or to live in a house, I will not forget to pray to Him),” she stated.

Lola Angelita goes near the Quiapo Church to celebrate the feast of the Black Nazarene, every January 9. Although she does not join the procession, she and her family goes to a relative who resides along the road where the image will pass. Black Nazarene, as well as the Quiapo Church, has been a part of her life since she was five years old -- a yearly routine for more than half a century.

This year, however, she will not see the image of the Black Nazarine during its feast. While eating outside the house of a relative, a motorcycle bumped her 12-year-old granddaughter. The accident pushed Lola Angelita and her daughter to stop waiting for the procession, and bring the young girl to Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

She, however, do not resent Him. According to her, it was an accident. She is even thankful that the accident did not caused too much injuries to her daughter.

If they would be released from the hospital earlier, she would go back to her relative's house. If not, she would just wait for next year.

Sabado, Enero 10, 2015

First Christmas Without an Angel

(Late post. Hindi ito na-publish kaya pinost ko na lang dito.)

While many people relish the holidays, there are corners in this world where someone sits alone, longing for a loved one who will no longer be present this Christmas – like a mother whose heart breaks every time she sees the empty space that her daughter used to occupy beside the Christmas tree.

It is their first Christmas without their “little angel,” the family’s “apple of the eye,” Remedios Salarda-Chan said.

“Our Christmas tree and gifts make me feel the pain of Yanna’s absence. If she’s still with us right now, I’m sure she is always beside the Christmas tree, checking how many gifts she is getting and counting how many gifts she is giving to others,” she expressed.

On July 15, due to lack of facilities, 10-year-old Jannary “Yanna” Chan – who was in a critical condition – was taken from a hospital to another. Despite being assisted by two nurses from the first hospital with complete medical certificate and referral, the second hospital refused to accept the child because Remedios’ available cash on hand that time was only around P8, 000 to P10, 000. The hospital, demanding for P30, 000, did not change it decision despite the family’s pleading.

They decided to bring Yanna to another hospital. Haplessly, she succumbed to congestive heart failurey along the wa, July 16, around 3 a.m.

Christmases with Yanna
Yanna, the younger of Remedios and her husband Gregory R. Chan III’s two children, was already diagnosed of having congenital heart disease when she was six months old.  The illness, however, did not stop her from being a happy child.

“Yanna is a happy child, so sweet, friendly, charming, thoughtful and generous,” she described her daughter, adding that Yanna has been valiant all throughout her short-lived life.

Every Christmas, Yanna entertains everyone by singing or dancing, among others. Remedios remembered that Christmas of 2012 when she recorded a video of Yanna singing.

“She was singing a tagalong song, full of emotions. The song ‘Sana Ngayong Pasko,’ with actions. I was able to video that moment, but I deleted it because it’s really heart-breaking to watch it,” she expressed.

“We will always remember those Christmases with Yanna. I don’t think we will stop remembering such joyful and precious moments,” the mother added.

Last Christmas with Yanna
Remedios said it was only last Christmas when Yanna was dancing joyfully, entertaining everybody as she always does.

“We remember how happy she was last Christmas. She keeps on dancing to the music and entertains our visitor as well. She hugs and kisses us one by one after opening our gifts to her. She was also very happy and excited giving gifts to her friends, classmates, housemates,” she added.

She very happy and there was no trace that that would be the family’s last Christmas with her, the mother shared.

“Last year, really, was the happiest Christmas for her because she received so many presents, including gifts from her 40 classmates,” Remedios further stated.

Christmas without Yanna
Remedios defines this Christmas as a “different one.” Right now, “there’s a struggle to be happy.”

“[Different] because when she died, we felt a part of us also died. It’s very hard to spend our first Christmas without Yanna It will never be the same as happy as the Christmases when she was still alive. There’s a struggle to be happy because she was the one who always makes us all happy,” she said.

On the other hand, she said they will still celebrate this Christmas – “not just because it will make Yanna happy, but also because she is in the arms of the Creator now.”

“She is having grand time with our Creator right now. And that inspires us more to celebrate Christmas.... In my dreams, she, probably, would visit me this Christmas. In God’s time, we will be together again,” Remedios emotionally stated.

The family will visit Yanna in her grave this Christmas, though it’s hard not to see her smiles. Remedios said the family will also go to Manila and spend Christmas with people who are closest to Yanna’s heart. “They are not relatives but they are the persons who helped fought Yanna’s life for many years and stood with us up to her last breath.”

This Christmas, Remedios wants to tell Yanna that: “Yan, you’ve fought really hard, not only for your life but also for all of us. We thank you for the joy that you have given us. We will never be able to see you, embrace you, but in our hearts you will stay forever. We will always remember you as our angel who eases our problems with just one smile. I promise that I will never stop fighting for your justice. We love you so much and we miss you, more and more each day.”

Sabado, Disyembre 20, 2014

Bukas

Dumaraan ang mga bestidang puti;
Gusto ko miske isa;
Ngunit kumuha'y 'di magawa;
Panahon ang magtatakda.

Dumaraan ang mga dilag;
Isinasaboy ang mga rosas;
Habang ako'y nakaposas;
Pait ay dinaranas.

Ako'y alipin ng mga taon na naglayag,
Nang mas maaga sa aking bangka;
Ako'y nagtataka, bakit nga ba?
Madaya... madaya.

Sa dalampasigan ng altar,
Ako'y naluluha;
Walang ibang hiling sa langit ng pag-asa,
Kung 'di bukas ay dumating na.
[December 20, 2014 5:52 a.m.]