Miyerkules, Agosto 20, 2014

Drowning in memories of a lost daughter

(I just want to post it here-- one of the stories that I wrote using my heart. A story of tragedy and love. Published in Manilla Bulletin on August 14, 2014)

“I cannot think of words that would describe or measure how painful it is to lose a child. Yanna is a big loss. She is the one bringing joy to our home. She is our life, I can say. She was our angel when she was still with us, and she will always be.”
 These are the words of Remedios “Tutz” Salarda-Chan, mother of 10-year old Jannary “Yanna” Chan, who died recently after being turned away by a private hospital in Butuan City because she could not immediately produce P30,000 required by the hospital as a deposit.
In an exclusive interview yesterday, Remedios opened her heart to Manila Bulletin – expressing  sorrow and pain.
 Yanna, the younger of Tutz and her husband Gregory R. Chan III’s two children, was already diagnosed with congenital heart disease when she was six months old.  The condition, however, did not stop her from having a happy childhood.
 “Yanna is a happy child, so sweet, friendly, charming, thoughtful and generous to everyone,” Remedios said in describing her daughter. She added that Yanna has been brave   and strong all throughout her short-lived life.
“She’s a brave child. Brave in the sense that she can endure all medical procedures, especially when she needed to be admitted and a series of laboratory tests had to be performed., such as getting blood samples every now and then, inserting intravenous lines aside from injections of high dosages of insulin four times a day plus taking a lot of medicines.  How can a child sustain and endure all these pains and yet remain happy, smiling, witty, thoughtful, generous?” she shared.
Early this year, Yanna was also diagnosed of diabetes with renal complications. 

Hospital and sorrow
Every time she hears the hospital’s name, the first word that comes into her mind is the word “sorrow.”
“Sorrow,” Tutz said. “Because it reminds [me] of the nightmare that happened to us on the night of July 15, 2014 that is causing us so much pain and sorrow right now.” 
She recalls what happened that evening. 
They were advised to transfer Yanna from the San Francisco Doctors Hospital in Agusan del Sur where she was confined since July 13 to a better-equipped facility due to the child’s emergency situation and critical condition.
“We travelled more than an hour in an ambulance accompanied by two nurses from San Francisco Doctors Hospital with medical certificates and a referral. We arrived at the Butuan Doctors Hospital around 8 p.m., and I rushed to the admission desk where I was turned away simply because my available cash on hand was only around P8, 000 to P10, 000 and they demanded for 30,000.” Tutz recalled.
“We pleaded to be admitted because of the emergency and Yanna’s critical condition, and it was beyond banking hours,” she said, adding that they explained to the woman at the admission desk that they can produce the remaining balance in a few hours when banks open. 
The admitting clerk was far from moved and shot back at the child’s mother.
"Malayo sa 30,000 yang hawak mong cash! Wala ditong charity, private hospital kami (The amount of money you have right now is too small. There’s no charity here, we are private hospital!),”
 Bent on getting medical attention her daughter desperately needed, Tutz continued to plead, stressing that Yanna’s condition is an emergency, to no avail.
The staff, she said, responded in Filipino: “That’s not an emergency! Emergency is when someone gets hit by a vehicle etc. You came from another hospital, you should’ve called us before leaving there to know how much you need to pay. You know that there must be a deposit before the patient can be admitted. And when in ICU, we need P30, 000 deposit, that’s our policy!” 
“We had no choice but to travel again,” Tutz said.. “While on the way, we were constantly coordinating with the attending physicians of San Francisco Doctors. There was no other way but to go to a farther hospital. But before reaching the hospital in Davao City, my daughter passed away.” 

Sweet ‘til her last moments
Yanna remained sweet and caring up to her last breath, Tutz remembered. 
“Gasping for breath with an oxygen mask on, she said ‘Kain na mommy, kain na daddy! (Mommy, Daddy, let’s eat)’ She just keeps on calling me and her dad. No other words uttered, only “mommy” and “daddy.” 
It was so painful for a mother to recall the scene of her daughter in her death bed.
“It was just too painful to see her not breathing anymore,  eyes closed. When the physician confirmed that Yanna is gone, Yanna’s dad said in trembling voice “Lapitan natin si Yanna, magpaalam na tayo habang mainit pa siya.’
“Teary-eyed, we approached our dear child and gave her our last tight embrace. We felt unimaginable pain.” 
“My other child, my husband and the rest of my family feel so much loneliness as I do. We used to hear Yanna’s voice, calling all our names. We talk to her all the time since she left us. I know time will heal the pain we are feeling right now. I just don’t know until when.” 

Viral social network post
“When I wrote the letter and posted it,” Tutz disclosed, “all I wanted was to just expose Butuan Doctor’s Hospital, how they treated us and rejected my daughter in spite of her critical condition, so people in the region would be aware.” 
She said she never thought the post would be shared more than a hundred thousand times. 
“I thank my friends and their friends who shared my post [on Facebook],” she expressed.
“Even people I don’t know are trying to help sincerely in trying to seek justice for Yanna.” 
“I have no message to the hospital,” she added. “What else am I supposed to tell them? My precious daughter is already dead.” 

With visions and memories of her happy little angel in mind, Tutz  sent out this emotional message to Yanna: “Miss na miss na kita anak. Sobrang mahal ka naming lahat.(I miss you a lot my child, we all love you so much), I am looking forward to be with you again in God’s time.” 

Sabado, Agosto 16, 2014

Sayang, Sana Hindi Ko Binitiwan


Sayang.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ng tamang aklat, may nakita akong isa na ‘tila magugustuhan ko talaga. Mukhang maganda 'yong kuwento, kung ibabase sa buod nito likuran ng libro at sa mga parteng nabasa ko sa ilang buklat. Idadagdag mo pa ‘yong magandang pabalat. Talaga namang ang sarap itabi!

Kaya lang, medyo malaki at mabigat. Nagsisimula pa lang akong mag-ikot sa tindahang iyon. Kung dadalhin ko na iyon, paano kung maging sagabal ito? Paano kung mahirapan na akong makakita ng mas maganda?

Naisip kong ilapag na lang muna. Sabi ko, babalikan ko na lang bago umuwi o ano. Basta, bibilhin ko talaga iyon. Mag-iikot lamang muna ako.

Sa dami ng libro roon, 'di naman siguro 'yon makukuha. Mahirap pumili kung marami kang pagpipilian. Isa pa, ginawan ko naman ng paraan. Inihalo ko ito sa mga babasahing pambata. Wala naman sigurong bata na pipili ng ganoon kabigat na babasahin, lalo pa’t makapal ito at wala namang mga larawan sa loob.

Pero nagkamali ako.

Sayang. Sana, dinala ko na lang pala.

Naisip ko tuloy, minsan talaga ay saka ka lang nagkakaroon ng sapat na lakas dalhin ang isang bagay kapag bitbit na ito ng iba.

Kung saan ako nagkamali ng akala – sa pag-iisip man na sa dami ng libro ay hindi ito mapipili, o sa paniniwalang walang dadampot nito na paslit – ay hindi ko alam.

Basta, sayang.

Ang masaklap pa ngayon, hindi ko man lang alam kung sa tamang tao ito napunta o doon din sa kagaya ko na may pagkatamad at iresponsable.

At iniwan lang din ito kung saan.

Paano kung umalis pala ako nang hindi alam na nasa tabi-tabi lang ito? Paano kung naitapon pala, sa ikalawang pagkakataon, ang tiyansang makuha ko ang librong iyon?

Sayang.

Pero, bakit ko pa iisipin kung wala na? Kung huli na para mag-isip?

Bakit ko pa pagtutuunan ng pansin kung may iba naman akong nabili – na mas maganda pa?

Minsan talaga, gustung-gusto nating hinahanap ang malabo na nating makita. Mas gusto natin kung saan tayo nahihirapan.

May challenge, ‘ika nga.

Torture kamo.

Pagpapahirap lang sa sarili.

Sa halip na tingnan natin kung ano iyong nawala, bigyan na lang natin ng pansin kung paano ito nawala – para maiwasang magkamali muli.

Hawak ko ngayon ang isang aklat na alam kong magugustuhan ko – base sa pamantayan ko sa “unang tingin.”

Kapag nawalan ako ng ganang basahin ito dahil lang sa isa, mas malaki ang mawawala – iyon ang totoong sayang. Sayang, dahil sa ikalawang pagkakataon ay mayroon akong sinayang.

Binuklat ko ang hawak kong libro.

Magbabasa na ako.
[August 2014]

Photo from www.onislam.net

Sabado, Agosto 9, 2014

Parang Totoo


Larawan, larawan. Minsan sa buhay ko, inakala kong totoo ka, inakala kong totoo ito.

'Tila buhay ang iyong mga ngiti. Waring tunay ang pagsabay sa hangin ng buhok kong itim. Parang totoo ang sikat ng araw na tumatama sa atin.

Ang saya pala natin sa simula -- malaya, lumilipad. Ang ganda pala ng Maynila, sa wakas ay nakita ko ang lantad nitong kasaysayan. Ang sarap maligo sa ulan, bata pa ako nang huli ko itong maranasan.

Dahan-dahan ang pagsabay ng mga dahong palutang-lutang sa ilog. Inilantad ang mga ito ng buwang ngayon ay bilog na bilog. Pakiramdam ko ay natagpuan ko ang paraiso -- dito sa magulong mundo.

At nyakap mo ako. Sa wari ko ay nag-iba ako. Hindi kita tinulak palayo. Sana ay hindi na matapos ito. Sa bisig mo, naramdaman kong protektado ako.

Nakabibingi ang katahimikan, pero musika ang narinig. Walang nagsasalita kahit sino sa ating dalawa. Pinakinggan ko ang pintig ng pusi mo. Masaya, masaya, habang yakap mo ako.

Pakalat-kalat ang mga larawan, masakit sa mata.

Unang ngiti, akalain mong masusundan ito ng ilang daan pa? Sariwa pa sa alaala ko ang lahat. Ang mga mata mong 'tila may kalakip na pag-aalala. Ang mga unang impormasyong nakalap natin sa isa't isa. Ang mga bagay na maiuugnay sa tadhana.

Subalit naglaho na ang lahat. Mas maliwanag pa sa bilog na buwan ang katotohanan. Lahat ng inakala kong hiwaga ay ordinaryo lamang. Lahat ng sinabi mo noon, hindi ko na magawang paniwalaan.

Ang mga larawan. Napakaraming alaala, nakakapika!

Ngunit mas nakakainis mapagtantong wala ka pala akong hawak na larawan. Ang mga litratong hindi nakunan ng mga lente pala ang aking namataan.

Photo from searchquotes.com
Mas matindi pala ang kamera ng puso ko, walang eksenang hindi nakuhanan. Narito ang lahat -- mga larawan natin, mga bakas ng kahapon, mga alaalang nabuhay noong inakala kong lahat ay tunay.

Nagkalat ang mga gunita. Gusto kong maluha.

[August 9, 2014]

Linggo, Hunyo 22, 2014

Ang Piloto at ang Eroplanong Papel


Umihip ang hangin. Isa... Dalawa... Tatlo... Sabihin mo sa akin, bakit parang napapagod ako?

Natapos na ang isang yugto, nagsimula na ang panibago. Umihip na ang hangin, wala na akong maaaring baguhin.

Naaalala ko pa dati, madalas niyang sabihin kung gaano niya ako kayang ibigin. Oras-oras kung magsalita siya tungkol sa pagmamahal na laan niya sa akin -- at, kung hindi ako nagkakamali, walang araw na hindi niya binigyan ng kahulugan ang mga katagang iyon.

Gawa, gawa, palaging may gawa. Isa lamang ang hindi niya nagawa, isang bagay na hindi ko hinayaang maganap.

"Ililipad kita sa langit," ito ang madalas niyang sambitin.

Imposible? Hindi. Siya ay naging isang piloto -- hindi dahil sa pangarap niya ito, kung hindi dahil sa hangad kong maglakbay malapit sa paraiso.

Sabi nila, mapalad daw ako.

Mapalad nga ba?

Pinili kita, hindi ko alam kung bakit. Ikaw ang gusto kong makasama, sa dahilang walang nakakaunawa -- maging ako. Iniwan ko siya, minahal ka nang buong-buo. Naniwala ako na ang makapiling ka ang tunay na suwerte ko.

Masuwerte nga ba ako?

Kailanman ay hindi ka nangakong ilipad ako. Ang pagsasabi mong mahal mo ako ay hindi ko maaninag sa iyong pakikitungo.

Nakakapagod. Nakakalito.

Hindi ko kailanman hininging ilipad mo ako. Masaya na ako kahit isang eroplanong papel lang ang ibigay mo. Hindi ko hinihinging ilipad mo ako. Nais ko lang sabayan natin ang hangin, maging masaya tayo sa kahit isang eroplanong papel lamang ang ating mundo.

Umihip ang hangin. Isa... Dalawa... Tatlo... Sabihin mo sa akin, mapapagod na ba ako?

Lumilipad sa langit ngayon ang piloto. Habang ako, naghihintay pa rin sa eroplanong papel na mula sa 'yo.

Nakakatawang isiping may isang taong pinipilit ibigay sa 'yo ang lahat, kahit na imposible, ngunit pinipili mo pa rin ang taong maibibigay ang posible pero pilit ipinagkakait sa iyo. Ito ang pag-ibig.

Umihip ang hangin. Isa... Dalawa... Tatlo...


Sabihin mo sa akin, hihintayin ko pa ba ang eroplanong papel mo? O maghahanap na lang ako ng isang bagong piloto?

Martes, Abril 22, 2014

Real Summer


I felt the cold breeze in the midst of summer’s heat, one afternoon. I held my heart with my right hand and glanced at it. I saw my soul. For the first time, I discern how frail it is. Inside me, I fathom, is a tiny flower longing for water and soil.

"What a swizz!" I screamed in silence.

I returned it back to where it was meant to be, where it was destined to beat. But then, my chest said it has no place in its erstwhile home. There is a space, elsewhere, that has been waiting for it from the very start.

"Where?" I wondered.

Without a map, I began to wander.

The road I took was long, winding and confusing. There is no post, no sign, along its side. It has no clear beginning and its end is, somehow, still so far.

I continued walking. I met the fall, and the dry leaves. I made friends with the flowers of spring.

I relished the rain, but hated the snow. I fell in love with the stars, played hide and seek with the moon.

I rode on the clouds, then landed on a paradise.

I chased the rainbow, but failed to reach it.

I got tired, sat for a moment. Then walked again.

I shall walk again.

Years passed. The journey began to end, the end started a new journey.

I have been in mirth, I have been frightened. I have been thankful. I have been regretful. Until everything made sense.

I felt the cold breeze in the midst of summer’s heat, one afternoon. That was a long, long time ago. I held your heart with my right hand and glanced at it. The summer breeze kissed me, cold wind has no place during sunny days. I saw my soul, bearing an abyss happiness. I am no longer a tiny flower longing for water and soil, your love is enough to make me live. In your life is where I am meant to breathe.

[April 2014]

Sabado, Marso 8, 2014

Maikli... At Malungkot



Niyakap kita, isang gabi, sa ilalim ng mga tala. Hindi ko alam kung bakit, pero hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako, kahit pa nararamdaman ko naman kung gaano ako kahalaga sa iyo. Paano nga ba kung mahal mo lang ako dahil hindi na maaaring dugtungan ang nakaraan ninyo?






Tinanong kita. Sa totoo lang ay hindi ko nais marinig ang sagot mo. Sana ay piliin mo na lang na huwag sumagot.






Dumating at lumisan ang katahimikan. Naramdaman ko na lang ang pagbuhos ng ulan. Nabasa ang pula kong blusa. Sa kalangita’y ’tila nabura ang mga tala.


***






Niyakap mo ako, isang gabi, sa ilalim ng mga tala. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla kang nagtanong kung sino sa mga minahal ko ang nais kong makasama kung wala ka sa buhay ko ngayon.






Sumagot ako. Sa totoo lang, hindi ko matanaw ang isang buhay na hindi ka kasama, ngunit sumagot pa rin ako. Alam ko na ayaw na ayaw mo kapag hindi ako sumasagot sa tanong mo dahil pakiramdam mo ay may nililihim ako. Sinabi ko ang pangalan niya dahil alam ko na kung hindi ka dumating ay siya ang pinakainibig ko sa lahat — pagmamahal nahigitan nang nadoble noong nahulog ako sa iyo.






Dumating at lumisan ang katahimikan. Akala ko ay bumuhos ang ulan ngunit sa kalauna’y napagtanto ko na sarili kong luha ang bumabasa sa pulang damit mo. Maibabalik pa kaya ang mga tala sa kalangitan?


***






Maikli… Naging maikli ang kasalukuyan nang ibalik ko ang nakaraan.


***






Malungkot… Sana ay nalaman ko man lang kung bakit mo ako iniwan.





[March 2014]




Sabado, Enero 25, 2014

Lubak

May batang babaeng akay ng kanyang ina (yata?) sa unahan ko, naglalakad. Natisod 'yong bata, naglakad ulit pero nakalingon pa rin do'n sa lubak. Nagtataka siguro kung ano 'yon.

Ako (sa isip): Paglaki mo at natisod ka, maglakad ka ulit, pero 'wag mong lilingunin 'yong lubak na naging dahilan. Hindi ka lang matitisod ulit kahit wala ng lubak sa nilalakaran mo, p'wede ka pa mabangga kung hindi maingat o kung nakalingon din sa likod ang kasalubong mo.

[February 2013]